Chapter 1. Ramley

10.4K 199 4
                                    

 


Her POV


"Hoy Ramley Natividad anong oras na! May lakad pa tayo, kumilos ka na diyan kung ayaw mong buhusan kita ng malamig ba tubig!"
sigaw ko sa lalakeng hanggang ngayon ay sarap na sarap pa rin sa pagtulog.

Nasan ako? Nasa condo nya. Tumawag kasi ako kanina sa bahay nila at sinabing wala daw si Ramley, so ibig sabihin ay nandito sya sa condo nya at hindi nga ako nagkakamali dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin ito. Tulo pa laway. Kadiri amp0ta!

"Isa Ramley! Bumangon ka na diyan, kailangan na nating umalis tanghali na!" sigaw ko ulit dito. "Ayaw mong bumangon ha!" Lumabas ako ng kwarto nya at nagtungo sa kusina nya.

Anong gagawin ko? Kukuha lang naman ako ng malamig na tubig para ibuhos sa impaktong lalake na yun na ayaw pang bumangon, tignan ko lang kung hindi pa sya magising.

Pagbalik ko sa kwarto nya ay ganun pa din ang ayos nito, ni hindi man lang natinag sa pagsigaw ko kanina. ako talaga pinupuno ng impaktong 'to eh....

"WHAT THE HELL-- SH1T! BAKET MO'KO BINUHUSAN?!" galit na galit na singhal nito saken. Anong akala nya matitinag nya ko. Neknek nya no.

"Aba mister, kanina pa po kasi kita ginigising at ni hindi ka man lang nagising, akala ko nga patay ka na e kaya binuhusan kita ng tubig, sayang akala ko patay ka na, buhay ka pa pala." mahabang paliwanag ko dito.

"Oh ano pang tinutunganga mo diyan? Kumilos kana! Late na tayo ha!" imbis na nasa byahe na kame ay wala, eto sinundo ko pa 'tong unggoy na'to.

"Baket ba kasi ang aga mong mambulabog?" naiinis na tanong nito habang bumabangon. 

"ayy Señorito baka po nakakalimutan nyo na ngayon po ang final interview naten sa hotel  na pag-o-ojt-han naten, at kung hindi pa po kayo kikilos ay baka hindi na tayo makapg-ojt" nagtitimping sabi ko dito.

"Sh1t! baket ngayon mo lang sinabi?!" eh tarantado pala 'to eh, sino ba ang ngayon lang nagising?

"Gusto mo sipain ko yang future mo?! Ako pa sinisisi mong unggoy ka! Ikaw 'tong tulog na tulog pagdating ko, tulo pa laway mo! Peste ka!" nang-gagalaiting sigaw ko dito.

Dali dali naman syang pumasok sa loob ng banyo nya at naligo. Lumabas muna ko ng kwarto nya at nagtungo sa living area.

Infairness talaga sa lalaking yun, napaka linis nya, hindi mo aakalaing lalake ang nakatira dito dahil sobrang linis, ang mga libro at magazine nakaayos sa book shelf, grabe yung akin nga kung saan saan lang nakalagay eh.

Napadako ang mata ko sa may side table sa may living area kung saan nakalagay ang picture naming dalawa ni Ramley.

My Playboy Bestfriend #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon