Mag iisang taon na ang anak ni Marie, at nasundan kaagad ito.
Ang masakit nanganak syang wala sa tabi niya si Kent.
Ang paalam ay may bagong project sa Davao isang Villa raw.
Pero nagtataka na sya dahil mag iisang buwan na doon, hindi manlang maisipang tumawag."Ano kaya ang nangyari sa taong yun.
"Hindi rin matawagan out of coverage area ang telepono nito."
puno ng pag- alala ang isip ni MariePlano nya na sanang pa binyagan ang pangalawang anak nya kaya lang wala pa si Kent.
"Mam,mag papaalam sana ako; pasukan na kasi, plano naming mag asawa na ipasok sa daycare center ang anak namin."
"Mag aaral na ang anak mo ningning?
"opo ma'am.
"eh,kung Isama mo na lang kaya si Renzo; mag paghatid kayo sa driver natin.
Mga isang oras lang naman yun diba? madali lang yun."Please wag kang magpaalam na umalis dahil hindi ko kakayanin ang dalawang iyon."
"Talaga po mam, salamat talaga! yan kasi ang pinuproblema naming mag asawa.
Akala ko mawawalan na ako ng trabaho.""Ikaw talaga ningning, hindi naman ako kagaya ng iba.
Kagaya nyo lang din ako isang mahirap. kaya; naiintindihan kita.
At isa pa, hindi naman delikado rito sa village natin.
Doon lang naman yun sa labasan ang daycare center. diba?"opo ma'am salamat talaga."
"O sige,maiwan muna kita puntahan ko lang yung isa."
"Salamat talaga mam! sigaw ni ningning dahil sa tuwa.
"Hello baby ko, kamusta ang Kenzo ko, ang pugi pugi naman yan;
biglang nag ring ang cellphone niya"Hello hubby, bakit ngayon kalang tumawag.
Napano kaba dyan? isang buwan kanang hindi naka uwi rito.
Plano ko na sana pa binyagan ang anak natin si Lenzo.
sunod sunod na salita nya,"Hunny, nagka problema kasi dito sa tinatrabaho namin.
mali ang nabili na mga gamit ng contactor.
Kaya; hinahanapan pa namin ng solusyon.
Ikaw nalang ang bahala magpabinyag sa anak natin."pabibinyagan ko na hindi mo pa nakita ang anak mo? hindi makapaniwala sa sinabi ng asawa.
"sorry talaga hunny, babawi ako pag makauwi na ako dyan.
Sa ngayon tiis na lang muna tayo, ha. mis you hunny.
.Bye na, may meeting pa kasi ako. i-halik mo nalang ako sa mga bata.agad nitong pinatay ang tawag.huminga nalang ng malalim si Marie iba kasi ang pakiramdam niya sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
FINALLY I FOUND MY HOME
RomanceTagalog matured SPG Isang babae, na ulila ng maaga. At May nobyo siya, sa katauhan ni Kent. na inakala niyang, ito na ang lalaki na makakasama hanggang sa pagtanda. Nang magkaroon ng proyekto ito sa Davao, doon na nag simula ang hindi pag para...