Chapter 1: Outside World

395 47 16
                                    

Chapter 1: Outside World

Sampung maskuladong lalaki ang nakahandusay sa harapan ko ngayon. Mga weak naman 'tong mga ugok na 'to!

"Yan na ba yung pinaka magagaling na ninja na pinagmamalaki mo sa'kin?" sabi ko sa matandang hukluban na pangiti-ngiting nakatingin sa'kin.

"Masyado kang mayabang, bata." Sinugod naman niya ako pagkatapos niyang sabihin sa'kin 'yan. Tumalon ako paatras para makaiwas sa suntok niya. Pero dahil di pa din ako nakakarecover sa gulat ng pagsugod niya sa'kin, nasipa niya ako sa tagiliran ko kaya bumagsak ako sa sahig.

"Wag kang magpakakampante, kiddo. Pero para naman maengganyo ka, let me offer you a deal." A deal? Gulat akong napatingin sa kanya kaya tumayo na ako.

"What deal?" Napangisi naman siya sa inasal ko. Okaaaaaay, wala na talaga akong maitatago sa matandang hukluban na 'to. Halata bang excited ako sa deal niya? I just rolled my eyes.

"Kapag nasugatan mo ako, mamamasyal tayo sa labas ng mansyon. Pero isang araw lang a?" My eyes sparkled with what he said.

"Talaga po?" Ugh. I just can't hide my excitement. Pero bigla naman akong nanlumo sa narealize ko.

"But Daddy won't agree to this, he won't let me. And I don't want to spend a night chained in that freaking cell again." pagpapatuloy ko. Kinakadena at kinukulong kasi ako ni Daddy in a cell underground if ever may nagawa akong mali or may nakatalo sa'king tauhan niya. Minsan nga kapag malala yung nagawa ko, hinahampas pa niya ako ng latigo niya.

"Believe it or not, kid. I already thought about that. Kaya nga kailangan mong ipakita sa'kin na kaya mo na, na malakas ka na. Aminin mo man o hindi, isa ka lamang musmos na nanakawan ng pagkabata." pagpapaliwanag niya. Uh oh! 'Pag Althea na ang tawag sa'kin niyan, seryoso na yan. " Live your life Althea, 18 years old ka pa lang, yet you sound like a 50 - year old." I take the being serious part back. Tch

"Anong 50 - year old? E ikaw yun e! Tanda! Hmmmph." napabusangot ako dun a.

"Hahahaha! You've been overthinking, kid. Sa tingin mo ba kaya mo akong sugatan? Iniisip mo Daddy mo e, di mo nga ako malapitan. Tsk tsk tsk"

Wooooooooosh!

Sayaaaaaaang! Habang nagtatalk show kasi siya, hinahanda ko na yung star blades (shuriken) ko. Nung hinagis ko sa kanya, nasalo niya! Crap.

Ibubuka pa sana niya yung bibig niya ng naghagis ako ng walong star blades na nasa pagitan nmga daliri ko kanina. Pero walang kahirap hirap lang niyang iniwasan ang mga yun- or not.

"Aaargh" I smirked when I heard him groan. Bumagsak siya sa sahig dahil sa sakit na natamo niya.

"Yeheeeees! Hoy Tanda! May sugat ka ba?" Nilapitan ko siya at tutulungan na sana siyang tumayo ng bigla niya akong sinuntok sa tiyan.

"Ouch! Tito Peter ang daya mo naman eh!" Yes, you heard it right, he's my uncle. Siya din ang sensei ko. Nakababatang kapatid siya ni Daddy, 23 years old pero asal 3 years old. Don't tell him that. At sobraaang bait niya sa'kin, kaya mahal ko 'yan e.

Tatayo na sana ako ng may maisip akong paraan. Dahan - dahan kong kinuha ang swiss knife ko sa may bewang ko at hinagis sa may kanang pisngi niya. Napredict ko ng maiiwasan niya yun kaya naman tumayo ako agad at sinuntok ang kaliwang pisngi niya.

"Yeah baby! Payback's a bitch!" I smirked. Sure win na ako dito kasi nakita kong may tumalsik na ngipin galing sa bibig niya. That sure is enough to make him bleed. So technically, nasugatan ko na siya.

Mission: Claim the Mafia ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon