Chapter 18 - Unexpected Visitor
♕ Alaric Griffith Althea Quincy ♕
"Logan?"
He is struggling to get away from Tito Peter's grip.
"You know this kid?"
"Yeah, his name is Logan. He's SWG's second-in-command"
"Oh, okay." Binitawan na niya si Logan.
Hawak hawak ni Logan yung leeg niya habang umuubo. Napasobra yata si Tanda sa kanya. Tsk, tsk, tsk. Nilapitan ko si Logan at hinagod ang likod.
"Are you okay?"
Tumango tango siya kaya hinwakan ko ang kamay niya, dinala ko siya sa bench at naupo kami.
"Anong narinig mo?" Tanong agad ni Tanda with one leg propped up.
"He knows I'm Burgundy, Tito. Our secret is safe."
"I'll leave you two to talk."
Nang makaalis na si Tanda, pinagtuunan ko ng pansin ang leeg ni Logan. Nagkasugat pala. Nilabas ka ang panyo ko at ipinunas yun sa sugat. Mukhang nagulat si Logan sa ginawa ko pero he tried his best to hide his shocked expression. I can still see it, though.
"That was.. scary."
"Well, eavesdropping could kill you Logan."
"Wow."
He seemed so speechless.
"We still have to talk, you know?"
"Let me guess, you won't join our gang."
I smiled at him. "I appreciate every word you used that time, Logan. It's just that.." How would I say this? "I have things to take care of."
"Actually, it's fine. Pero Aga, did I heard you right? Tito mo yun?"
"Sa pagkakatanda ko, may nasabihan na ako nito noon. But I think I have to use this line again: Less knowledge, less danger. You and your gang aren't ready for this kind of information. In the meantime, I trust you not to tell my secret to anyone. Maaasahan ba kita doon?" Hinawakan ko ang balikat niya.
"But I don't understand Aga! And I hate it that I don't understand." Iniwas niya ang tingin niya sa'kin.
"Of course you won't. Pero someday, malalaman mo din. I do the things I do because I have reasons, Logan."
May halong lungkot sa boses ko. Ewan. Para kasing tumatama sa'kin lahat ng sonasabi ko.
"May I trust you my secret?"
"Oo, Aga. Maaasahan mo ako."
I hugged him and said a brief thanks.
"You're such a wonderful friend, Logan. I also have a favor to ask."
"Ano yun?"
He seemed curious. Ibinulong ko sa kanya ang favor ko na naging dahilan ng paglaki ng mata niya.
"Ano?!"
♔ Claude Franklin Sterling ♔
Nandito ako ngayon sa hideout ng gang namin na malapit sa QU. Kakausapin kasi ako ni Logan. Hindi ngayon ang unang pagkakataon na tinawag niya ako para makausap pero hindi ko mapakali sa kaiisip kung ano ang gusto niyang sabihin. Di din ako makapag-antay na sabihin sa kanya ang tungkol kay Devin Quincy.
Nakarinig ako ng mga yapak ng paa kaya sinilip ko agad ang peephole ng pintuan. Damn! Hindi siya si Logan!
He's wearing some kind of a mask kaya natatakpan ang buong mukha niya. Isa lang ang nasisigurado ko. Di siya magnanakaw.
I opened the door and hurriedly gave him a punch in the face. Napahiga naman 'tong masked man na 'to.
Napansin kong may dala siyang bag.
Mabilis siyang nakarecover sa suntok ko at ng makatayo siya a agad niya akong sinipa sa tiyan. Medyo mahina ang sipa niya kaya napaatras lang ako.
Nanlaki ang mata ko ng maglabas siya dagger at ituturok sana yun sa puso ko ng masanggi ko yun. Mabilis kong naagaw ang dagger sa kanya at sinaksak sa leeg niya.
"Argh!" Bingo!
"Anong kailangan mo?"
"Napadaan lang ako!"
Mas lalo kong nilaliman ang saksak ko sa leeg niya. Mabilis akong lumipat sa likod niya. Sinipa ko ang likod ng tuhod niya para mapaluhod siya.
"I am not a very patient man, boy. Anong pakay mo?"
Mula sa bag niya ay may nilabas siya ng inaakala kong papel -- no, it's a gun!
Pinaputok niya yun sa mukha ko at nadaplisan ako sa may pisngi.
Syet! Mukha ko!
Hinugot ko ang saksak sa leeg niya at inihagis ang dagger sa may kamay niya na naging dahilan kaya nabatiwan niya ang baril.
Mula sa bulsa ko ay naglabas ako ng maliit na blade at sinugatan siya sa noo niya.
Ang blade na yun ang may gamot na pampatulog. We could use this guy for interrogation.
Tinanggal ko ang maskara niya at ikinagulat ko ang nakita ko. Siya si Keith. Nag-aaral siya sa QU at varsity 'to a? Ito yung lalaking binara ni Aga sa canteen.
Hinila ko ang katawan niya papasok ng hideout at tinalian ng tela ang sugat niya sa leeg. Mahirap na, baka di 'to umabot mamaya.
Bukod doon, tinali ko ang kamay at paa niya para di makatakas. Nang masiguro kong mahigpit, ininspeksyon ko ang laman ng bag niya.
Bumungad sa'kin ang isang papel. Nang buksan ko ito, dali-dali ko ng tinignan ang iba pang laman ng bag.
Fuck! Bomba! Tinignan ko ang timer at mas lalo akong nagulat ng malamang 20 seconds na lang ang natitira. Holy shit!
Nilingon ko ang bihag at ng icheck ko ang pulso niya, hindi na siya humihinga. Kawawa 'tong gagong 'to.
10 seconds left.
Dali-dali akong lumabas ng hideout. Nang mamataan ko si Logan kinabahan ako para sa pinsan ko.
"Takbo!"
Nagtaka pa ang ekspresyon nitong ugok na 'to. Narinig ko na lang ang malakas na pagsabog at huli kong nakita so Walter, San at Hubert na papunta sa'kin bago ko maipikit ang mga mata ko.
-
Ano kaya yung favor ni Aga kay Logan?
Hihi.
Naaalala niyo pa ba si Keith? Kung di na, refer to Chapter 4: Welcome to Quincy University.
Vote and comment kayo! :)
♡, maricriiiiis
BINABASA MO ANG
Mission: Claim the Mafia Throne
ActionPROLOGUE Ang sabi ni Daddy, "Sakim ang mga tao. Inaabuso nila ang mga mahihina." 'Yan ang tinatak niya sa utak ko. Sabi pa niya, I would inherit his throne if and only if I have proven myself to him- Not as my father but as the Mafia King. I am Ala...