Alam kong malaking kasinungalingan itong ginawa ko,pero alang- alang kay Mia. Ako si Celia at kailan pa ba ako magtatago bilang Nadine? At bakit hindi ko na kayang saktan si Andrew? Galit ako sa kanya yun lang yun, pero bakit ba? Kasal na kami at kailangan ko na siyang iwan! Pero teka lang bakit parang....
Dali-dali akong pumunta sa CR at sumuka ng sumuka. Ano bang nangyari sa akin?
"Maam, katatawag lang po ni Sir sa telepono at may nangyari sa kanya!"
Bigla kong kinuha ang cellphone ko at nakita ko ang halos limang miss call siya sa akin.
"Maam nandoon po daw siya sa prisinto!"
Agad akong umalis at tinawagan ulit siya. Ngunit hindi naman siya sumasagot sa akin kaya kinakabahan ako lalo. Binilisan ko ang aking pagmamaneho papuntang prisinto para malaman kung anong nangyari sa kanya.
Siguro ginawa ko to dahil sa batas ay asawa na kami at kailangan ko siyang silbihan. Pero hindi ko talagang maiwasan na umibig sa kanya. Lord,bakit ako nakaramdam ng ganito? Para ko na ding trinaydor si Mia. Siguro darating ang panahon na malaman niya ang buong katutuhanan na buhay si Mia at nagkita na kami. At darating din ang panahon na magkikita si Andrew at si Mia.
Bakit ba ako nakialam dito? Diba dapat umalis na lang ako at sabihin ang katutuhanan ni Andrew na buhay pa si Mia. Para ko pa ding hinadlangan ang kaligayahan ni Mia. Pero bakit bigla nalang umiba si Mia noong huli kaming nagkita? Siguro hindi pa siya masyadong magaling.
At sa huli nakarating din ako sa prisinto. Agad akong pumasok sa loob.
"Andrew, anong nangyari?" sabi ko sa kanya
Nang humarap si Andrew sa akin ay bigla akong na pahinto sapagkat biglang umiba ang kanyang aura.
"Andrew?"
Humarap sa akin ang babae na naka upo at tumutulo ang mga luha at laking gulat ko. Dahil siya ay si Mia. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Andrew, ano ba ang kaso mo?"
Hindi man lang sumagot sa akin si Andrew at bigla niya akong hinatak palabas ng prisinto at pinapasok sa kotse.
"Who are you?"
Yun ang unang sinabi sa akin ni Andrew na labis kong kinamutla.
"Andrew, hindi kita maintindihan?"
"Who are you?"
sa puntong ito ay mas nilakasan niya pa ang boses niya.
"Ah yun pala, You think that I'm a lair? Babe,yun talaga ang mga tao may pagkakapareha ng mukha, but the character is different!" sabi ko sa kanya
"That girl na nakita mo kanina,siya yung first wife ko!"
Parang na kokonsensya ako dahil alam ko naman na si Mia yun. Eto na yung kinakatakutan ko na mabunyag na ako si Celia,dahil alam ni Mia ang tunay kung pagkatao.
BINABASA MO ANG
A Wife's Revenge [Completed]
Romance[Completed] The unique love story of a married woman.