Prologue

217 4 1
                                    

Alam mo ba yung feeling na para kang isang nilalang na gawa sa invisible ink???? Yung parang palagi ka na lang outcast sa iba? Hindi ka pinakikinggan, yung parang hindi ka pinapahalagahan.

Sa klasroom namin, may apat na grupo.

Bawat grupo may sariling mundo.

Unang - una diyan, yung mga grupo ng malalandi, akala mo naman kung sinong magaganda't gwapo eh hindi naman. Hanggang feelers lang. Nangunguna diyan sina Patricia, Andrea, at Faye. Running for the position of prom queen yan sila. Hay nako.

Ineepal naman nila yung mga grupo ng mga nerd.

Sila yung laging matataas sa exam, laging active sa clubs at events, pero sila sila lang din naman yung mga kasali. Madalas sila mag - away dahil na rin sa mga kaibigan nila, dahil nag - papaangatan sila, kaya sila sila lang din yung nagsisiraan. Genius, di ba? Astig sila para sa mga teachers kasi sila yung apple of the eyes ng school namin, hindi pa lang nakakagraduate may mga nakikipag - agawan nang colleges para sa kanila. Hay nako naman. Nangunguna diyan sina Ian, Patrick, Harry at Bea.

Sumunod ang grupo ng mga players. Hindi lang sa games, pati pag - ibig pinaglalaruan nila. Punung - puno ng mga feelers, at bullies ang grupo na toh. Porket mabilis na tumakbo at nakakapagshoot na ng bola sa basketball, sus. Tandaan, basta galing sa grupo na toh, bolero! Top boleros: Renz, Keith, at Daniel.

At, andito naman kami. Ang grupo ng....ng...ano nga ba?

Hindi kasi kami napapansin eh. Parang kami yung mix ng lahat. Kami yung kumakain sa table na katabi ng basurahan sa canteen. Kami yung, hindi naman yung mga losers, basta kami lang yung mga hindi pasok sa 'standards' ng mga naunang grupo. Mula non, nagsama - sama na kami.

Pero, masaya kami kahit lima lang kami. Isang nerd, isang kikay pumorma, isang gwapong mayaman, isang hopeless romantikong otaku, at isang adik sa DOTA. 

Papalarin kaya kami sa isa na namang taon ng hayskul, o baka forever nalang kaming invisible sa iba?

Oh my hayskul layp!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon