Chapter 3 - Brain + Public Speaking = $#!$%%$^

84 1 0
                                    

2 buwan na ang nakaraan mula nung lunch time incident. May nagbago ba? Wala. 

Grupong invisible ink pa rin sila. 

POV ni Paul Matts. 

Nagmamadali na kami ni Mark. Marami kaming dalang libro. Kagagaling lang namin sa library. Dismissal na nun, at may tatapusin pa kaming group project, kaya naisipan naming kunin na lang yung mga kailangan naming libro galing sa library bago pumunta sa classroom. 

Saktong pagkaliwa namin, nakasalubong namin sina Jasmine, Elly, at Lorraine. Dala - dala na nila yung mga gamit namin. Nagulat sila.

'O? Bakit dito kayo papunta?' tanong ko, sabay turo sa daan namin. Tumingin samin si Jasmine.

'Papunta na kami sa library. Kala ko ba dun na natin tatapusin yung project?' gulong - gulo niyang tanong. 

'Eh kaya nga namin dala - dala tong mga libro o, kasi didiretso na kami sa inyo.' sabi ni Mark, sabay paglipat ng mga libro sa kabila niyang balikat. 

'O sya, sa library na tayo, para wala ng pabalik - balik pa.' sabi ni Lorraine. So balik kami sa library. 

Laging kami - kami yung magkakagrupo. Wala naman kasi kaming kaclose dun sa ibang mga grupo, tapos sila - sila lang din ang magkakasama. 

Since tapos na rin ang klase, wala ng masyadong tao sa school. At mas lalong walang tao sa library. Inoccupy namin yung pinakadulong table, kasi nandun yung aircon. :D

Pagkalipas ng ilang oras...

'Tae naman o! Wala akong masyadong maintindihan.' sinarado ni Jasmine sabay hawak sa noo niya. Sa tabi niya, nakatulog na si Mark. 

Maya - maya, binagsak ni Lorraine sa lamesa yung makapal na librong hawak niya. Sinutsutan kami nung librarian. 

'Ano ba yan, nababaliw na naman ako. Ang sakit na ng ulo ko.' sabi niya.

'Nababaliw ka na?' tanong ko. 

Tumango lang siya. Naghintay kami. Tapos nilabas niya yung headphones niya at nakinig ng music. 

'HAY NAKOOOOO.' sabay - sabay naming sabi sa kanya. 

Huminga ako ng malalim. Kaya ko yan. Kailangan matapos namin toh ngayon. 

'Oi, gumising ka nga.' sabi ni Jasmine kay Mark, sabay tapik ng malakas sa pisngi niya. 

'Oo, 5 minutes pa.' sabi niya, sabay pikit ulit.

'Nakadalawang oras ka na kaya!!!!!' sabi ni Jasmine. 

'Kaya natin toh guys. Tiwala lang.' sabi ni Arielle. Tapos tumingin siya sa akin. 'Matts, gets ko na.' 

At natapos na namin yung project. Inabot lang naman kami ng 8:30 pm sa school, nagpaprint pa kasi kami eh, courtesy of Mr. Mark Richard. 

Palabas na kami ng school, ng may dumaan sa aming napakagarang kotse. 

'Wow, ang ganda naman ng kotse,' sabi ni Elly. 'Siguro ang gwapo rin nung may - ari.'

Bumaba yung bintana nung kotse. Tapos lumabas si Daniel. 

'Okay, joke lang yun.' sabay bawi nung sinabi niya. Nagtawanan kami. Nagsalita si Daniel.

'Where's your limousine, Mr. Heudson?' mayabang ang tono niya. 'Diba mayaman ka?' 

'May naririnig kayo? Ako kasi wala eh.' sabi ni Mark sa amin. Lalo kaming tumawa ng malakas. Sumimangot si Daniel sa amin. 

'Sayang, yayayain ko pa naman kayong makisabay na lang sa akin ... Oh well' sabi niya. 

'Don't bother.' sabi ko. 

'Kung ano ang ikinaganda ng kotse,siyang ikinapangit ng ugali ng may-ari.' sabi ni Jas

Sumakay na siya sa kotse niya, pinaharurot niya muna yung makina ng malakas, tapos kumaripas na ng takbo yung kotse, spraying soil and car smoke all over us. 

'Bastos!' sigaw ni Arielle. Naiimagine namin si Daniel tumatawa sa loob ng kotse niya. 

Kinabukasan...

'Group 8, please get ready to present your project.' sabi ni Ma'm Babol. Nagtayuan na kami. Nung kami na andaming nag pa epal. Mula sa mga grupo ng malalandi, kunwari nagoogoodluck sila kahit hindi naman. Doon naman sa mga matatalino, passive lang sila, yung iba nga iniirapan pa kami eh. Lalo naming epal yung players, sila talaga naghuthutan.

Nagthumbs - up sign si Lorraine sa amin.

Let's get this party started.

'Goodafternoon. our research title is 'Use of Induced - Flourescence Imaging and Green Flourescent Proteins to Monitor the Health of Terrestrial Plants under Simulated Martian Environments.'' Matts introduced our research to the class. At nakita namin ang iba't - ibang itsura ng mga kaklase namin:

Sina Bea, na kaharap lang namin, ay nakataas ang kilay at mukhang nagdududa sa amin.

Sige lang, magduda ka lang.

Sina Daniel, na nasa pinakalikod, kanina natutulog sila, ngayon, mulat - mulat na sila.

Ano, bilib kayo noh?

Yung mga malalandirts, ayun, nakanganga. 

'And the result indicates that the chi square, t, and z tests are all perfectly positive to the right.’ Sinum up ni Elly yung buong research. Tapos na.

OMG NATAPOS NA NAMIN.

Naghihintay kami ng reaction mula kay Ma’m. Wala. Kahit kanino na lang. Please, may mag – react naman dyan oh.

‘And that’s about it. Any questions?’ Sinabi ni Mark. Nagtitigan lang kami nung audience. TAPOS NA KAMI. DI BA OBVIOUS?

PUMALAKPAK KAYO!

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHH!!

Iisa lang yung tumatakbo sa isipan naming lahat nung time na yun:

Our lives are all ruined.

Hindi na kami gagraduate.

Wala na kaming trabaho.

Magugutom kami.

Mamamatay kami sa gutom.

At pag namatay kami walang makakamiss sa-

Natigilan yung paglilitanya namin kasi nagsalita si Ma’m Babol. At nakangiti siya.

‘Very good, my dears. Very good!’ Ma’m Babol said enthusiastically. Feeling ko nalaglag na sa sahig yung mga baba namin ng sinabi niya yun eh.

Humarap si Ma’m Babol sa klase. ‘Well, I think we have found our contestant for the International Taser Gravity and Environmental Research Contest.' she said happily as she clapped her hands.

Nagulat kami. KAMI? IPANGLALABAN? INTERNATIONALLY?

'Oh my gosh!' sabi ni Jasmine. 

Nag - appearan kami ni Mark. 

'This is insane!' sabi ni Elly. 

Unfortunately, kami lang yata yung nasiyahan sa nangyari. 

Oh my hayskul layp!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon