"Mia I mean Flor,punta muna ako sa labas may bibilhin lang!"
"Hoi? Ano ba yun?"
Eto talaga si Jocel palagi nalang nagmamadali. Kahapon yun din ang ginawa niya,may problema kaya siya? Hindi naman siya nag sha-share sa akin ah. Pero ngayon lang ako may ibang naramdaman,ewan ko ba. Totally loner ako ngayon,kaya si inip ay dinalaw ako.
Lumabas na si Jocel na nagmamadali.Ewan ko nun kung bakit siya nagmamadali,hindi man lang ako nakapagpa-alam. Eto na naman nag-iisa sa bahay,lagi nalang akong naiiwan dito. Siguro ayaw ko nang makita ang mga tao sa nakaraan. Pero boring na din ang buhay ko kaya naisipan kung maglibang muna. Gusto kung magluto eh, kaya pumunta na ako sa kusina at niluto ko ang paborito kung pagkain.
Haay salamat naluto na din sa wakas ang aking pagkain. Kaya agad kung i noff ang stove namin at kinuha sa kalaha ang aking niluto.
"Ahhm! ang bago talaga ng amoy nito,nagugutom na talaga ako!"
Teka lang muna,bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Bigla akong napatigil sa aking kinatayuan at nilagay ang aking mga kamay sa kumakabog kong dibdib.
"Bakit ang bilis? Bakit ako kinakabahan?"
"Kring"
Bigla ko nalang nabitawan ang pagkain ko sa aking kinatatayuan. Gulat na gulat ako. Hindi ko muna pinansin ang aking pagkain na nakahandusay na sa sahig at biglang kinuha ang telepono na tumutunog pa rin.
"Yes? Sino po sila?" tanong sa aking katawag
"Maam,kayo po ba ang pamilya ni Jocel Reyes?"
"Opo bakit po?"
"Maam, puntahan mo po ang La**** Hospital na ito at nasa emergency room po siya."
Hindi ko pa na ibuka ang aking mga bibig at napatulala nalang ako sa aking narinig,kaya dali-dali kong pinuntahan ang hospital na tinukoy ng isang nurse.
Pagdating ko sa hospital na iyon agad kong pinuntahan ang ER.
"Ikaw po ba ang kapamilya ni Jocel Reyes?" tanong ng isang doctor na lumabas galing sa ER
"Opo dok! Ano po ba ang nangyari?" tanong ko sa isang doktor
"Nasagasaan po siya ng isang kotse. Pero ok naman po sa ngayon ang sitwasyon niya pero we expect talaga na matagal pa siyang maka pagsalita."
Agad akong iniwan ng doktor. Kinuha ko ang aking cellphone at agad kong tinawagan ang nag-iisang pamilya ni Jocel ang kanyang ina na nandoon pa sa abroad.
Uuwi nalang daw dito sa Pinas ang mama ni Jocel galing ng america.
Pagkatapos kong naka-usap ang kanyang ina agad akong pumunta sa prisinto para harpin ang driver na nakasagasa kay Jocel.
Mga ilangminuto lang ay nakarating na ako. Ngunit wala pa daw ang driver ng kotse kasi may mga inasikaso pa siya at napa hintay nalang ako. Mga ilang minuto pa ay bigla nalang may naglalakad papunta sa amin kung saan kami mag-uusap. Siguro sila na yun. Hindi naman ako galit sa driver dahil hindi naman niya ito ginusto.
Agad akong humarap sa kaniya at laking gulat ko na siya pala ang nakasagasa kay Jocel. Isang lalaking may kinalaman sa nakaraan ko at walang iiba kundi si Andrew.
BINABASA MO ANG
A Wife's Revenge [Completed]
Romance[Completed] The unique love story of a married woman.