POV ni Daniel
Nang banggitin nung speaker na chess ang mauuna, di ko mapigilang mapangiti ng sobra. Napansin yata ni Renz, tropa ko.
'Tol, mukhang may masamang mangyayari mamaya ah.' sabi niya. Lalo naman akong napangiti.
'Wala tol, mukha lang exciting yung laban mamaya.' sabi ko. Di ko napansin na hinahanap ko yung pamilyar na itim na t - shirt na lagi niyang suot. Ni Arielle.
Lumaban ka na rin. Sa wakas.
Nasa isang bench kami sa labas nung court, natapos na yung ceremony. Nakita ko na namang palapit sina Faye.
'Hi Daniel. First game pala yung sayo. Goodluck ha.' hinawakan niya ako sa braso sabay ngumiti. Di ko na siya pinansin. Tumabi sakin si Renz tapos inakbayan ako.
'Tol, isang oras na lang! Ipanalo mo yan ha! Kahit na anong mangyari.' sabi niya, sabya kindat na parang may alam siya na di ko alam. Nakita niya si Faye na nakasimangot sa tabi ko, tapos tumawa siya ng malakas.
'Sayang tol, di ka nalang sumama samin sa basketball. Balita ko sumali si Boy Yaman eh.' sabi ni Jack, isa rin sa mga tropa niya.
'Kayang kaya niyo yun.' sabi ko, tapos tinanggal ko yung kamay ni Faye. Di naman napansin nung iba. Nagwalk out siya. Nakita kong tintitigan siya nung iba kong kasama.
Maganda naman talaga siya eh. Mahaba at straight na buhok, tapos pangmodel na katawan at makinis at maputing balat. Dun sa summer dress na suot niya, parang galing lang siya sa photo shoot ng Candy girl.
Pero di talaga siya yung type ko eh. Malas lang kasi mukhang ako yung type niya.
Nagkahiwalay na kami. Pumasok na ako sa classroom kung saan gaganapin ang chess tournament. Hinanap ko yung table kung nasan yung pangalan ko. Iniisip ko kung anong mangyayari.
Magkikita uli kami ni Arielle. Yung babaeng nagpalimot sa akin kung sino ako.
Biglang may lalakeng umupo sa harap ko. Isang first year ang una kong makakalaban. Ngumiti ako sa kanya at nagkamayan kami. Tumunog na yung bell at nagsimula na kaming lahat.
...
'First half of the game is finally done! Sino kaya ang mga tutuloy sa second half? Ms?' sabi nung speaker na pinapalibutan nung mga taong interesado na malaman yung results ng chess.
May nilabas na listahan yung Ms. Binasa naman nung speaker.
'Again, walang tatalo kay Mr. Daniel Roccio!' Daming naghiyawan na babae.
Mga apat pang pangalan yung binasa niya. Palakpakan sila.
'And, Ms. Arielle Cojuanco.' Napakunot yung noo nung speaker. Pati yung iba, kasi di nila kilala yung binanggit. May mga apat na estudyanteng naghiyawan at nagpalakpakan tapos tapos na.
'Well, I think we've got ourselves na contender.' sabi nung speaker sabay tawa, at nacharm niya muli yung audience. 'Be ready, because badminton is next!'
...
Tumigil lang ako sandali para panoorin yung nangyayari sa labas. Nakita ko yung mga kaibigan niya, pero siya mismo hindi. Bumalik ako sa upuan ko at naghintay. For the first time, ngayon lang ako kinakabahan sa chess. Di dahil sa baka matatalo ako, kundi baka makaharap ko siya.
Hindi nagsalita yung babae sa harap ko ng umalis na siya. Ayan na, isa na lang. Naririnig ko nang lumalakas yung hiyawan sa labas. Mga babae na sumisigaw sa pangalan ko. Napangiti naman ako.
BINABASA MO ANG
Oh my hayskul layp!!
RomanceEto ang story naming magkakabarkada. Lima kami. Isang nerd, isang mayamang gwapo, isang hopeless romantikong otaku, isang aspiring singer, at isang adik sa DOTA. Papalarin kaya kami sa isa na namang taon ng hayskul, o baka grupong invisible ink pa r...