Chapter 6 - Si Mark gangster

94 1 0
                                    

Back to normal na ang tropa. Well, dapat. Kaso, mukhang may iba pang plano si tadhana...

Pagpasok nila sa canteen, may kumpulan ng tao sa gitna. Kung san yung table nila. 

'Anong meron?' tanong ni Lorraine. 

'Teka. Di ba dun yung -' Simula ni Elly. 

'Table natin.' Sabi ni Mark. Lumapit sila. 

Tama nga ang hinala nila. Table nga nila yung pinagkakaguluhan. Samo't sari ang mga basura sa taas nung lamesa, tapos andoon yung mga takip ng mga basurahan. May papel na nakatape sa itaas ng isa sa mga takip: Bumalik na kayo sa basurahan! 

Nakataob yung mga upuan nila. Talagang magulo. Tumingin sila sa mga taong nakapaligid sa kanila. Nakatingin lang sila sa kanila. Naghihintay. 

'Sino ang may gawa nito?' tanong ni Arielle. Inis na inis siya.

'Feeling ko kilala ko na kung sino.' sabi ni Matts. Tapos tumingin siya sa may kaliwa. Nanlilisik ang kanyang mga mata. 

Bago pa lamang sila lumingon alam na nila kung sino. 

As usual, nagbabasa lang ang mga nerds. Parang wala silang katabing table na umaapaw sa basura. Sina Bea, Harry at Patrick ay wala doon. 

'Mga gago toh ah,' sabi ni Mark. Bigla nalang siyang pumunta sa kanila. Sa table ng mga nerds. 

Naglingunan yung mga tao dun sa table. Parang ngayon lang nila napansin yung kaguluhan, at, syempre, yung lalaking galit na palapit sa kanila. 

'Kayo ba may gawa nito?' konti na lang sasabog na siya. Nakahabol na rin si Jasmine sa kanya.

Hinampas ni Mark ng malakas yung mesa ng kanyang palad. 

'KAYO BA ANG GUMAWA NITO?!' sumigaw na siya sa kanila. 

'Mark, halika na,' sabi ni Jas sabay hila sa balikat ng kaibigan. 

'Teka lang muna..Kailangan lang maturuan itong mga hambog na toh ng leksyon.' sinabi niya ng pabalang. Si Matts na ang lumapit sabay lagay ng kamay sa likuran ni Mark. Nakikibuan niya na kasi kung anong susunod eh. 

'Mark, ginagawa mo lang kung anong gusto nilang mangyari. Kung papatol ka edi para ka na ring katulad nila diba?  Tama na. Umalis na tayo.' binulong niya sa kaibigan. 

'Shit!' sabi ni Mark tapos umalis na ng canteen. Tahimik ang buong paligid. Lahat napanood kung anong nangyari.

Ng biglang may namataan si Mark. Sa hagdanan paakyat sa second floor ng school, andun yung tatlo. Andun sina Patrick. Nagmamasid. 

Biglang kumaripas ng takbo si Mark. Huli na ng makita nila Matts. Naitama na niya ang kanyang kamao. 

Buti mabilis umilag si Patrick. 

Naabutan na nila Matts si Mark, at bago pa man siya makasunggab, nahawakan na siya ng mga kaibigan niya. 

'Ano bang problema mo samin? SABIHIN MO NA NG MATAPOS NA!' singhal niya sa mukha ni Patrick. Habang hawak- hawak niya ang kwelyo nito. Nagulat si Patrick sa nangyari, pero impassive ang ekspresyon niya.

'Bitawan mo nga ako!' sabi niya kay Matts. Naiwan ang kanilang kapit. 

'Sasapakin mo ako? Kami? You lay one finger on us and you'll be expelled. Dead.' banta ni Patrick sa kanila. Nagpumiglas lalo si Mark. At tumawa lang si Bea. Si Harry naman nakatingin lang. Halatang gulat pa rin sa pangyayari.

Napagtingin ang buong magbabarkada sa kanila. Nagtugma ang mga mata nila Arielle at Jasmine. Kayang kaya natin sila oh, lima tayo, sila tatlo lang. 

Pero hindi sila kumagat. 

Kundi umalis na lang sila, dala - dala si Mark. 

'Babalik rin sa inyo lahat ng pinaggagagawa niyo! Bukas may basura na rin kayo sa mesa!' pilit niyang makawala pero apat ang may hawak sa kanya. 

Tska lang nila pinakawalan si Mark ng makaabot na sila sa covered court ng school. Malayo na sa canteen. 

'Tae naman oh, ano ba kayo!' sabi niya.

Umupo si Lorraine sa damuhan. Dati ang kati ng pakiramdam niya tuwing umuupo sila sa damuhan kapag assembly. Ngayon feeling niya ito na ang pinakamalambot na naramdaman niya.

'Walang magbabago kung hinahayaan niyo na lang na ganyanin tayo lagi.'

'Mark, tama na. Wala naman tayong laban sa mga yun eh.' sabi ni Jasmine tapos tumabi na rin siya kay Lorraine.

'Tignan mo toh ha, kung sakaling tumama ang suntok mo sa pwet nun, sigurado akong tanggal ka.' sabi ni Arielle. Humiga siya sa damuhan. Nakakapagod na. 

'Akala mo kung sino. Bakit, sila ba may-ari nitong school?' sabi ni Mark, tapos umupo na rin. Last na umupo si Matts. 

'Huy Matts, mukhang malalaim ang iniisip natin ah ?' tanong ni Jasmine. 

'Iniisip ko lang kung ano ng mangyayari sa atin. Hanggang third year natin, walang nagbabago eh. Pakiramdam ko, wala na tayong pag - asa. Pakiramdam ko, hindi lang tayo left out sa mga tao dito, kundi tayo na yung nasa pinakamababa na lebel.' sabi niya, tapos humarap siya sa kanila.

'Kailangan may gawin tayo. Isang bagay na magbabago ng lahat.' sabi niya. 

'Wala ng ganon sa mundo ngayon. It's either you lose and die or you win and you become popular.' sabi ni Arielle, sabay hikab sa damuhan. 

'Yun nga yun eh! Malapit na intrams, hindi ba?' sabi ni Matts. Napatingin sa kanya lahat. Mukhang may binabalak toh ah. 

'And, so? Hindi naman tayo sumasali sa mga ganon di ba?' sabi ni Mark. Kumalma na siya ngayon. 

'Ngayon, sasali na tayo. At sisiguraduhin nating mananalo tayo.' sabi niya. Ngumiti siya sa mga kaibigan niya. 

Nginitian din siya. Maasim nga lang.

Sa isip - isip nila, kami? Mananalo sa kahit na ano? Malabong mangyari yun...... may pag-asa nga kaya? 

Oh my hayskul layp!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon