Day 11: Surprise?
Aarggh .. sabi nya sandali lang siya? Tsk
*knock*
*knock*
*knock*
*knock*
“Vanessa!” bigla akong napabalikwas ng kumatok si Mommy.
Agad ko naman siyang pinagbuksan ng pnto. “Bakit po?”, tanong ko.
“Luke is here. Bumaba ka na dun at puntahan siya kasi pupunta kami sa church ng dad mo para asikasuhin ang ibang mga pastor na dumating na mula ibang bansa para sa nalalapit na anniversary ng church natin.”
“Ok.”, simpleng sagot ko.
Agad naman na akong nagbihis at bumaba.
“What took you so long?” tanong nya na parang naiinis na.
“Bakit? Naiinis ka na ba dahil ang tagal ko kumilos? Eh sa masakit ang katawan ko eh. Tsk”
Nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo at yakapin ako. This hug, I really want to feel this unexplainable feeling. I feel safe inside his arms.
“Sorry.” With his soft and low voice, he said that sincerely. “Gusto ko lang naman kasing maaga tayo makapunta sa pupuntahan natin.Hindi naman ako naiinis”, dagdag pa nya.
“I’m sorry din. By the way, where are we going?”, I asked.
“Basta”, sabi nya sabay alis mula sa pagkakayakap sa’kin atsaka naman hinatak ako papunta sa kotse nya.
Tanimik lang kami habang nasa byahe. Ako, iniisip kung san nga ba kami pupunta, habang siya naman ay napakalapad ng ngiti. Problema nito?
“Why are you smiling that way? It’s quite creepy.” I said.
“Nothing,” sabi nya pero hindi pa din tinatanggal ang mga ngiti nya sa labi.
“We’re here.” Finally, ang sakit nan g pwet ko sa haba ng byahe e.
“Where are we?” tanong ko.
“You’ll see,” atsaka na naman niya ako hinatak. Ang hilig manghatak e =_= May sakit po kaya ako. Tsk