Chapter 4: Welcome to Quincy University

244 33 22
                                    

Chapter 4: Welcome to Quincy University

Alaric Griffith Althea Quincy

Ngayong araw ako lumipat sa bago kong titirhah. Malayo-layo kasi yung mansyon sa QU  at para na rin daw sa safety purposes. It's an apartment— Fine, a penthouse.

I'm on my way sa QU at gamit ko ang aking bagong-bagong Lamborghini Veneno Roadster na regalo sa'kin ni Tanda. Reward daw kasi nasa Phase 2 na daw ako! Akalain mo yun? May pagkagalante din pala 'tong tito kong playboy.

I'm wearing a crop top (so medyo kita yung ibabang bahagi ng tiyan ko, duh.), ripped jeans, vans shoes tapos naka aviator shades ako. Di na din ako nag-abala pa na ibahin yung kulay ng buhok ko. Bakit pa? Maganda naman yung red hair ko (kahit burgundy naman talaga).

Nagpark ako sa parking space kung saan makakaagaw pansin talaga ako.

Hep, hep. Bago niyo ako husgahan, this is all part of my plan. Paano ako sisikat kung hindi ako magsho-show off, diba? Makes sense?

Di naman ako ngayon papasok, kakausapin lang ako ng Head Mistress ng university na 'to. It turns out, dito pala gumraduate si Tanda. Akala ko home-schooled din siya e. Nung tinanong ko siya, ang sabi niya, tamad daw siya pumasok kaya laging siyang nasa mansyon. If I know, gusto lang niya ako makasama.

Pagkababa ko ng kotse, tinanggal ko yung shades ko. Wow! This university is amazeballs. I told myself.

Nagsimula na akong maglakad sa hallway. Pero sana, di ko na ginawa kasi—

"Sino kaya yan? Ang ganda niya!"

"Witwew. Pare, chicks!"

"Tss, slut yan for sure."

 

I rolled my eyes dun sa huling babaeng nagsalita. May tatlong babae naman na naglakad papalapit sa'kin. Mukha ngang leader yung nasa gitna.

But wait, there's mooore. Lahat sila, nakacurl yung hair in the most slutty way you could ever imagine. Also, parepareho silang may suot na necklace na may pendant na tiara. Okaaaay, ano nanaman kagaguhan 'to?

"Hi guuurl! I'm Brittaneeey. This is Marjoreeey" Tinuro niiya yung nasa kanan, "and this is Tiffaneeey." Tinuro niya yung babae sa kaliwa niya.

Well, that's funny. These slutbags must be the—

"I'm the Queen Bee of QU and these are my, uhm girlfriends." She doesn't seem sure. I thought she was gonna say alalay. "Right, girlfriends?"

 

"You got it girlfriend." Kailangan duet? These two are so gullible.

So si Brittaneeey— I mean, Brittany pala yung aagawan ko ng pwesto? Tch, that would be easy.

"You know what? You could be one of us if you want. You fit in, girl. What's your fab name?" Sabi ni slutbag

I was about to answer her 'fab' question kaso—

"Hey Brit! Have you done my homework?"

 

OH EHM GEE. Si selfish asshole coward jerk  to ah? Bago pa niya ako mapansin, umalis na ako dun. Aaargh! Naiirita talaga ako sa itsura niya. Naalala ko yung kaduwagan niya e!

Bago ko hanapin yung office ng head mistress, nagliwaliw muna ako. Di na ako nakaligtas sa tingin at chismis ng mga tao. Wow ah! Talk of town, agad-agad?

Mission: Claim the Mafia ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon