Chapter 9. Apartment

5.4K 119 0
                                    

Hi!


Typos everywhere.


Enjoy reading.




Claisses' POV



Dalawang linggo na ang nakakaraan mula ng mag-start kaming mag-ojt at ngayon nga ay nandito kame sa apartment ko or should I say apartment namen. Yes, apartment namen, dahil dito na rin natigil si Ramley. Psh. Pilit nyang isiniksik yung sarili nya dito. Kung ano ano pang idinahilan mapapayag nya lang ako na dito na rin sya tumira.



Delikado dito kung mag-isa ka lang.


Hindi mo kilala ang mga tao dito.


Dito ako titigil sa ayaw at sa gusto mo or kakaladkarin kita papunta ng condo ko at dun ka titira? Choose?



Ilan lang yan sa mga idinahilan nya. At syempre ano pa nga bang magagawa ko. Masusunod ang mahal na impakto!



Kesa naman dun ako tumigil sa condo nya eh ang layo layo pa nun. Alabang pa. Kamusta naman diba? Alabang to Pasay. Ayoko pang mamatay ng maaga 'no. Ang aga aga kasi ng duty ko sa hotel kaya mahihirapan ako kung dun pa'ko titigil.



Pagtitiisan ko nalang ang kumag na'to.



Friday ngayon, at parehas naming day off. Actually dapat every tuesday ang off ko at sya lang ang friday, pero ang kumag pinakiusapan ang supervisor ko na every friday nalang ang off ko, ewan kung ano ang idinahilan nya at napapayag nya si Sir Arthur.



Nasa kama ako at naglalaro ngayon ng magsalita si Ramley.



"Claisse?" tawag saken ni Ramley


"Hmmm?" sagot ko ng hindi tumutingin. Naglalaro kasi ako sa cellphone ko. Zombie tsunami. Help!!!!! Haha

"Claisse!" tawag nya ulet sabay kalabit.


"Ano nga?" hindi pa rin ako natingin. Tarages baka ma-dead ako sa nilalaro ko eh.


"CLAISSE!!"


"Ay zombie-ng tiyanak!" shet naman! Nabitawan ko yung cp ko sa sobrang gulat.


"T*ngn* naman Ram, baket ka ba sumisigaw kitang naglalaro ako eh!" sigaw ko sa kanya. Na-dead tuloy ako. Limang brains nalang eh. Inis!

Kitang kita ko naman ang pag-dilim ng aura nya. Oh ano namang problema neto?



My Playboy Bestfriend #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon