Chapter 5 - Woooooooooooooooooooo!! Ang saya o, GRABE!!

79 1 1
                                    

POV  ni Mark   

Eto yung isa sa mga moment kung saan mas pipiliin mo ng mamatay. Alam ko masamang magsabi nito pero....WAAAHHHH Lord kunin niyo na ako pleaseeeeeeee!!!.

Sabi sa pintuan ay Principal's Office. Nasa labas pa lang kami, nanlalamig na yung buong katawan namin.

‘Eeeeeee….ayokong pumasok. Kayo na lang mauna.’  Sabi ni Jasmine sabay punta sa likuran ko.

‘Ano ka! Ayokong mauna. Lorraine, ikaw na.’ Tapos tinapat ko si Lorraine sa pinto.

‘eeeeehh ayoko nga! Matts, matts, this is your time to shine.’ Sabi niya sabay punta sa likod. Ilang minuto kaming nagsasalitan. Nainis si Patrick sa amin, na kasama naming na guidance.

‘Ano ba naman kayo! Mga duwag! Ako na nga.’ Sabi niya tapos kumatok siya. Tatlong beses. Tapos binuksan naming yung pinto. Lumabas ang lamig nung aircon.

Unang bumungad samin ay dalawang istatwa ng Dalmatian, isa sa kanan at isa sa kaliwa. Tapos may sofa sa harapan. Shelves of books and plaques of recognition surround the office. And beyond the sofa, is the principal. At nakatitig siya sa amin.

‘Goodafternoon, Dr. Poblacion.’ Sabay – sabay naming bati sa kanya ng nakangiti. Parang wala lang problema.

‘Sit.’ Sabi niya. Kung hindi lang namin nakita siyang tinuro ang sofa sa harap, di namin malalamang may sinasabi siya kasi hindi gumagalaw yung bibig niya.

Dali – dalian kaming umupo. Nagtugma ang mga mata namin nila Matts.

Ano ng mangyayari saming magkakaibigan?

‘Your teacher provided me an assessment of what happened.’ Sabi niya samin ng masinisinan. Tumingin siya kay Arielle. ‘You need to tell me what exactly happened.’ Ang lamig bigla nung paligid.

Pinalabas yung lahat at naiwan si Arielle sa loob. Hindi na siya lumingon.

Isa - isa kaming pinatawag. Hanggang si Bea na.

After a few minutes, lumabas si Bea. Nakatungo siya habang kinausap niya kami.

‘Pinapapasok na kayo ni Ma’m.’ mabilis niyang sinabi tapos pumasok na siya uli sa Principal’s office. Wala kaming choice kundi sumunod.

Isasara pa lang namin yung pinto ng biglang nagsalita na si Principal.

‘Don’t sit anymore.’ Sinabi niya. Parang gusto niya na kaming umalis kaagad sa office niya. Who doesn’t?

‘This is what we’re going to do.’ Sinimulan niya. Tumingin siya sa kanila Bea at Patrick. Hindi nila tinignan si Principal.

‘Since kakasimula pa lang ng school year, magiging mabait muna ako. You will be serving detentions and community service for 2 months.’ Sabi niya. Nanlaki yung mga mata nilang dalawa.

‘Pero Ma’m, we’re busybodies, we can’t stay in school more than the allotted time, for 2 months straight!’ ni reason out ni Patrick. Dr. Poblacion shaked her head.

‘Ok, ok. I changed my mind.’ Sinabi niya. Napahinga ng malalim yung dalawa. ‘It will be 3 months. After classes, and every Saturdays. Understood?’ she looked at them sternly. Parang sinasabi niyang, Ano, papalag ka pa?

Hindi na pumalag yung nerds.

Tapos tumingin naman si Dr. Poblacion sa grupo namin.

‘And all of you, instead of 3 months, all of you will be serving a month and a half of detention and community service every Saturday. ‘ she told us. Bakit rin kami kasama? Kami nga yung biktima dito eh!

Pero syempre tahimik lang kami. Alam na namin tactic niya eh.

‘Because you violated school regulations. Your teacher said that you called them some things. You,’ tumingin siya kay Jas. ‘If I remember correctly, you told Ms. Sanchez, ‘Nobody mo mukhamo! Manang!’’ At ikaw din miss Arielle, sinabihan mo si Bea ng makapal ang mukha " Tinaas niya yung isa nyang kilay. Namula ng matindi si Jasmine at Elly. Syempre, marinig mo ba naman yun ulit.

 

Silence fell between us. Hiyang – hiya na kami. Alam kasi naming isa sa mga elite schools sa Pinas ang XYZ High School. Role model dapat kami sa iba at sa lahat. We should show good manners and rght conduct..

‘I will not tolerate this kind of behavior. This will never happen again, understood?’ she said sternly, meeting us with a cold glare. Pano nga ba nya naging pamangkin si Lorraine?

Sumagot kami ng mahinang opo. Pagkalabas namin, tinulak ako ni Patrick. Ng malakas. Kung si Bea mangiyak – ngiyak sa nangyari, siya, kasing puti at kasing tigas ng marmol ang kanyang ekspresyon.

‘Tatandaan ko tong araw na toh.’ Sabi niya ng nanggagalaiti sa galit samin. ‘Magsisisi kayo.’

Naiwan kaming nakatunganga sa kanila.

Okay lang. Dalawa pa lang namang banta sa buhay ang natanggap namin ngayong taon na toh. At wala pa kami sa kalahati ng school year.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan.

‘Ano ng mangyayari satin?’ tanong ni Arielle. Ihip lang ng hangin ang natanggap nilang sagot.

‘Hindi ko alam.’ Sabi ko, habang nakatitig sa sahig. 

Oh my hayskul layp!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon