Chapter 12: Sa Basement

162 8 13
                                    

Chapter 12: Sa Basement

Alaric Griffith Althea Quincy

Kasalukuyan akong bumaba sa motor ko dahil andito na ako sa basement na parking lot ng building ng penthouse ko.

Nadaanan ko yung reception at tinawag niya yung pansin ko kaya lumapit ako sa kanya.

"Ms. Rochefort, may mga bisita po kayo. Nasa lobby po sila."

Aga Rochefort din pala pangalan ko dito? Sino kaya yung visitors ko? Hmm

Pumunta na ako sa lobby at labis kong ikinatuwa ang nakita ko.

"Ate Aga! Namiss kita!"

Ang cuuute ng batang 'to. Niyakap niya yung bewang ko kaya lumuhod ako at niyakap siya pabalik. Pagkatapos ng yakapan session, tumayo na ako dahil honestly, masakit sa tuhod.

"Hi Nate! Namiss din kita. Tara, akyat na tayo."

I held out my hand and he willfully reached for it. Nginitian ko nalang si Nero na di ko napansin kanina. Mushroom ba 'to? Bigla-biglang sumusulpot e.

(Sa mga nakalimot kay Nate at Nero, refer to Chapter 9: Alphabet Song)

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator, tumakbo agad si Nate papasok. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta.

Psh, sa kitchen lang pala pumunta. Nagugutom na siguro. Ibinaling ko yung tingin ko kay Nero.

"Is something wrong? Parang kanina ka pa wala sa sarili." Nababaliw ka na ba? Joke.

"Nagkagulo kasi sa Black City kagabi, patay yung mga myembro ng Rank 3. Tapos yung dalawa, nawawala. Kapag hindi nagclaim yung tumalo sa kanila kagabi, magkakagulo sa Black City."

Gosh, what have I done? Di ko 'to naisip a. Now, this is news.

"Ate, Kuya, let's eat na!"

Wooh. Buti nalang nagsalita si Nate. Honestly, di ko alam kung paano o ano ang isasagot ko sa kanya.

Nakahanda na yung mga plato pati utensils sa dinner table. Kailan pa nag-ayos 'tong batang 'to? Mana sa kuya ah-- Malamushroom.

Psh. Paano kaya kami kakain? Wala ngang pagkain e. Tinawagan ko na yung restaurant sa baba at nagpadeliver nalang dito kung ano yung mabilis na maluto. Kumain lang kami habang nagdadaldalan.

Napansin ko lang, di magkamukha si Nate tsaka si Nero. Although pareho silang pogi, iba talaga yung features ni Nate e.

May kamukha si Nate e! Di ko lang maalala. Promiiiise! Yung dimples niya kasi may similarity sa kung sino man yung kamukha niya na kilala ko. Ugh. Sino ba yuuuun.


After ng pagbisita nila sa'kin, nagpaalam na sila dahil may pasok pa si Nate bukas at hindi siya pwedeng magpuyat.

Of course, nagreklamo si Nate pero dahil sa convincing powers ng kuya niya, wala din siyang nagawa.

Kitang kita sa kanila yung pagmamahalan nila. Maasikaso kasi si Nero na kuya kay Nate. Tapos si Nate, obvious na iniidolo niya yung kuya niya. Feeling ko nga iiyak yang batang yan pag nawala sa paningin niya yung kuya niya e.

Pumunta na ako sa kwarto ko para maligo at mag-ayos ng armas pati ng susuotin ko pagpunta sa Black City mamaya.

Paano na kaya yng pwesto ng Rank 3? Would I claim it? Pero alam ko naman na napag-isipan na 'to ng Elders.

Nang makarating ako sa Black Ciry, dumiretso na ako sa meeting room ng big house. Kilala na ako nung mukhang bouncer na gwardya e.

Di ko na inantay magsalita yung apat na Elder at nauna na ako.

"Anong plano sa Rank 3? I bet, napag-isipan niyo na 'to? I heard from a source na nagkakagulo dito ngayon."

"Heiress, totoong nagkakagulo dito ngayon pero inaayos na ng Rank 1 ang gulo. Inangat nalang namin ang ranking ng pang-apat pababa kaya mukha namang nagiging maayos na." sabi nung isang Elder na nagsabi sa'kin dati na bastos ako. Ito yung lagin kumokontra sa'kin e! (Refer to Chapter 10)

"Aren't they curious where Burgundy is? Kasi according sa source ko-- "

"Your source may not be really reliable."
Whatever.

"Okay. What's my next challenge?"

"Simple lang. Kailangan mo lang samahan ang Rank 1 o ang Sterling warriors Gang sa misyon na binigay namin sa kanila."

"Oh! You gave them mission too? Para saan? At saka anong misyon yun?"

"Aware na ang Sterling Warriors Gang sa existence ng Quincy Mafia. Alam na din nila na konektado kaming mga Elders sa mafia."
sabin nung isang Elder.

"And? What did you make them do exactly? Tsaka anong kinalaman ko dito?"

"Ang misyon na binigay namin sa kanila ay ang pigilan sa ano mang paraan ang illegal transaction ng firearms na gaganapan mamaya sa isang party ng mga elites at socialites."

"You're kidding. That's too dangerous for gangsters like them. Seriously, papatayin niyo ba sila?"

"No. Pero ito ang initiation nila sa pagsali nila sa mafia."

"What?! You mean they wanted to join the organization?"
Tumango silang lahat.

"Simple lang naman ang mission. Kapag natuloy ang transaction, di sila makakapasok pero pag hindi, edi pasok sila."
I rolled my eyes. MALAMANG!

"This doesn't make sense. So magiging guard slash chaperone nila ako? What do you want me to do exactly?"

"Manood ka lang at bantayan mo sila. Interfere pag kailangan. Matututo ka din naman dito."

"You do realize that this is an easy challenge, do you?"

Tumango sila. Para namang giveaway 'tong challenge na 'to. Imagine? Yung una, patayin yung Rank 3 tapos parang nadegrade lang ako? Naging guard ako.. GUARD!

Nang makalabas ako ng big house, dumiretso na ako sa motor ko at pumunta sa penthouse ko. Ngyong gabi na kasi yung party.

Akalain mo nga naman? Masquerade ang theme ng ball. Bakit ba kapag may mga illegal na bagay na gaganapin sa party, masquerade lagi ang theme?

Nagbihis na ako ng black na long gown na may slit. Glittery siya at mahahalata mo na agad yung kurba ng katawan ko. Bukod doon, backless din siya. My hair was tied into a messy bun pero mukha pa din akng elegante. I'm also wearing stilletos, yung tipong pwede mong gawing pang self defense dahil sa taas ng takong.

Kasama ko nga pala si HM dito sa penthouse ko. Kasama din pala sa inaral niya sa States ang tungkol sa Quincy Mafia. She trained hard para daw maprotektahan ang sarili niya. She is very good in computers - hacking, specifically.

Mission: Claim the Mafia ThroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon