[6] Their Family Secret

1.8K 28 11
                                    

[JAZ' REMINDERS]: Next update will be next saturday, and many more revalations to come! =) Enjoy reading guys! Sorry kung ganito lang update, I just want to share some secrets na about them. hahaha sorry sa pagkaconyo :p Well, many more secrets to come, abangan niyo kung paano na kikilos si David =))) I have a great idea on my mind na kung anong mangyayari so abangan niyo na next week. And advance sorry kung hindi ako makapag-update ng every saturday in the future kasi may summer class kami so yun. =)

 ------------------------------------------------------------------ 

"Anong pinag-usapan niyo ni Kai kanina?"

Nandito kami ni Amanda sa mall ngayon para bumili ng mga gamit niya para sa semester na to, and napag-alaman ko na siya pala mismo ang gustong mag-aral sa school na pinapasukan ko

"Wala naman, he just ask me out"

"What?"

What the hell. Anong pumasok sa utak ni Kai at niyaya niya yung kapatid ko? Ano bang balak ng lalaking yun?

"Anong sinabi mo?"

"I said sure? Bakit ate bawal ba? May something ka ba sakanya?"

"Ha? Wala"

I need to talk to that guy immediately! Shit siya! 

After namin mag shopping, umuwi na agad kami para mag-ayos pa ng mga gamit niya sa kwarto, habang kasama ko siya kanina may na sesense akong kakaiba, parang may nag-iba sakanya, or baka dahil matagal lang kaming hindi nagkasama? Pero may something talaga, hindi ko maexplain

Kinabukasan, pagkarating na pagkarating namin sa school, ramdam mo agad yung mga tingin nang tao samin, yung tingin nang mga lalaki lalo na kay Amanda, kailangan ko ata silang masabihan na off limits ang kapatid ko

After ko siyang mahatid pumunta agad ako ng room at saktong nakita ko agad si Kai, lumapit ako sakanya at napatigil naman ito sa pagbabasa at agad tumingin sakin

"Why did you ask her out?"

"What?"

"alam mo kung anong sinasabi ko"

Tinaasan ko siya nang kilay at nakipagtitigan sakanya hanggang sa mauna siyang magsalita, napabuntong nalang siya ng huninga bago ako sagutin

"Okay, I did that para maprotectahan si Amanda, so I could help you, think about it, if I'm with her everyday then I or we can monitor her, right?"

Oh. So that's his plan, sabagay, tama naman siya, mababantayan ko bawat kilos niya at masisiguro ko na pag kasama niya si Kai, mapapanatag akong hindi siya malalapitan ng isang demonyo

Ngumiti nalang ako kay Kai at umupo na sa upuan ko, i can't deny it maganda yung plano niya pero dapat siguraduhin lang niyang hindi maiinlove sakanya yung kapatid ko, dahil pag nangyari yun maaari lang masaktan yung kapatid ko at hinding hindi ko siya mapapatawad pag nangyari yun

Break time na at nagmamadali na kong pumunta sa room nila Amanda pero nagulat ako nang makarating ako sa floor nila, nasa labas lahat ng babaeng kaklase ni Amanda maliban sakanya, saktong nakita ko din si Leila na nasa labas

"What are you doing outside your room?"

"Pinalabas kami ng mga boys and ng prof namin, I really don't know kung bakit naiwan si Amanda sa loob"

Lumapit ako ng onti at mas rinig na rinig ko dito ang hiyawan at sigawan ng mga lalaki sa loob, hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang hindi ko mabuksan yung pintuan. Kinatok ko sila ng ilang beses pero hindi sila nagbubukas ng pintuan

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon