"Ako si Flor, hindi ako kailanman maging si Mia. Pero sa nangyari sa akin ngayon gusto kong maibalik sa akin si Andrew. Dahil alam kung itong katawan at mukha na ito ay mahal ni Andrew!"
Tinitingnan ni Flor ngayon ang mga litrato ni Andrew. Gusto na niyang makasama muli nang buong-buo ang kanyang mahal na lalake.
"Oy Mia,! Nag-eemote kana naman. Atsaka muntik nayang matunaw ang mga litrato ni Andrew sa kakatingin mo." biglang pa nggulat ni France kay Flor
"Oo nga eh, mis na mis ko na siya!"
"Alam mo kung kayo talaga ang para sa isa't isa eh, kayo talaga!"
Hindi nalang umimik si Flor at nagsimula na siyang lumakad papuntang labas para makapag pahangin."Alam mo Mia,kaya mo pa bang mapatawad aang asawa mo na alam mo na ngayon ang katotohanan?" dagdag pa ni France
"Hindi naman ako nasaktan,dahil hindi ako ang sinaktan niya noon." sabi niya sa kanyang isip
Dumiritso lang si Flor at hindi na siya sumagot sa tanong ni France.
Sa labas ay may nakitang sasakyan si Flor. Bigla siyang nagduda kung sinong sasakyan ito. Agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng sasakyan. Tumakbo siya patungo sa parking lot ng sasakyan at laking gulat niyang makita si Andrew na may pinasakay na babae sa kanyang sasakyan. Hindi na siya nagpatuloy at pinili nalang niyang magtago sa may poste at tiningnan kung sino ang babae, pero hindi niya ito makita kasi tinted ang salamin ng sasakyan at si Andrew lang ang nakita niya kasi pinasakay niya ang babae at pumwesto na sa kanyang upuan. Nagsimula ng umandar ang sasakyan at ilang minuto lang ay naglaho na ito. Parang tinusok-tusok ang puso ni Flor ng makita niya ang kanyang mahal na may ibang kasama.
"Hindi pwede ito! Pero sino yung babae na iyon?"
Umalis na siya at bumalik sa bahay na kanyang tinutuluyan.
"Oh, Mia saan ka galing?"
"Doon lang!"
Hindi na huminto si Flor mula sa pagtakbo at dumiritso na siya sa kanyang kwarto. Agad niyang binuksan ang kanyang Laptop at nag log in sa facebook. Hinanap niya ang account ni Andrew at agad niya itong nakita,pero hindi sila friends sa site na ito at tiningnan lang ni Flor ang mga status ni Andrew. Laking gulat niya sa mga nangyayari. Nabasa niya na may fiance na si Andrew. Agad niya itong inalam kung sino ang babaeng ito pero walang mga picture ang babae."Ano? Sino si Nadine Bernardo?"
Kinuha niya ang kanyang Shole at pinutulan niya ang kanyang buhok."Gusto kong malaman kung sino ka!"
Naiba ng kunti ang kanyang mukha. Umalis agad siya at nagmamadali ito.Sa kanyang pag lalakad bigla nalang niyang naalala noong araw ng pagsabog sa hospital. Naalala niya na hindi niya nakita si Mia noong pumasok siya sa kwarto nito. Gusto sana niyang magtanong pero hindi na siya naka pagtanong kasi bigla nalang sumabog.
"Don't tell me nandito ang tunay na Mia at buhay siya!"
Kinabahan siya nang mga oras na iyon pero pinilit parin niyang alamin ang mga nangyayari. Pumunta siya sa bahay ni Andrew dati.
"Ali,may tao po ba dito?" tanong ni Flor
"Ah,opo sakatunayan nga po bumalik na ang anak ng may ari niyan!"
"Ganon po ba! May napansin kaba na mayroon siyang kasama?"
"Ay hindi po,ang lam ko lang po siya lang, pero may sabi-sabi na ikakasal na daw yung anak ng may-ari ng bahay na iyan."
"Ganon po ba? eh sino po yung babae?"
"Ayon sa balita-balita, taga amerika daw po ang babae."
Umalis na ang Ali. Bigla nalang siyang tumalikod sa kanyang tinatayuan kasi napansin niya na dumaan ang sinasakya ni Andrew.
"Hindi pwede ito,kailangan malaman ni Andrew na buhay si Mia at hindi siya patay. Pag magpakita ako sa kanya ngayon, baka magbago pa ang lahat at hindi na matutuloy ang kasal at ako na ang kanyang mamahalin!"
Naglakad na siya papuntang gate para magpakilala na siya si Mia.
"I'm so happy today! Thank you!"
Nang marinig niya ang boses ng babae ay napahinto nalang siya dahil nakita niya ang kanyang repliksyon.
"Ano? Buhay ka?"
Nakita ni Flor ang mukha ni Mia at inakala niya na ito ang tunay na Mia.
"Paano na ako ngayon? Pag nalaman ito ni France sigurado akong papalayasin niya ako. At paano kung malaman na ako si Flor at hindi si Mia?"
~~~~~
May bago po akong story, sana po basahin niyo po!!!
>>Tears of a HUSBAND<<
![](https://img.wattpad.com/cover/13350973-288-k114969.jpg)
BINABASA MO ANG
A Wife's Revenge [Completed]
Romance[Completed] The unique love story of a married woman.