"Paano na ito?!"
Halos hindi makagalaw sa pagkatayo si Flor. Nakita niya ang inaakala niyang tunay na Mia. Kabang-kaba siya at takot na takot siya.
"Paano na ito? Sigurado akong pupunta si Mia sa bahay ni France ngayon!."
Mga nigatibo nalang na salita ang lumalabas sa kanyang bibig.
"Kung magkikita sila,at sabihin niya ang tunay na nangyari kay France! Malilito na si France at matataka na siya kung sino ako?"
Tumakbo palayo si Flor at nagpunta sa walang maraming tao.
"Teka! Bakit ako nagtatago wala na man akong ninakaw sa kanya,kusang binigyan ako nito at pinilit nila akong magpa opera."
Umupo sa may upuan si Flor."Ginusto ko ito,para lang kay Andrew. Alam kung malaking gulo ito pero ipagpatuloy ko ito dahil nasimulan ko na. Ako si Mia Santos,ako ang totoong Mia!"
Nanumbalik ang pagpapanggap ni Flor na si Mia. Lalo pa niyang pinaghandaan kung sakaling magkaharap sila. Hindi na umuwi ng bahay si Mia at agad siyang pumunta sa kaibigan niya dati.
"Excuse me Manong,nandiyan ba ang maam niyo?" Tanong ni Flor sa guard ng bahay ng kanyang kaibigan
"Bakit po maam?"
"Pakitawag nalang,kung ayaw mo ako nalang ang papasok."
Dumiritso na si Flor at dali-dali siyang pumunta kung saan naka upo ang kanyang kaibigan."Sino ka?"gulat na pagkasabi ng kanyang kaibigan
"Ako to Rachell,si Flor?"
"Flor? No! No! No! Help me guard! Palayasin niyo itong babaeng ito!" Galit na may pagtataka at takot ang nasa mukha ni Rachell
"Rachell,let me explain!"
"Don't bother the spirit of Flor! Wala na siya at huwag mo siyang gamitin para mangloko! OMG! Get out right now!"
Walang nagawa si Flor at napalabas siya ng bahay ng kanyang dating kaibigan.
Nagsimula nalang siyang naglakad. Habang palabas siya ng subdivision ay may nakasalubong siyang kotse. Hindi niya ito pinansin noong una,pero nagtataka siya ng bigla nalang bumalik at huminto ang sasakyan sa kanyang harapan.
Walang idiya si Flor,kaya nagtataka lang siya kung bakit huminto. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang siyang lumakad.
"Mia sandali!"
Napahinto nalang siya sa kanyang narinig. Unti-unti siyang humarap nito at gulat na gulat siya sa kanyang nakita.
"MIA!" mahinang bigkas ni Flor
"Mia!" sabay yakap ni Flor
Hindi makagalaw si Flor sa nakita niya at sa ginagawa nito. Halos hindi siya makapaniwala sa nangyari.
"Mia,kumusta kana! Bakit ngayon kalang nagpapakita sa amin!" tanong ni Celia
"Ah!"
"Mia,patawarin mo ako,dahil kinopya ko ang mukha mo! Mahabang istorya,pero hayaan mo akong magpaliwanag sayo. Patawarin mo sana ako." Bigla nalang tumulo ang luha ni Celia
Hindi makasagot si Flor sa narinig niya.
"Halika Mia,sasama ka sa akin!"
BINABASA MO ANG
A Wife's Revenge [Completed]
Romance[Completed] The unique love story of a married woman.