"Bakit nangyari to sa'kin? Bakit ako umiiyak ngayon? Diba hindi ko naman sila pamilya? Wala kaming connection? Pero bakit ako nagkakaganito?
Yun ang mga katagang nailabas sa bibig ni Celia habang umiiyak.
"Tama na friend,hindi mo naman kasalan kung bakit namatay si Mia. Aksidente ang lahat ng mga iyon." paliwanag ng kaibigan ni Celia na si Lena
"Hindi ko naman sinisisi ang sarili ko,pero bakit ko iniwan si Lito sa problema niya tapos malalaman naman niya na patay na din si Mia. Diba mag-asawa kami sa batas? Kahit hindi ko siya mahal,pero minahal naman niya ako dapat lang nandoon ako sa Pilipinas ngayon."
Kringgggg....
"Hello!"
"Ito po ba si Mrs. Santos?"
"Yes ito po si Celia Santos, bakit po?"
"Gusto ko lang ipaalam sa inyo na patay na po ang asawa niyo at kahapon lang po ang libing niya!"
Unti-unting nabitawan niya ang kanyang Telepono at biglang tumulo ang kanyang mga mata.
"Sis,Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?"
Hindi sumagot si Celia at bigla na lang siyang umiyak ng malakas,parang nagwawala na siya sa lungkot."Tama na sis, Ano ba kasing nangyari?"
"Hayop sila!" Sigaw ni Celia na galit na galit "Pinatay nila si Lito!" Iyak parin ang malakas na naririnig
"Ano? Si Lito ay patay na? Pero paano?"
"Yun ang hindi ko alam,pero isa lang pweding gumawa nito si Cora!"
Mula noon naging malungkot nalang siya.
"Sis,may nabalitaan ako!"
"Ano yun?"
"Lilipat na raw ng ibang bansa sila Cora kasama ang kanyang anak, pero ang masama doon ay dito mismo sa America sila lilipat at dito rin sa lugar natin sila titira!."
"Ano?"gulat na sabi ni Celia
"Oo,kaya umalis na tayo dito. Lumipat nalang tayo ng matitirahan basta huwag lang dito."
"Teka lang hah,bakit ako magtatago sa mga hayop na'yon?"
"May isa pa akong sasabihin sayo, Alam mo bang namatay si Mia dahil kay Cora.!"
"Pero bakit nasali si Cora dito?"
"Siya lang naman ang nag-utos na lagyan ng bomba ang hospital na iyon. Alam mo pati si Flor nadamay. Masama talaga yang Cora na yan."
"Ano wala na din si Flor? Pero bakit mo to nalaman ang lahat ng ito?"Gulat na sabi ni Celia
"Nalaman ko ito dahil mismo ang may-ari ng hospital ang nagsabi,Through text,pero ang mga pulis naman ayaw maniwala. Binayaran nalang ito nila Cora para hindi na sila guguluhin,kaya ayon pasado sila."
"Mga hayop talaga yang mga tao na yan. Alam mo hindi ako naniniwala sa pinagbintang nila kay Lito na siya raw ang nagputol nito ng break, sa tingin ko sila lang yung nagputol."
"Pero bakit yun ang sinabi ni Lito sa vedio?
"Yun din ang hindi ko maipaliwanag. May kutob talaga ako na sila talaga ang pumutol ng break."
~
Lumipas ang mga araw at lumipat na rin sila ng bahay at lugar."Magaling Andrew,dito kapala nag-aaral at doktor pa ang kinuha mo. Magagamot mo na rin ang mga puso naming nasasaktan dahil sa pamilya mo.!" Galit na sabi ni Celia habang tinitingnan ang mga picture ni Andrew sa Facebook."Ngayon Andrew,paano mo na gagamutin si Mia na pinatay niyo naman. Pero wag kang mag-alala babalik din si Mia sa buhay mo!"
~
"Saan ka pupunta Sis?"
"Sa doctor,sasama kaba? kasi baka pag-uwi ko bukas hindi mo na ako makikilala!" Sabi ni Celia na may pinaplano
"Sasama nalang ako,sa palagay ko masaya tong plano mo!"
"Doc, I want to change my all being.!"
"Celia are you serious? You are going to change your face into what?"
"Basta manuod kalang,at maghintay kalang dito at pagbalik ko makikilala mo ang babaeng sisira din sa buhay ng mga Torres.!"
~
Hindi na napigilan ng kaibigan si Celia at pumasok na ito sa operating room.
"Doc,just make sure that i'm still pretty!"
Matapos ang operation
" Look this is your new face!"
Biglang tumulo ang mga luha ni Celia ng pagkakita niya sa kanyang bagong mukha."Celia, I mean MIA? So ito pala ang bago mong mukha!"
"Oo,and for now on, my name is Mia Santos!"

BINABASA MO ANG
A Wife's Revenge [Completed]
Romance[Completed] The unique love story of a married woman.