I dedicate this chapter to Ate Ash. The best ka talaga. :)
Enjoy Reading! :)
********************
Nagulat ako sa inasal ni Ramley kaya naman pagsakay namin ng kotse nya ay hinampas ko ito ng malakas.
"Aray ko naman! Inaano ba kita diyan?!" daing nito habang hinihimas yung braso nya.
"Bakit mo ginawa yon?" naiinis na tanong ko dito.
"Ang alin?" inosenteng tanong nya.
"Ako tigilan mo Ramley ha! Bakit mo naman sinabi kanina kay Ryan yun ha! Hindi ka naman inaano nung tao tapos bigla mo nalang gaganunin, nagmagandang loob na nga yung taong ibalik yung panyo ko eh" singhal ko dito.
"Wala akong ginawang masama kanina, at isa pa lalake ako at alam ko kung ano ang pakay sayo ng siraulong yun-- Aray! nakakarami kana ha" hinampas ko kasi ulit sya.
"Grabe ka! Inano ka ba nung tao at kung makapagsabi ka ng siraulo kala mo ginawan ka na ng masama"
"Ah basta, ayokong makikita na nakadikit sayo ang lalakeng yun, at wag na wag ko ding makikita na kinakausap mo yun, kung hindi lagot ka saken" may sayad na talaga ang lalakeng 'to
"Ewan ko sayo! May sayad ka na namang unggoy ka!" inis na saad ko dito at kinuha ko nalang ang cellphone ko para itext sila mama at sabihing nakapasa kame.
Maya maya pa ay nagreply din si Mama at sinabing sa bahay na namin kami dumiretso at dun na daw kame mag-dinner, pupunta din daw ang parents ni Ramley.
"Ram sa bahay na namin tayo dumiretso ha, dun na daw tayo mag-dinner pati pupunta din daw sila tita" mahinhin na sabi ko dito.
"K." tungunu ano bang problema ng unggoy na'to at napaka tipid sumagot.
"May problema ka ba ha?!" Humarap na ko sa kanya para makita ko sya ng maayos.
"Wala" diretso pa din ang tingin nya sa kalsada, Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
Magsasalita pa sana ko ng biglang *bzzzt bzzzt* may nagtext kay Ramley.
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfriend #Wattys2016
Romance(U-KISS Edition) #1 Eli Kim's Story Slightly SPG. Matalino. Gwapo. Matangkad. May Six pack abs. May toyo. Snob. Mabait? err-- scratch that, hindi sya mabait sa lahat, tanging saken lang sya mabait. Sobrang sungit din kung minsan. Lalo na pag...