Chapter 7: SACJ + CNBR

226 31 11
                                    

Chapter 7: SACJ + CNBR

♕ Alaric Griffith Althea Quincy ♕

Di ko alam kung paano ako nakauwi dahil sa lalim ng iniisip ko.

Mag-isa. Malungkot. I never felt so alone.

Honestly, meron naman talaga akong tagalinis ng pad ko pero tuwing weekends ko lang siya pinapapunta dahil gusto ko ding maging independent (kahit di naman talaga ako kumikita para sa sarili ko).

Naaalala ko nanaman yung sinapit ni Rien. Nagsindi ako ng kandila para sa kanya. Tinawagan ko din si HM para puntahan yung bangkay ni Rien para magbigyan ng maayos na libing.

Nagshower na ako at nilinis yung mga sugat ko. Binendahan ko yung sugat ko sa tuhod at yung hiwa ko sa kanang braso dahil nagdudugo pa din hanggang ngayon.

Tinignan ko yung buo kong katawan sa full body mirror.

Akalain mo nga naman? Mapagkakamalan akong narape o kaya napagtripan ng mga lasing sa kanto dahil sa mga sugat ko.

May sugat sa gilid ng kanang kilay ko, namamaga yung ilalim ng kanang mata ko, may cut ako sa upper lip at nangingitim yung pisngi ko.

Bukod sa mga sugat ko sa mukha, may mahabang gasgas sa kaliwang braso ko at gaya ng sabi ko kanina, may hiwa ako sa kanang braso ko. Buti nalang at di malalim yung hiwa kaya nagagalaw ko pa naman yun ng maayos.

Nagbihis ako ng shorts para di magalaw yung sugat ko sa tuhod na nakabenda at hoodie para matakpan yung mukha ko.

Nagwawala na yung mga sawa sa tiyan ko pero nakakahiyang kumain sa mamahaling restaurant na nakasanayan ko kaya sa convinience store na lang ako dumiretso.

Kumuha ako ng dalawang hotdog sandwich, yung pinakamalaking cup noodles, yung pinakamalamig na tubig at yung pinakamalaking slurpee.

Oo, magpapakababoy ako ngayon.

Binayaran ko na yung mga kinuha ko sa counter at umupo sa pinakadulong bar stool. Hindi ako pwedeng makita ng mga tao dahil alam mo na.. baka mapagkamalan akong takas sa preso.

Crap! Ang panget ko na talaga.

May tumabi naman sa'kin kaya medyo humarap ako sa gilid para maitago yung buong.. pagkatao ko.

Kumain na lang ako ng tahimik. Ganito ba yung feeling ni chubbyface pag kumakain ng madami? Shoot! Ang sarap palang magpakababoy!

Akala siguro ng katabi ko, di ko alam na nakatingin siya sa'kin. Pero, duh! Ang obvious niya dahil nakaharap na talaga siya sa'kin. Nagpapapansin ba 'to o ano?

Dahil tapos na akong magpakababoy, tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis ng di siya binibigyan ng kahit isang sulyap.

Aba mahirap na! Maraming lalaking feeler ngayon.

Pero ng malampasan ko siya, hinawakan niya ng mahigpit yung kanang braso ko na may malaking sugat. Kumirot yon kaya ng hinarap niya ako sa kanya, binigyan ko agad siya ng suntok sa mukha.

Dahil di naman niya inaasahan yung suntok kong pagkalakas-lakas, ayun- naglips to lips sila ng sahig, kulang nalang itanong ko kung ilang isda ang nahuli niya.

Nararamdaman ko ng nababasa na yung sleeve ng hoodie ko ng sarili kong dugo. Pero kahit ganun pa man, di pa din ako nagpapakita ng emosyon.

Daddy trained me like this.

To feel no pain, to feel nothing.

Lumapit naman ako dun sa lalaking nagdive at inabot yung kamay ko para tulungan siya tumayo. Kinuha naman niya yung kamay ko at inangat siya.

Mission: Claim the Mafia ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon