Chapter 13: Dimples

240 9 18
                                    

Chapter 13: Dimples

Agad kong pinindot yung open button ng elevator para mahabol yung Gino na yun pero paglabas ko, wala na akong naabutan.

Anyway, mukha namang di siya magsasalita. In fact, mukha pa nga siyang takot e. Pumasok nalang ulit ako ng elevator at pinindot yung passcode para sa penthouse.

Nang makatapak ako sa penthouse ko, naligo muna ako. Pagkatapos kong maligo, nagsuot ako ng black outfit ulit dahil pupunta pa ako sa mansion ni Mr. Andrews.

Nafax na pala ni HM yung mga kailangan ko. I quick texted HM ng 'Thanks' and I also made her research about a guy named Gino na nakatira sa building na tinitirhan ko specifically sa 50th floor. I started reading.

Name: Michael Withford

Ooh. Bukod sa nabanggit na siya ang pinakamayaman sa mga Elders, there's nothing interesting with him. It was written here that he had 3 wives, divorced and he's currently single. Yung 2 anak niya, isang babae at isang lalaki parehong nasa New Zealand.

I smirk. Talagang nilayo pa niya yung anak niya dito sa Pilipinas.

Name: Nelson Legarte

Tulad ng nauna, wala din masyadong nakakuha ng interes sa'kin dito. Sa kanilang apat, siya naman ang least na mayaman. Siya naman ang pinakamagaling makipaglaban. Purong Pilipino, may dalawang anak - dalawang babae na kasalukuyang nag-aaral sa QU. Yung asawa niya, iniwan siya dahil sa di maipaliwanag na rason. Hmmm.

Name: Clarence Andrews

Namatay ang asawa niya dahil sa pag-ambush sa kanila ng kalaban. Nailigtas ang kaisa-isa niyang anak kaya yun na lang ang pinakaiingatan niya. Hindi ang ambush ang nakakuha ng atensyon ko kung di ang information tungkol sa nag-iisa niyang anak.

His name is Gino Andrews, isang gangster at parte din ng mafia.

Gosh! Does this Gino know na ako ang heiress ng throne ni Daddy? I think not. Kaunti lang na member ng mafia ang nakakaalam na ako ang heiress. Well, if he is a part of the mafia, I'm sure as hell na di niya ipagkakalat na ako si Burgubdy. Dapat ko ba 'tong ikatuwa?

Sa mansion niya pala ako pupunta mamaya.

Name: Clinton Sterling

What the fudgee bar? Daddy 'to ni Claude a? Ito yung Elder na sobra kung kumontra sa'kin.

Gosh! I should've known nung una pa lang. But why would he risk the life of his own son and nephews? Napansin ko din na sa apat, siya lang ang may buhay at kasamang asawa. They sem like a happy family. May tatlo siyang anak - babae, si Claire, tapos sumunod si Claude tapos sumunod si Brunette.

Mas nakakashock 'to kesa sa balita involving Gino Andrews. I can't believe it.

Ano ba ang plano ng Elders? Konektado sa SWG ang una at pangalawang misyon ko. Na hanggang ngayon ay di ko pa din matapos. Alam ba nilang mahihirapan akong mapasunod ang SWG? I just don't se the point.

It was said here na mayroon siyang laboratory.

Paulit-ulit kong binabasa ang data ni Clinton Sterling. It was written here that he is a strategist. Pinakamatalino. Pinakatuso.

I was wondering, kung siya ang pinakamatalino, paano nakapasok ang mole sa mafia? Pinakatuso. Lung isa nga siya sa mole or tinutulungan niya ang mga spy, di na ako magtataka kung bakit niya 'to ginagawa.

No! I dismiss the thought. I bet napag-isipan na din 'to ni Daddy. In fact, kaya nga binigyan ni Daddy ng misyon si Tito. Alam ko kung paano kumilos si Daddy.

Mission: Claim the Mafia ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon