Chapter 3: Mission Introduction

251 36 13
                                    

Chapter 3: Mission Introduction


♕ Alaric Griffith Althea Quincy ♕

"Daddy- Aw! Please- Aw! Stop." I was crying habang hinahampas niya ako ng latigo sa likod ko. I am chained here underground dahil nabasag ko yung favorite vase ni Mommy. Sorry, Daddy.

"Ang tigas ng ulo mo!"

"Aw!" Hinampas niya ulit ako.

"Daddy, please s-stop." Hinang-hina na ako. Mahal kaya ako ni Daddy? Pero ba't niya ako pinaparusahan? I've been trying my best to make him happy pero kulang.

"Senyales ng kahinaan ang pagdaing! Sige! Dumaing ka pa at di lang yan ang aabutin mo!" sigaw niya

Sorry na Daddy! I'm so sorry. Pinikit ko ang mga mata, tiniis kong di dumaing at kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko na halos magdugo na. Umiiyak ako at paulit ulit na humihingi ng sorry sa utak ko. Wala, wala na akong lakas na magsalita pa.

Pero hindi si Daddy ang kaharap ko ngayon. Ang Mafia King ang kaharap ko ngayon.

"This is all your fault! Sana di ka nalang pinanganak! Hindi sana namatay ang asawa ko! Kung ganyan ka kahina at kalambot, di ko maipapasa ang trono ko sa mafia sa'yo!"

Ang sakit, ang sakit sakit. Daddy, what do you want me to do ba? What would make you happy?


I shook my head to dismiss that unpleasant memory. Nangyari yan 8 years ago - ang kauna-unahang beses na pinarusahan ako ni Daddy sa kulungan sa underground ng mansyon.


Patakbo kong nilakad yung training ground para hanapin si Tito Peter.


"Tito!" Tinawag ko agad siya nung nakita ko siya. Gumaan yung pakiramdam ko nung nakita ko si Tito. This time, hinayaan ko nalang magflashback yung kasunod na nangyari.


"Princess, sorry wala akong nagawa." Malungkot na sabi niya sa'kin. Lumuhod si Tito Peter para maging magkalevel ang mukha namin. Niyakap ko naman siya agad.

"Tito, mahal naman ako ni Daddy diba? He's only disciplining me? Because I've been a brat. Mommy should've chosen to live. Daddy's hurt." Iniyak ko nalang lahat.

"Shush, honey. Wala kang kasalanan. It was your mom's choice." Kumanta na lang siya para mawala yung tensyon.

♪ A - you're adorable

B - you're so beautiful

C - you're so cute and full of charms... ♪

Oh Tito. Nagrelax naman ako sa bisig niya habang patuloy siyang kumakanta. Buti nalang andito si Tito, kahit nasa kulungan ako ngayon, sinamahan niya ako.

Mission: Claim the Mafia ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon