POV ni Matts
Grabe nga yun...di kami nakahinga nun eh.
'NO!!' ang lakas nung boses ni Bea. Binato niya yung librong hawak niya sa black board, missing Elly by centimeters.
'Ms. Sanchez!' sabi ni Ma'm Babol. Nagulat yung buong klase sa nangyari. Pero si Bea, nanggagalaiti sa galit. Sa amin.
'Kami ang karapat - dapat diyan! Hindi sila!' pasigaw na sinabi ni Bea kay Ma'm Babol.
'Ms. Sanchez sit down!' pati si Ma'm Babol napasigaw na rin. Pero humirit naman si Patrick.
'Sila? Sila na hindi nga kilala ng buong school ang ipanglalaban niyo sa pinakamahalaga nating contest this year?' sabi niya. Ang sama ng tingin niya sa amin.
'Guys tama na..' sabi ni Harry
'Hindi naman kailangan na popular kami dito sa school to be given the right to represent our school internationally. What matters is yung kakayahan namin' sabi ni Jasmine.
At dun na nagkasabungan.
'Importante yon!' sabi ni Patrick.
'Hindi mahalaga yun basta lang magaling kami sa ginagawa namin!' nakisabat na rin ako.
'Eh baka nga kung san nyo lang napulot yan eh! Siguro may nakagawa na nyan noh?' sigaw ni Bea.
'Ang kapal din talaga ng mukha mo! Nahigitan ka lang namin!' sigaw ni Elly.
'Hinding - hindi ako mahihigitan ng isang nobody!' sigaw ni Bea, nanlilisik ang kanyang mga mata. Hindi niya namamalayan pero tumatalsik na yung laway niya.
'Nobody mo mukha mo! Manang!' sigaw ni Jasmine.
'Feeler ka lang!' sabi ni Bea
'Sterling naman!' sigaw ni Mark. Biglang may nagbalibag nung teacher's table.
'All of you, to the principal's office, NOW!' nangibabaw yung tinig ni Ma'm Babol sa lahat. Pinalabas kami: Bea, Patrick, Elly, Mark, Jasmine, Lorraine, at ako.
Halos kakasimula pa lang ng klase bibisitahin na namin yung principal's office?? Hindi na talaga kami gagraduate. T_T
![](https://img.wattpad.com/cover/4280240-288-k555486.jpg)
BINABASA MO ANG
Oh my hayskul layp!!
RomanceEto ang story naming magkakabarkada. Lima kami. Isang nerd, isang mayamang gwapo, isang hopeless romantikong otaku, isang aspiring singer, at isang adik sa DOTA. Papalarin kaya kami sa isa na namang taon ng hayskul, o baka grupong invisible ink pa r...