[2] His Request

4K 29 6
                                    

"Tama na po...maawa po kayo...tama na"

"Itigil niyo na po! Pleaseee! Maawa na po kayo!"

******************************

"Lizzie? Huy Lizzie? Are you okay? Tulala ka nanaman"

Napatingin ako sa right side ko kung saan nandun si Laura [a/n: pronounced as Lora] na nakatingin pa rin sakin hanggang ngayon, nginitian ko lang siya at tumango. Iniwas ko na ang tingin ko sakanya at tumingin na ulit sa professor na nagdidiscuss sa harap kahit wala nang estudyanteng nakikinig sakanya

Naririnig ko nanaman yung mga sigaw na yun, mga sigaw ng isang batang babae. Napailing ako at napatayo, lumabas ako ng room at dumeretso sa cr, inayos ko ang buhok ko at ang lipstick na unti-unti nang nagfafade, nang masiguro kong maganda na ulit ako ay lumabas ako na ko ng cr habang pabalik ako sa room ay nadaanan ko ang isang room na may parang umuungol

"Tss hindi man lang hinaan yung boses"

Napairap ako at dumeretso dun sa room kung saan ko naririnig yung mga unwanted noises. Dahan dahan kong binuksan yung pinto at sumilip muna ako, malay ko ba kung multo lang yan or what diba? Tsaka wala silang karapatan na mag-ingay dito, kaya nga pag may ginagawa akong ganyan mahina lang yung sigaw ko pero in a sexy manner pa rin para mas mukang nag-eenjoy pa rin ako

They're really having sex inside, walang saplot ang dalawang taong to pero napangiti ako sa nakita ko, sabi na eh, may balak yung lalaking yun

Hindi ko na sila inistorbo at naglakad nalang ako papuntang room pero bago pa man ako makalayo ng hakbang nakarinig ako ng mahinang sigaw

"WHAT ARE YOU DOING?!"

Napalingon ako sa likod at tama nga ako galing yun sa room kanina at halos matawa tawa ako ng makita ko kung sino yung sumigaw, isa lang namang babaeng prof, nakoo lagot kayo ngayon

"Di kasi nag-iingat eh"

Naglakad ako pabalik sa room ng may mga ngiti sa labi ko, sigurado mamaya hihingi na yun ng pabor sakin, sigurado mamaya lalapit na yun para hindi siya masuspend

Natapos yung lesson nang wala man lang akong naintindihan, okay lang naman kasi alam ko namang hindi ako babagsak sa subject na to close ata kami ni sir

Lumabas ako ng room mag-isa, hindi naman ako loner or what feel ko lang mag-isa ngayon dahil first day of school at madalas talaga ako mag-isa due to certain reason na lagi akong in demand

Pumunta na ko sa madalas kong tamabayan mag-isa at kung saan alam ng mga lalaki na lagi kong tambayan ang second year level representative room

Kahit na kasi may secretary kami, walang ibang taong pwedeng pumasok sa room na to nang wala ang representative at pag hindi nakabukas ang pinto dahil sa bawat representative room tanging dalawang susi lang ang prinoprovide ibig sabihin, isa sakin at isa sa magaling kong King

Pagkapasok ko sa room ni-lock ko agad yung pinto para kunwari walang tao, ayoko muna tumanggap ng clients ngayon dahil nakatanggap na ko kahapon at for sure hahanapin ako ng lalaking yun ngayon, dahil for sure may hangover pa yun sa mga nangyari kagabi kaya para safe wala munang clients ngayon

I'm in the middle of "studying" the different profiles of the first year guys student ng biglang may pumasok sa room

"Lizzie, I need your help"

Sabi na eh, lalapit nanaman to sakin

"What is it my dear King?"

Ngumisi ako sakanya at unti nalang matatawa na ko sa itsura niya, halatang problemado, hindi kasi nag-iingat

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon