Chapter 3.3 - Lasagna

5.3K 121 2
                                    

This chapter is dedicated to yammy29.

Typos Everywhere.

Enjoy Reading.

Claisse's POV

“Aray ko naman best!” sigaw ni Ramley habang hinihimas yung pisngi nyang nasuntok ko.

“Pakshet ka! Para-paraan ka din eh noh!” bwiset na’to. 

“Ikaw na nga hinalikan, ikaw pa nagagalit” Aba’t loko to ah!

“At baket sinabi ko bang halikan mo ko?! Ha?!” sigaw ko ditto habang sinasabunutan sya.

Wait lang best,Aray! masaket! Aray!”  daing pa nito. Tang’nang ‘to! Ninakaw nya na nga first kiss ko pati ba naman second kiss ko. Manyak talaga! Kainis!

“Manyak ka talagang unggoy ka!”

First year college kame ng ninakaw nya ang first kiss ko. Lintik lang talaga. Gigil na gigil ako sa kanya that time, and ang sabi nya eh aksidente lang daw yung nangyare, eh walanjo tumagal nga ng sampung Segundo tapos aksidente lang? Oo na-orasan ko yun dahil first kiss ko yun. Dapat sa taong mahal ko yun mapapapunta diba? Pero hindi eh, dahil sa unggoy na’to nawala na ang first kiss ko! Yung first kiss ko!

Sinubukan kong isumbong kila mommy ang ginawa ni Ramley pero ang resulta ay tinawanan lang nila ko. Nakakainis lang kase imbes na magalit sila eh parang wala lang sa kanila yun.

“Masaket Ram?” nang-aasar na tanong ko ditto. Hinihimas nya pa rin kasi yung pisngi nyang nasuntok ko.

Hindi best! Ang sarap nga eh oh. Try mo sa kabila para pantay” sagot nito ng inis na inis. Hindi pa sya nakakabwelo sa sinabi nya nang bigla ko pang suntukin yung kabila nyang pisngi.

“Tangna best nakakailan ka na huh!” galit na sigaw nito saken.

Tangna mo din! Ikaw pa may ganang magalit, ninakaw mo na nga first kiss ko pati ba naman second kiss ko!” bwiset na’to. Anong akala nya limot ko nay un? Utot nya!

“Wow ‘til now hindi mo pa rin nalilimutan yun? Tagal na nun ah, haha siguro nagustuhan mo yun noh? Uy si best in-love na talaga saken.”

“Asa kang manyak ka!”

**

Andito na kame sa loob ng mall at nag-decide kame na kumain muna sa greenwich dahil sa totoo lang ay kanina pa nag-aalburoto ang mga alagang kong anaconda sa tiyan. Nag-order lang kame ng dalawang lasagna, isang Hawaiian family pizza at dalawang iced tea. After naming umorder ay binigyan kame ng number at sinabihang mag-antay ng five minutes para mai-serve yung order namen.  Naghanap muna kame ng available table at doon ay umupo. 

After five minutes ay dumating din yung order namin. Unang sinerve yung iced tea at akmang ilalagay na nung crew yung lasagna sa tapat ni Ramley nang.....

"Ay Miss saken mo ibigay yan." sabi ko sa crew ng nakangiti. Madami kasing cheese yung isang lasagna compare dun sa isa.

"Hindi Miss, saken mo na ibigay tutal naman ay ilalagay mo na talaga dapat sa tapat ko yang lasagna." mahinahong sabi ni Ramley. Tinignan ko naman sya ng masama at ang loko tinignan lang din ako ng masama.

"Hindi miss, saken mo ibigay dahil ako ang babae at isa pa kanina pa ko nagugutom kaya please lang ilapag mo na yan sa tapat ko." nagpipigil na sabi ko.

"Saken mo nga sabe ibigay yan eh, ako ang umorder at nagbayad kaya ako ang sundin mo!" peste talagang unggoy 'to. Hindi man lang magpaka-gentlemen.

"Isa Miss, gutom na'ko!" sigaw ko sa crew. Buti nalang ay walang masyadong customer dahil baka naka-agaw na kame ng pansin. Tila natakot naman yung crew kaya agad nyang inilapag yung lasagna sa tapat ko. Gusto pang sisigawan bago sumunod eh. 

"Diba sabi ko---" hindi na naituloy ni ramley yung sasabihin nya sa crew ng bigla itong sumingit.

"Sir be gentlemen naman po, nakakaawa naman po yung girlfirend nyo oh" lintek napagkamalan pa kong girlfriend ng damuhong 'to. "Mukha pong gutom na gutom na po talaga sya" After magsalita nung crew ay agad itong umalis.

Nakakadalawang subo na'ko ng lasagna ng mapansin kong hindi ginagalaw ni Ramley yung lasagna nya. Naku po! Nag-iinarte na'to for sure. Patay gutom kasi 'to sa cheese eh. Kanina nga dapat ang flavor ng pizza namin ay yung puro cheese lang pero dahil ako ang nasunod ay hawaiian ang in-order namin.

"Ah..." sabi ko sabay tapat ng kutsara ko sa may bibig nya na may lamang lasagna na puno ng cheese . Tinignan nya lang ako.

"Ahh..." ulit ko pa. "Ayaw mo?" tanong ko pa ulit. Hindi nya pa rin kasi ako pinapansin."Okay" pagsuko ko. Akmang isusubo ko na yung kutsara ng bigla nyang kabigin yung kamay kong may hawak sa kutsara at isubo yung laman nito.

"Psh! Arte arte pa, kakainin din naman pala." pang-aasar ko dito. At ang nangyare ay nagsubuan nalang kame. Nagiging baliw talaga kame minsan pag nagkakasama kame.

After ilang minutes ay dumating na din yung pizza namin at kumuha lang kame ng tig-isang slice at pina-take-out na yung natira.

Before kame umuwi ay dumaan muna kame sa starbucks para bumili ng frappe at after makuha yung order namin ay agad din kaming umalis.

to be continued........................

VOTE AND COMMENT PLEASE.....

My Playboy Bestfriend #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon