Chapter 9 - Natamaan yata si Jas.......ng kidlat. Zzzzzzzt!!

105 0 0
                                    

Hello readers! Ok, hello READER. Tanggapin na ang katotohonan. Hahahaha. xD

Sori kung ngayon lang uli maguupdate. Bakasyon muna. 

Excited na ba kayo kung anong mangyayari sa intrams? Ako rin eh. Tignan na lang natin...

Pagdating namin sa subdivision nila, WOW. Mali, Villa Estrella pala. Kumpleto sa basketbol courts, tennis courts, at sa kung anu - ano pang courts meron. Nung una, ayaw pa kami papasukin nung limang gwardiya, sabi kelangan pa raw ng permit.

Tapos biglang may dumating na silver na Acura NSX. Pagbaba nung window, bumungad si Mark. Lahat kami: Anak ng pating.

So, syempre, heh, pinapasok kami. 

Dahan - dahan pa kaming pumasok sa sasakyan eh. Baka kasi magasgas. Pag arangkada namin, may nakita na naman kaming gwardiyang nakamotor. 

'Ganito ba talaga dito? Di lang yata limang gwardiya yung nakita namin eh.' Sabi ni Elly. 

'Nagbawas na nga sila ng tauhan dun eh. Dati may sampung gwardiya na rumoronda bawat oras.' sabi ni Mark. Napatulala kaming lahat sa kanya. Sampung gwardiya? Aanhin nila yung ganon karami?? 

Nakarating na kami sa bahay niya. Mukha kaming mga langgam nun ng katabi na yung bahay. Hindi siya munting bahay eh, isa siyang MANSION!! Ang laki! Nanlumo kami sa laki eh. O.O 

Bumukas na yung gate, na binuksan yata ng isang guard pa ulit. Pinarada na ni Mark yung kotse sa garahe nila. 

Iba't ibang halaman ang tumutubo sa lawn. May red, yellow, pink na halaman. Tapos mukhang may personal gardener pa sila. Tapos, naman, ang bahay. Up to the highest level!!

Di lang yata tatlong floors yun eh. Tapos lahat gawa sa, yung bagong pader na uso ngayon, yung parang brick, at salamin. Eco - friendly ang design. Tapos may tower siya, yung parang mga castle dati. 

'Hanep pre.' sabi ni Paul Matthew. Tinapik niya sa likod si Mark. 'Dapat pala dito na lang kami nagbakasyon oh.' 

'Teka lang, teka lang.' sabi uli ni Arielle, mga ilang segundo rin yun bago niya tinanggal ang tingin sa bahay, at humarap siya sa mga lalaki. 'Baka nakakalimutan niyo kung bakit tayo nagsipagdagsaan dito, hmm? Magpapraktis si Mark ng basketbol, tayo mag - aaral para sa quiz bee, ikaw Jasmine magtetennis. Sinasabi ko lang.' sabi niya, sabay kibit ng balikat. 

'Tapos magsiswimming na pagkatapos??' sabi kaagad ni Lorraine. Tumatalon siya sa kasabikan.

'Eh may mga dala ba kayong pamalit?' sabi ni Mark.

'Oo. Atska pantulog.' sabi ni Paul Matthew. Umiling si Mark. 

'Hay nako naman...' sabi niya. 

Nang dumating na sila sa basketball court, grabe talaga. Tapos merong malaking mukhang warehouse sa likod tapos pagpasok mo, wow ulit. May tennis court sa gitna, tapos sa kabilang kwarto yung badminton court, tapos sa kabila naman yung tennis tables at chess. Lahat naka aircon. 

Bukod pa dun yung clubhouse ha.

'Eto yung sports gym.' sabi ni Mark pagbukas niya nung double glass doors. Bumulaga samin ang malamig na ihip ng aircon. 

Isa lang ang nasabi namin. 'Wow.' Yun lang nasa isip namin eh. 

Umupo na kami sa bleachers sa paligid ng tennis court. 

'Ano uunahin natin?' tinanong ni Jasmine.

'Edi unahin na natin ang basketball.' sabi ni Mark, tapos kumuha siya ng bola. 

Oh my hayskul layp!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon