[4] Her Senior

3K 29 8
                                    

Nagising ako ng mga 4 ng umaga, nakakatamad bumangon kaya nanatili akong nakahiga ng mga ilang minuto, nakatingin lang ako sa kisame habang iniisip ko yung mga nangyayari. Kailan kaya ako magiging masaya? Kailan kaya ako malalagay sa tahimik? Siguro hindi ko kayang humarap sa mundo pag nalaman nila ang mga pinaggagawa ko. 

Nag-eenjoy ako? Oo. Pero hindi ko kaya na pati ang mga babae dito sa school ay tapakan ang dignidad ko. Pakiramdam ko pag nangyari yun, wala nang matitira sakin.

Nawala ako sa pag-iisip ko nang makarinig ako ng sunod-sunod na doorbell. bakit may sunog ba? Kahit na tamad na tamad ako, pinilit kong bumangon. Istorbo! Hindi pa rin tumigil yung tunog kaya tumakbo na ko papalapit dun sa pintuan, baka mapalayas ako ng wala sa oras dahil sa pambubulabog ng kung sino man

Pagkabukas ko ng pintuan handa na kong bulyawan siya

"Ano bang prob..hmmm"

Nagulat ako ng biglang pumasok yung taong yun at halikan ako. Narinig ko naman yung malakas na pagbagsak niya sa pintuan ko. Lumayo ako sakanya para pigilan siya sa ginagawa niya

"Anong ginagawa mo dito?"

Hindi niya ko sinagot at agad siyang lumapit sakin at hinalikan ako ulit. Hindi ako nagrespond kaya kinagat niya yung lower lip ko dahilan para makapasok ang dila nito. Ano ba yan! hindi pa naman ako nagmumog!! 

Bumaba pa ang halik niya hanggang sa leeg ko habang ang isa nitong kamay ay nasa dibdib ko

"Ano bang problema Ja-Jaceee..."

"I want you"

"N-n.....ohhhhh"

Hinalikan niya ako ulit at binuhat papuntang living room at inihiga sa couch. sa bawat halik na ginagawa niya ay nalalasahan ko ang alak, sa bawat halik na ginagawa niya ay parang.....nasasaktan ako

"Stop this Jace"

Hindi niya ako pinansin at tuloy pa rin siya sa mga ginagawa niya. Unti-unti pakiramdam ko naaargabyado ako, oo bayaran ako pero hindi sa ganitong paraan. Karma ko na ba to sa mga kasalanan ko? Karma ko na ba to at nangyayari ulit yung mga nangyayari dati?

"Jace please"

Siguro dahil sa impluwensya ng alak kaya hindi niya ako naririnig, ganitong ganito din yun. katulad ng dati. Nagmamakaawa ako, pero walang nakakarinig, iyak ako ng iyak pero walang tumutulong. Sa bawat sabi ko ng tama na, wala pa rin silang tigil.

Alam kong baboy na baboy na yung pagkatao ko pero hindi ko inaasahan na mas magiging mababoy pa ako ngayon.

"Ja-jace"

Sa lahat ng mga naging cliente ko siya ang kauna-unahang gumawa nito sakin. akala ko magiging madali lang to ngayon pero bakit ganun, parang mas mahihirapan pa ako ngayon.

Naramdaman kong tumigil siya sa ginagawa niya, nakatingin lang ito sakin habang nakakunot yung noo niya. Hindi ko maiwasang hindi matakot at manginig. 

"bullshit! I'm sorry!"

"Get out"

"What?"

"I SAID GET OUT OF HERE JACE!"

Kitang kita sa muka niya ang pagkagulat pero hindi ko mapigilan, naguumapaw ang takot at galit sa buong sistema ko. Agad naman siyang bumangon at nagmamadaling umalis

"I'm sorry.. I didn't...I'm just...shit!" 

Yan ang tangin mga salitang narinig ko bago siya tuluyang umalis.

Tumayo ako sa pagkakahiga ko pero hindi pa rin nawawala yung panginginig ko hanggang sa tuluyan na kong mawalan ng malay.

Nagising nalang ako na nakahiga na ko sa kama at nababalutan ng kumot, tinignan ko yung side table para malaman kung anong oras na at buti nalang ay 12 palang ng hapon at hindi pa ko late para sa 2 pm class ko, agad akong tumayo para tignan kung sinong pumasok sa unit ko. May nakita naman akong nakatakip sa may lamesa sa may dinning table. Pagbukas ko, may nakita akong isang bowl ng sopas. Siguro si Jace din gumawa nito, baka nakonsensya? Kinain ko na yung sopas ko at nag-ayos ng sarili ko. 

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon