Chapter 8: What a relief!
♕ Alaric Griffith Althea Quincy ♕
Nakakadena ang mga kamay at nakaupo sa gilid ng isang madilim na kwarto ang Tito Peter ko. Mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya at lumuhod para maging magkapantay kami.
"Tito! Who did this to you?"
Nakakaawa tignan si Tito ngayon. Kulay pula na ang damit na suot niya at puro dugo na din ang mukha niya.
"Alam ko yang tingin na yan, Althea." Alam niyang naaawa ako?
Naluluha na ako. Naalala ko noong sinamahan ako ni Tito sa unang gabi ko sa selda nang parusahan ako ni Daddy.
"Sinong gumawa sa'yo nito Tito?" Malumanay at kalamado kong sabi pero umiling lang siya.
Sinong hangal ang mananakit sa'yo, Tito?
"Tito, sorry wala akong nagawa." I mirrored his words that he told me eight years ago.
Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. Kng titignan, para siyang nakayakap sa'kin na di kasama ang kamay dahil nakagapos siya. Bakit nabalikatad ang sitwasyon? (Refer to Chapter 3 sa mga nakalimot)
Naaawa ako sa kanya. Noon, ako ang ganito. Ba't ngayon, siya naman? Sino bang hayop ang may gawa kay Tito nito?
Tila kumilos mag-isa yung utak ko at bigla nalang akong napakanta nga Alphabet Song. Eto kasi yung kinanta niya sa'kin noon para pakalmahin ako. sana gumana din sa kanya.
"A you're adorable, B you're so beautiful, C you're so cute and full of charms.. D you're a darling and E you're exciting, F you're a feather in my arms.."
Umiiyak na siya ngayon sa balikat ko kaya hinimas ko yung likod niya.
Please, tell me. Sinong hayop ang gumawa nito sa'yo? Huminto ako sa pagkanta dahil naluluha na ako.
"Ituloy mo lang yung kanta, princess. Inaantok na ako. Gusto ko ng magpahinga."
Huminto ang pag-ikot ng mundo sa sinabi niya. Bakit ba iba yung pakiramdam ko sa sinsabi niya? Don't tell me—
"Ano ba tanda! Anong inaantok ka diyan?" Tumawa pa ako pero di natago ang lungkot na nararamdaman ko.
Alam kong nagpapaalam na siya. Pero wag! Ayoko, please. Wag muna. Wag kang susuko, please.
Bigla nalang bumigat yung ulo niya sa balikat ko. Kumalas ako sa yakap niya at tinignan ko yung mukha niya. Nakapikit na yung mga mata niya.
Takot. Natatatakot ako na baka iniwan na niya ako. Bumagsak ang unang luha sa mata ko kaya agad ko yung pinunasan gamit ang likod ng kamay ko.
Tinapik-tapik ko yung pisngi niya at niyugyog ko siya pero ayaw pa din niyang gumising.
"TITO PETER! DI KA NA NAKAKATUWA! Gumising ka na please. Please. Di a kita natatalo ng tuluyan sa training diba? Please, wake up. Wake up."
Di pa din siya gumigising. Tuloy-tuloy na ang agos ng luha ko. Sinandal ko siya sa pader at inalog ulit siya.
"Tito naman e! Gumising ka nga!"
Sinigawan ko siya pero wala pa din. I'm begging you, please please. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
BINABASA MO ANG
Mission: Claim the Mafia Throne
ActionPROLOGUE Ang sabi ni Daddy, "Sakim ang mga tao. Inaabuso nila ang mga mahihina." 'Yan ang tinatak niya sa utak ko. Sabi pa niya, I would inherit his throne if and only if I have proven myself to him- Not as my father but as the Mafia King. I am Ala...