[14] You're Invited To Hell

811 25 4
                                    

 Amanda's POV

Pagpasok namin ni Jace sa party venue nalula kaming dalawa, hindi talaga namin maintindihan kung bakit kailangan lahat ng guess ay naka black and white, para bang may patay na pinagluluksa. Hindi namin kasama si Leila dahil may outing ang family nito kaya kami lang ni Jace ang magkasama ngayon. Nakita ko agad sila Daddy at ate Magy malapit sa may uupuan ng debutante, at sa kabilang table naman sila mama at ang daddy ni kuya David. Una kong nilapitan sila mama at nakipagbeso at sinunod ko naman sila daddy.

"Hi Dad I miss you"

Niyakap ko si daddy at hinalikan siya sa pisnge

"Amanda hija I miss you too so much! I haven't saw you for a very long time hija, and who is this guy beside you"

"Ah! Daddy, ate Magy, this is Jace my....friend"

"Oh Hi Jace, take care of my sister okay? Teka Amanda, dito na kayo umupo. Kwekwentuhan mo pa ako about your "FRIEND" "

Natawa ako sa reaction ni ate Magy, I really missed them a lot. Kung may choice lang ako mas gugustuhin ko pang tumira kasama sila pero hindi ko kasi magawang iwanan si mama at lalong lalo na si ate sa kalagayan niya. 

Kahit may scandal na kumakalat sa school namin about ate Lizzie, marami pa ring schoolmate namin ang pumunta sa event na to. Masquerade party ang napili ni ate, sa totoo lang sila na nila kuya David ang nag-ayos ng party na ito. Pero di ko talaga lubos maisip kung bakit black and white ang theme ng party. Mas pinili ko nang magsuot ng white kaysa black at hindi na rin kami sumunod sa theme na dapat nakamask, naka plain tux lang sila daddy at si Jace 

"Welcome ladies and gentlemen. Thank you all for coming to this once in a lifetime event. Tonight you will witness something you have never seen before. Let us now all welcome the debutante! Ms. Lizzie Mercer"

Sabay sabay kaming tumingin dun sa hagdanan kung saan lalabas si ate and we were all amaze of how gorgeous she is right now. She's just wearing a long gown na medyo kita yung ibang skin niya, it looked vintage pero fit na fit sa katawan. She really looked like a lady by her dress, no wonder how all gents sa school namin ay nahumaling sakanya. And beside her is kuya Kai wearing a tux na bagay din sakanya, he looks hot sa suot niya. They both look hot! 

Everybody's eyes are locked on the both of them as they make there way towards the stage. Nang tumingin sa side namin si ate bakas sa muka niya ang pagkabigla ng makita niya sila daddy at ate Magy. I can see in her eyes the real Lizzie na matagal nang nawala, yung tipo ng tao na mapagmahal at totoo sa sarili niya. Sana malampasan namin to ni ate para mabuo na ulit ang pamilya namin.

Lizzie's POV

Matagal namin hinintay ang araw na to, ang araw kung saan matatapos na ang lahat. Ang araw kung kailan magkakaroon na rin kami sa wakas ng katahimikan. Ang araw kung sana magbabayad ang mga dapat magbayad.

"Welcome ladies and gentlemen. Thank you all for coming to this once in a lifetime event. Tonight you will witness something you have never seen before. Let us now all welcome the debutante! Ms. Lizzie Mercer"

"Ready?"

"Always"

Inalalayan na ko ni Kai pababa sa mga bisita ko. Pababa sa mga taong naghihintay ng isang malaking pasabog. Katulad ng plano maraming malalaking personalidad ang dumalo sa party ko, mga taong kakilala at alam kong malalapitan ng daddy ni David

Habang palakad ako papuntang stage, nakita ko si mama na nakangiti sakin, parang ang peaceful ng ngiti niya. Wag kang mag-alala mama, mas magiging peaceful pa yan pagkatapos ng araw na to. 

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon