Claisse's POV
Nagising ako ng may maramdaman akong mabigat sa bandang binti ko. Agad kong tiningnan kung ano iyon at napagtantong may binting naka-dantay sa binti ko.
Agad kong nilingon kung sino ang katabi ko sa higaan, its Ramley. My Playboy Bestfriend. Psh.
Anong oras na ba?
Tinignan ko ang alarm clock ko na nakalagay sa may gilid ng lampshade.
Pasado alas kwatro palang pala ng madaling araw. By 7am pa naman ang pasok namin. Pwede pa siguro aking umidlip kahit konti.
Akmang ipipikit ko na ang mga mata ko ng maramdaman kong kumilos si Ramley. Sh!t naman oh. Halos hindi na ko makahinga sa higpit ng yakap nya saken eh.
Narinig ko pa syang umungol. Gising na kaya 'to? Sh!t lang talaga, hindi ako makabwelo ng maayos para maka idlip ulit dahil sa lalakeng 'to!
"Ram" bulong ko sabay tapik sa balikat nya. "Ram" ulit ko pa.
Naman eh. Mukhang wala ata tong balak bumangon.
"Ram naman eh, hindi ako makahinga ng ayos" reklamo ko habang pinipilit na tanggalin ang pagkakayakap nya saken.
"Hmmmm" rinig kong ungol nya sabay ng pagkakaluwag ng pagkakayakap nya saken.
Tinignan ko naman kung gising na sya pero for my dismay, he's still fast asleep. Tsk. Buti pa sya ang sarap ng tulog samantalang ako nawalan na ng ganang umidlip ulit. Kasi naman eh.
Dahil nawalan na ko ng ganang umidlip ay bumangon nalang ako at agad na nagtungo sa banyo para maligo. Tutal maaga pa naman kaya sa bath tub nalang muna ako at magbababad ng ilang minuto.
Tinignan ko ang orasan at nakitang 4:30am palang. Maaga pa so may thirty minutes pa ko para magbabad.
Agad kong pinuno ang bath tub ng tubig at nilagyan ng strawberry liquid soap. Sa totoo lang ay hindi ako gaanong mahilig sa strawberry especially mga perfume at soap. Hindi ko gusto ang amoy. Meron lang akong strawberry liquid soap dahil kay Ramley. Gusto nya daw kasi ang amoy at tuwang tuwa sya kapag naamoy nya yun mula saken.
Sabi ko nga baket hindi nalang sya ang gumamit tutal gusto nya pala ang amoy, sinagot nya naman ako ng "Anong akala mo saken babae? Pambabae yang flavor na 'yan eh" habang nakakunot ang noo.
Noong una ay sobrang pamimilit pa ang ginawa nya para bilhin ko yung liquid soap na yun but in the end, sya rin ang bumili. Siya na daw ang bumili so might be it gamitin ko na din daw. Nangonsensya pa.
Kaya no choice ako, palaging strawberry flavor ang liquid soap na gamit ko. May sponsor eh. Haha
**
Saktong 5:20am ng matapos ako sa paliligo. Nagsuot muna ako ng robe.
Agad akong lumabas ng banyo at dumiretso sa may tapat ng cabinet ko para kumuha ng maisusuot.
Tinignan ko muna si Ramley kung gising na, pero mukhang tulog na tulog pa rin. Anong oras na? Dadaan pa kame sa condo nya.
Gigisingin ko nga muna bago magbihis.
"Hoy Ram gumising kana! Anong oras na oh." sabay hampas sa braso nyang nakalitaw mula sa kumot.
Gumalaw lang ito at bahagyang iminulat ang mata at tiningnan ako sabay pikit ulit at talikod saken.
Pinaiinit na naman nito ang ulo ko eh. Ang aga aga pa.
"Ram! Hoy! Bumangon kana dyan, dadaan pa tayo sa condo mo diba? Bangon na dali." bulyaw ko pa dito habang hinihigit ang braso nya paharap saken. Pero ang lolo nyo, deadma.
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfriend #Wattys2016
Romance(U-KISS Edition) #1 Eli Kim's Story Slightly SPG. Matalino. Gwapo. Matangkad. May Six pack abs. May toyo. Snob. Mabait? err-- scratch that, hindi sya mabait sa lahat, tanging saken lang sya mabait. Sobrang sungit din kung minsan. Lalo na pag...