"Sege po sir, alis na po ako!"
Ayon tumakbo na ako para makapag hanap ng dyip at maka punta sa hospital kung saan nandoon ang aking kaibigan. Lalo lang sumakit ang puso ko nuong pumunta si Nadine sa prisinto,dahil na palitan na ang posisyon ko na asawa ni Andrew. Pero pag nakita ko talaga ang asawa ni Andrew parang may naa-alala akong tao. Lalo ko lang na miss si Mommy Celia. Hindi ko manlang nahawakan si Andrew, miss na miss ko na siya. Ano ba? Bakit ko to nararamdaman? bakit ako naging tanga pagdating sa kanya? Pero kung mahal niya pa ako, bakit hindi niya ako kina usap. Hindi ko rin kayang kausapin siya. Kung hindi lang ako OA noon siguro hindi to mangyayari. Nagkasala sa akin si Andrew noon pero pinatawad ko na siya,dahil mahal na mahal ko siya.
Nakarating na ako sa hospital.
"Oh tita!" gulat kong sabi sa mama ni Jocel
"Naka-usap mo na ba ang naka sagasa sa kanya?"
"Opo Tita, at sila po daw ang bahala ng mga bayarin sa hospital!"
"Salamat Mia!"
"Ah Tita, alis muna ako. Uuwi muna ako sa bahay."
"Sege ingat ka!"
Umalis na ako. Buti nalang nandito na ang mama ni Jocel galing Saudi. Buti pa si Jocel may ina pa siya ako kahit step mom ko patay na din.
Sumakay na ako ng pasaherong kotse. Malayo-layo din ang bahay namin mula sa hospital. Kaya hindi ko maiwasan tumulo ang aking mga luha sabay tingin sa bintana ng kotse. Medyo gabi na,kaya madilim na din ang lugar pero marami namang ilaw sa kalsada kaya maliwanag pa din. Maya-maya lang may napansin akong isang tao na naka tindig sa tabi ng kalsada na parang nagpapara ng taxi. Kaya na pansin ko siya dahil asawa siya ngayon ni Andrew.
"Ano kayang ginagawa niya sa lugar na ito? Manong dito nalang ako,babayaran ko nalang yung whole way ko."
Lumabas na ako ng taxi.
"Hoi, Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya
"Ang kapal naman ng mukha mo Celia? Bakit mo ako sinusundan? Para maka ganti ka sa ginawa ko kanina? Huh?" sigaw niya sa akin na galit na galit
"Teka lang, hindi kita maintindihan?"
"Ozz!"
"Pak"
Bigla niya akong sinampal na lalon kinagulat ko.
"Ano bang ginawa ko sayo?"
"Anong ginawa mo sa akin? Huh? Kasi ninakaw mo yung mukha ko at nagpapanggap kang ikaw si Nadine sa katauhan ni Mia!"
Gulong-gulo ako, hindi ko alam kung ano ang pinag sasabi niya. In fact ako naman si Mia, at bakit niya binanggit ang pangalan ng mommy Celia ko? Hiyang-hiya na ako sa mga tao dahil nakatingin sila sa amin dahil sa sobrang lakas ng boses ni Nadine.
"Teka lang! Hindi kita maintindihan?"
"Celia, diba sinabi mo sa akin na nagtatago ka sa mukha ni Mia para ipaghiganti ako dahil naawa ka sa kalagayan ko. Kaya please sabihin mo na kay Andrew na ikaw si Celia at hindi ikaw si Nadine Bernardo, at ang mukha na yan ay peke!"
Malakas pa rin ang boses si Nadine. Marami na ding mga tao na kinuhaan kami ng vedio pero hindi ko yun pinansin.Pero bakit tinawag niya akong Nadine Bernardo? Ako si Mia. At bakit niya sinasabi na siya si Mia? Tama ba ang narinig ko na si Mommy Celia ay nagtatago sa mukha ko at nagpapanggap na Nadine Bernardo?
"Kailan ko ba sinabi na ako si Nadine? Ako si Mia. Akala ko lang na ikaw si Nadine!"
"What? ikaw si Mia?" sabi niya na gulat na gulat
"Oo ako si Mia,at kahit kailan hindi ko sinabi na ako si Nadine. Ikaw bakit mo nasabi na ikaw si Mia? May kambal ba ako na hindi ko alam tapos parehas pa kami ng pangalan?"
Napahinto siya sa kanyang galit. Pero ako naguguluhan pa din ako. Marami akong tinanong sa kanya ngunit hindi siya sumasagot. Napansin ko nalang na unti-unting umatras ang kanyang kanang paa at sabay siyang tumakbo.
"Sandali lang!"
Ngunit hindi ko na siya napigilan.
BINABASA MO ANG
A Wife's Revenge [Completed]
Romance[Completed] The unique love story of a married woman.