Chapter 9: Alphabet Song
♕ Alaric Griffith Althea Quincy ♕
Monday na ngayon kaya medyo okay na yung mga sugat ko. Yung sa mukha ko, medyo nangingitim pa kaya kailangan ko maglagay ng concealer para matakpan yung pasa ko. Duh! Kailangan maganda na ulit ako mamaya kasi di pa ako official na Queen Bee.
Nagtraining kami ni Tito buong weekend kaya ayun, nakakulong lang kami sa pad ko. Opo, may training area sa pad ko. But the news is.. GUMALING DAW AKO! Woohoooo.
"Tito, pwede mo bang ibackground check yung buong Sterling Warriors Gang?"
"Okay princess. Anyway, pupunta nga pala tayong Black City mamaya. Sasabihin na sa'yo yung mga utos nila."
Black City— mamaya? Interesting. Nagpaalam muna ako kay Tito na pupuntang mall kasi mamaya pa naman yung pasok ko.
Frankly, di ako mahilig sa mall pero kailangan ko bumili ng contact lens na pula para sa outfit ko mamaya bilang Burgundy. Normally, si Tito yung bumibili ng mga gamit ko. Minsan naman, nagvovolunteer si HM per gusto ko din gumala. Wala lang, basta.
Sumabog yung kotse ko diba? So, in replacement, binigyan ako ni Tito ng MV 16 Bigbike. Yun yung gamit ko ngayon papuntang mall.
Pagkadating ko, kanina pa ako pinagtitinginan ng mga tao dito sa mall. Okaaay. Ano nananaman ang ginawa ko?
Ayos naman yung suot ko. Simple lang tsaka natatakpan naman yung mga sugat ko sa mukha.
Maya-maya, may lumapit sa'king batang lalaki. Siguro mga 7 years old.
"Ate! Artista ka ba? O kaya model?" Umiling ako.
Ang cuuuuuute niya! Tapos yung porma niya pangbinata.
"Ah ate, pwede papicture? Please ate please please please" at nagpuppy eyes pa siya. I want to roll my eyes.
"Okay." As if I had a choice.
He fished his phone from his pocket. Nagselfie kami. Pero more on siya lang at ginawa lang akong background. Kamusta naman yun? Pero ngumiti pa din ako (ng pilit).
"Thanks ate. Tara, libre kita ice cream."
Hihindi sana ako pero hinatak na niya ako papuntang Dippin' dots. Okay lang pala, masarap dito e.
Pinaupo na niya ako tapos tinanong kung anong flavor gusto ko. Ang sabi ko kahit ano nalang pero sinuggest niya na cranberry na lang. Edi fine.
Iniwan niya sa table yung phone niya at umalis na siya para umorder. Sinabihan ko nga siya na ako na manlilibre pero siya na daw.
Bigla naman nagvibrate yung phone niya, nung sinilip ko.. may tumatawag pala. Nakaregister yung name na 'Kuya'. Sasagutin ko ba?
Nang kukunin ko na yung phone para sagutin, dumating yung bata. Crap! Di ko pala alam pangalan nito. Kinuha niya yung phone niya at sinagot.
"What? Wala kang pake Kuya. So what? Tch, as if they can touch me. I can protect myself. I'm with a gorgeous model right now. Whatever. I'll hang up now. Bye"
Ang bastos a? Pero gorgeous model? Ako ba yun? Oo nalang. Binigay na niya sa'kin yung ice cream ko.
BINABASA MO ANG
Mission: Claim the Mafia Throne
ActionPROLOGUE Ang sabi ni Daddy, "Sakim ang mga tao. Inaabuso nila ang mga mahihina." 'Yan ang tinatak niya sa utak ko. Sabi pa niya, I would inherit his throne if and only if I have proven myself to him- Not as my father but as the Mafia King. I am Ala...