Extended

174 7 3
                                    

Game: Super Mario Bros.

Genre: Fantasy

***

"Kumusta ang Mushroom Kingdom, Mario at Luigi?" tanong ni G. Marcos.

"Payapa na ito, haring Koopa," tugon ni Luigi, dahilan upang magtawanan ang mga guro na naroroon sa faculty room.

"Niloloko mo ba ako, Luigi?"

"Pasensiya na po, sir, hindi ko po sinasadya." Pakiramdam ni Luigi, nanliliit siya dahil sa kahihiyan.

"Ayoko nang mauulit pa ito...sa susunod na mahuli ko kayong palihim na naglalaro ng Super Mario Bros ipapatapon ko kayo sa Mushroom Kingdom, bukod doon, hindi ko na ibabalik ang Gameboy ninyo. Maliwanag ba?"

"Opo, sir!" Magkapanabayang tugon ng magkaibigan.

"Kumusta na ang pagsabon sa inyo, nagbanlaw ba kayong maigi?" Bungad ni John sa kapapasok lamang na magkaibigan.

"Okay lang na masabon paminsan-minsan, kaysa sa araw-araw ikinukula," ani Peach-isa sa bago nilang kamag-aral.

"'Yan ang prinsesa ko." Sabay kindat ni Mario rito.

"Huwag kang ganiyan, bro, uunahan mo pa ako," ani Luigi.

Ilang sandali pa ay nagsimula na ang klase nila sa Math, habang abala ang lahat sa pagsusuma, hindi mapakali si Pearl dahil nangangamba siyang anumang sandali ay bigla na lamang dumating si Koopa upang siya'y dakpin.

Tatlong taon na ang nakararaan nang sakupin ni Koopa ang kanilang kahariaan-ang Mushroom Kingdom-kung saan, sinumpa nito ang lahat ng mamamayan ng nasabing kaharian at tanging siya lamang ang nakaligtas mula sa kapangyarihan nito. Upang maprotektahan ang sarili, tinawid niya ang ipinagbabawal na lagusan-ang portal na nag-uugnay sa mundo ng mga tao at ng mga video games-kahit na alam niyang malaki ang posibilidad na hindi na siya makakabalik sa kaniyang pinagmulan, dahil kaakibat ng kaniyang paglabas sa mundo nila ay ang pagliit ng butas ng lagusan. Idagdag pa na sa sandaling may gumamit nito'y nababago ang kinaroroonan nito.

"May problema ba? Tila kay layo nang lipad ng iyong isipan," usisa ni Luigi sa katabi.

"Kumusta na kaya ang Mushroom Kingdom?" Wala sa loob na nasambit nito.

"Huwag kang mag-alala, prinsesa, magiging maayos din ang lahat. Ako'ng bahala sa iyo at sa inyong kaharian," nakangiting wika ni Luigi bilang tugon sa akala niyang pang-aalaska ni Peach.

Dahil sa sinabi niya, tila natauhan si Peach, muntik na nitong makalimutan na walang alam si Luigi tungkol sa tunay na pagkatao ng dalaga.

"Aasahan ko 'yan Luigi." Pilit ang ngiting tugon nito, bilang pagsang-ayon sa maling akala ni Luigi.

"Magsabi ka lang ku--"

"You can count on me, my princess," singit ni Mario.

"Bawal epal dito. Manggugulo ka lang, bro."

Sana nga ganoon kadali ang lahat,sa loob-loob ni Peach.

Isang umaga, habang papasok ng paaralan si Peach ay may tatlong lalaki ang bigla na lamang tumambang sa kaniya.

"Kung inaakala mong natakasan mo na kami, nagkakamali ka roon," nakangising wika ng isa sa mga ito.

"Ganoon ba?" Sabay tadyak ni Peach sa sikmura nito, pagkaraa'y kumaripas nang takbo palayo. Ngunit hindi pa man siya ganap na nakakalayo ay agad din siyang naabutan ng mga ito.

"Akala mo gano'n kadali ang lahat?"

"Anong kaguluhan iyan?" magkapanabayang wika ng kararating lang na sina Mario at Luigi.

Incogni2 Fifth Strike: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon