[18.1] Regret

482 20 2
                                    

[A/N]: Hi! Sorry for the super long wait! Here's an update for you guys pero maikli lang to kasi part one lang, naglagay lang ako ng way para madugtungan ko pa siya kaya ayan na! next update will be on the 30th! So wait for it dahil mas mahaba na yung update na yon! Ciao! 

------------------------------------------------------------------------ 

Amanda's POV

papunta ako sa hospital kung saan nandun sila papa, may nangyaring masama daw kay ate Lizzie, pagkatawag sakin ni papa ay agad na kong dumeretso dun, hindi ko na hinintay pa yung susunod na sasabihin ni papa, kaya hindi ko alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari, basta ang alam ko lang nasa ospital silang lahat

Pagkarating ko sa ospital dumeretso ako ng OR dahil dun daw dineretso si ate, pagkarating ko dun naabutan ko sila mommy na umiiyak at dahil dun bigla akong kinilabutan at kinabahan. Lumapit sakin si ate Magy tsaka ako niyakap

"Amanda...si Lizzie...si Lizzie"

"Ate, anong nangyari?"

 "She's...she's in critical condition Amanda! Kasalanan ko to...fuck! I dont know that this will happen! Im so stupid!"

"Ate calm down"

"I'm supposed to protect you, pero dahil sa gulong ginawa ko mas lalo kayong napahamak...its all my fault"

"What the hell did you do?"

Kumalas ako sa yakap niya at tinignan siya sa mata, hindi siya makatingin sakin ng diretso habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak

"I-I'm the one who planned all of this..."

Natigilan ako sa sinabi niya, siya ang nagplano? ng ano? hindi ko maintindihan

"Ako ang nagutos kay David na patayin ang sarili niyang ama, ako rin ang nagutos kay Lizzie na sumabay sa gusto ng tatay ni David, everything was my plan. Okay naman na yung lahat sa una pero nagkgagulo lang naman nung sumama si Lizzie kay David kaya...."

*Pak!

Nagulat ako sa mga sumunod na nangyari, napahawak nalang si Ate sa kaliwang pisngi nito

"HOW DARE YOU!! HINDI KITA PINALAKI NG GANYAN PARA MAGING ISANG KRIMINAL!! ALL OF THIS WAS YOUR DOING?! i CAN'T BELIEVE YOU MAGY!"

"Ma..."

"Wag mo kong matawag tawag na nanay mo! Wala akong anak na kasing sama mo! Lumayas ka sa harapan ko kung ayaw mong ipadampot kita sa mga pulis!!"

"Ma..."

"I SAID LEAVE!"

Inalalayan ni daddy si mama dahil halos hindi na ito makatayong matubi sa mga nangyayari, Magy looked at me in the eyes at tumango sakin, pero bago siya tuluyang umalis may binulong ito na lalong nakapagpakaba sakin

"Take care of yourself and please take care of our parents, they're not as strong as what we think, dont worry I'll make sure to suffer all the consequences"

Ano nang balak mo ate Magy? Bakit kahit na magkapatid tayo hindi ko pa rin maintindihan kung paano ka mag-isip, para bang napakamisteryoso mong tao, alam kong gusto mo lang kaming protektahan pero bakit kailangan umabot sa ganito? Bakit kailangan mandamay ka ng ibang tao? Bakit kailangan mong ipadama kay ate Lizzie ng paulit-ulit ang bangungot na pinagdaanan niya dati?

Bakit ate?

Kai's POV

"Paalam David"

Unti-unting nanigas ang buong katawan ko ng makita kong pumikit si Lizzie, unti unti akong nawalan ng lakas pero pinilit ko pa ring kunin siya kay David at itakbo sa ospital

Naiwan si David sa bahay na yun na tulala habang may mga luha pa ring umaagos sa mga mata niya, alam kong hindi niya gusto ang mga nangyayari, alam kong nadala lang siya ng galit kaya naging ganun ang trato niya kay Lizzie, alam kong maski siya hirap na hirap na sa sitwasyon nila

Nangmaisakay ko na si Lizzie sa kotse ay hindi ko agad nastart ang makina dahil may narinig akong isang putok. Isang putok na alam ko kung saan nanggaling. Isang putok na sigurado akong nagwakas ng buhay.

Hindi ko na piniling bumalik pa dahil mas kailanga ako ngayon ni Lizzie, mas kailangan niya ang tulong ko. Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luhang sunod sunod na umaagos. 

"Lizzie, sandali na lang, malapit na tayo, wag kang bibitaw" 

Nangmakarating ako sa emergency room, agad na may umasikasong nurse samin

"Sir, kamag-anak po ba kayo?"

Umiling lang ako sakanya, marami pa siyang tinanong pero puro iling lang ang naisagot ko, agad nilang dinala si Lizzie sa operating room, at doon ay naisipan ko nang tawagan sila Magy. Halos hindi ako makasalita ng sagutin niya ang telepono dahil mas pinapangunahan ako ng mga luha ko. Nang makarating sila dito aya agad akong nagpaalam upang balikan ang lugar na pinangyarihan ng lahat.

Kailangan kong bumalik para sa naiwan kong kaibigan

Halos mabangga ko na lahat ng sasakyan na nakakasalubong ko dahil sa sobrang pagmamadali pero nahuli na ko, huli na ang lahat.

Nang makarating ako sa lugar pinapalibutan na ng pulis ang bahay na pinanggalingan ko kanina, pinapalibutan na rin ito ng mga taong nakikiusyoso

Narinig ko ang tunog ng ambulansya, agad nagsitabihan ang mga tao at ang pulis ng lumabas ang mga lalaking may dala dalang kama papunta sa loob ng bahay, at makaraan ang ilang segundo ay agad silang lumabas, dala dala pa rin nila yung kama na hawak hawak nila kanina pero ang kaibahan, may laman na ito, may isa nang taong natatakpan ng puting kumot. Agad akong lumapit ng huminto ang mga lalaki sa pagbuhat, kaya agad kong naibaba ang puting kumot at lahat ng hinala ko ay tuluyang naglaho ng nakumpirma ko ang taong nasa likod ng kumot

"Sir! Lumayo po kayo dito, hoy kayo tulungan niyo nga ako!"

Agad akong ginabayan ng mga pulis palayo doon sa ambulansya kung saan sinasakay na ang taong nasa kama na iyon, agad akong sumunod at naglakad papunta sa kotse ko

Oo nga pala, nasa lugar ako kung saan talamak ang krimen, nasa isang lugar ako kung saan halos magpatayan na ang lahat ng tao. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa pero kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko

Hindi si David ang natatakpan ng kumot na yon.

Lizzie For HireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon