This chapter is dedicated to DevonyWhitmore.
Enjoy Reading!
Claisse's POV
Papunta ako ngayon sa condo ni Ramley sa may alabang at kasalukuyang nakasakay sa bus, magpapasama ako sa kanyang maghanap ng apartment para sa pag-o-ojt namin. Mahirap kasi pag-uwian, sobrang layo ng Manila sa Laguna at paniguradong bugbog ang katawan ko kung saka sakali. At isa pa wala akong sariling sasakyan, kaya mahirap talaga ang bumyahe saken. Tulad na nga lang ngayon, dalawang sakay pa ang gagawin ko bago makarating sa building ng condo ni Ramley, nakakapagod lang.
After kong bumaba ng bus ay sumakay naman ako ng taxi at sinabi sa driver kung saan ako baba, after five minutes ay nasa tapat nako ng building kaya naman agad akong nagbayad at bumaba ng taxi.
Kilala na ko ng security guard kaya naman agad nya rin akong pinapasok ng building. Pagkapasok ko ng elevator ay agad kong pinindot ang number nine na button. Nineth floor kase ang unit ni Ramley.
Nasa tapat na'ko ng unit ni Ramley at agad kong pinindot ang doorbell, ilang segundo ang lumipas at wala pa ring nagbubukas ng pintuan kaya naman ako na mismo ang magbubukas, tutal naman alam ko ang password ng pintuan nya dahil siya rin mismo ang nagsabi saken.
Pag-enter ko ng password ay agad na bumungad saken ang napakadilim na loob ng unit nya. Lintik na lalake 'to, mukhang tulog pa ata. Anong oras na ba? Eh alas otso na eh, kanina pang six ng magtext ako sa kanyang pupunta ako. Agad kong tinungo ang glass window na natatakpan ng makapal na kurtina at hinawi ito upang pumasok ang sikat ng araw. Hindi ganun kalaki ang unit ni Ramley, may dalawa itong kwarto, isang cr, mini sala at kitchen, sapat lang para sa dalawang tao.
Paghawi ko ng kurtina ay tumambad saken ang nagkalat na damit sa sala at kung titingnan mong mabuti ay hindi ito damit lang ng isang lalake, bagkus ay may damit pang-babae, may nakasampay pang bra sa may television. Lintik naman talaga. Mukhang may nabingwit na naman ang lalakeng yun kagabi.
Agad kong tinungo ang kwartong tinutulugan ni Ramley at laking gulat ko ng makitang wala ito doon. Nasaan ba yung unggoy na yun, eh itong kwarto lang naman ang ginagamit nya. Sinubukan kong tignan yung kabilang kwarto at hindi nga ako nagkakamali dahil andito ang unggoy na lalakeng yun at mukhang sarap na sarap pa ang tulog.
Agad kong hinigit yung kumot at laking gulat ko ng makitang may nakayakap pang babae sa kanya, grabe kung makayakap akala mo ahas kung makalingkis, bwiset! Mabuti nalang at hindi ko hinigit ng todo yung kumot dahil for sure ay tatambad sa akin ang hubad na katotohanan na parehas na walang saplot ang dalawang taong nasa harap ko ngayon at patuloy na natutulog.
Tumapat ako sa may ulunan ni Ramley at tinapik tapik ang pisngi nito. "Ram, gising. Uy gising!" tila walang pakiramdam ang unggoy na'to at ganun din ang katabi nyang babae, mukhang napagod siguro sa gyera nila kagabi. Naku!
Sa sobrang inis ko dahil hindi pa rin nagigising si Ramley ay sinabunutan ko na ito using my ultra mega super duper power! "Ramley!!!! Gumising ka na! May lakad pa tayo at isa pa paalisin mo na'tong babae mo! Nakakadiri ka!" Litanya ko habang sinasabunutan si Ramley. "Aray ko shet! Aray! Tangina sino ka---- CLAISSE?!" tila natauhan naman 'tong unggoy na'to ng mapagtanto na ako ang sumasabunot sa buhok nya.
"Anong ginagawa mo dito?!" sigaw nito. "Wag mong sabihing----" alam ko na iniisip ng manyak na'to." Oh oh itigil mo yang kahalayan sa utak mo ha! Kung iniisip mo na ako ang naikama mo, pwes nag-kakamali ka, manyak ka!" Nginuso ko sa kanya ang katabi nyang babae na natatakpan ng kumot.
Agad niyang tinanggal ang pagkakayakap nung babae sa kanya at tila naalimpungatan naman ito.
"Good Morning Babe!" bati sa kanya nung babae. Kadiri talaga. "Sino ka?!" sigaw na patanong ni Ramley sa babae. For sure nahigit nya lang 'to kung saan. Tsk.
"Babe----"
"Wag mo kong tawaging Babe dahil hindi kita girlfriend at isa pa hindi ako biik!" Hahahaha hindi ko napigilan ang malakas na pagtawa ko dahil sa sinabi ni Ramley. Tangna talaga 'tong lalakeng 'to kung minsan. Nagulat naman ako ng biglang sumigaw ng malakas yung babae. "AT SINO KA NAMAN?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" aba't makapal din pala ang mukha ng mukhang kulugong babaeng 'to. Akala mo kung sinong kagandahan, mukha namang pinaglihi sa palaka.
"Tinatanong mo kung sino ako?! Ako lang naman ang asawa ng lalakeng kaulayaw mo kagabi my Dear" mahinahon kong sabi at biglang namutla ang mukha nya. Agad agad itong bumangon at hinigit ang kumot kaya naman tumambad ang hubad na katawan ni Ramley. Agad namang tinakpan ni Ramley ng unan si Ramley jr. at Agad na lumabas ng kwarto yung babae kaya naman ako at si Ramley ang naiwan sa kwarto.
Hindi mapigil ang pagtawa ko dahil sa naging reaksyon ng kaulayaw ni Ramley kagabi, grabe ang epic ng mukha nya, maniwala daw ba na asawa ako ng playboy na'to. Over my sexy body, hinding hindi ako magiging asawa nito. Psh!
to be continued..........
VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED. THANK YOU :)
BINABASA MO ANG
My Playboy Bestfriend #Wattys2016
Romance(U-KISS Edition) #1 Eli Kim's Story Slightly SPG. Matalino. Gwapo. Matangkad. May Six pack abs. May toyo. Snob. Mabait? err-- scratch that, hindi sya mabait sa lahat, tanging saken lang sya mabait. Sobrang sungit din kung minsan. Lalo na pag...