Day 12: HOPING ...
Nagising ako nang may maramdaman akong dampi nang labi sa aking pisngi. Pagdilat ko ay nakita ko ang isang batang lalaking nakangiting nakatingin sa akin. Sa di malamang dahilan ay ginantihan ko naman sya ng ngiti.
"Good morning, mommy." He said. He's such a cutie. Hindi pa din ako makapaniwala na nagkaroon ako ng instant na anak. Sa tingin ko, unti-unting tinutupad ni Luke ang mga pangarap ko.
"Good morning, Enzo." Sambit ko.
"Mommy, come, let us eat breakfast together." Sabi nya habang hawak ang kamay ko para hilahin ako patayo.
Mahilig naman ako sa bata, dahil sa kanila ko naaalala ang kabataan ko. Masaya.
"Oo na po, tatayo na si mommy." Sabi ko at saka tumayo at nag ayos ng sarili.
Dito nga pala sya sa amin nakatira. Gaya nga ng sabi ni Luke, gusto nya may magbabantay sa akin. Inaayos naman na ni Luke ang mga papeles sa pag adopt naming kay Enzo. Hindi ko lang alam kung sa akin o sa kanya nya ibibigay ang custody ng bata dahil hindi pa naman kami kasal.
"Mommy, say aah." Nagulat naman ako sa biglang pagsasalita ni Enzo. Nakita ko syang hawak hawak ang kutsara at akmang susubuan ako. Natawa naman ako sa itsura nya, pero sinunod ko na lang ang sabi nya.
"Does it taste good?" he asks.
"Yes, baby." I said then I flashed a smile.
"Who cooked this?" turo ko sa pagkain. Carbonara 'yun, my favorite, kaya hindi ko mahindian.
"Lola Kim taught me how to cook that." Sabi nya. Ah, tinuruan pala sya ni mommy.
"Actually, I just assist her, 'cause I'm afraid that it won't taste good." Natawa naman ako sa sinabi nya. Oo nga naman, bata pa lang sya kaya he has no idea how to cook a pasta recipe.
"Oh, Enzo, nagustuhan ba ni mommy ang luto natin?" pagtingin ko nakita ko si Mommy na papasok sa Dining area.
Tumakbo naman si Enzo sa kanya at yumuko sya para mahalikan sya ni Enzo sa pisngi.
"Mommy, kayo pala ang nagturo kay Enzo. It tastes good." I said.
"Mabuti naman, nangungulit kasi 'to na gagawan ka daw ng breakfast. Sabi nya you look pale daw kaya gusto ka nya gawan ng pagkain na hindi mo matatanggihan kaya naisip kong lutuin ang Carbonara." My Mom said.
"Totoo ba 'yun, Enzo?" tanong ko sa bata at nakita ko naming namumula ang pisngi nya na tumango. Napansin ko naman na nakapang-alis si Mommy.
"Are you going somewhere, mom?"