23

11.7K 299 2
                                    

"Secretary Gillian!" Tawag nito sa akin, pero tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad.

Hindi ako makapaniwalang nasabi ko iyon nang hindi nauutal. Bigla akong naging proud sa sarili ko dahil nasabi ko iyon kasi sa totoo lang, kinakabahan ako sa paraan ng tingin niya sa'kin. Nanghihina ako sa paraan niya ng pagtitig sa labi ko, pero nasabi ko iyon.

Bakit ba kasi siya ganoon?

Pagbalik ko, nadatnan ko ang magkapatid na nag papanic. Mabilis nilang inaayos ang gamit nila. Napasulyap ako kay Ma'am Nheya na ngayon ay suot na ulit yung suot niya kanina.

"I hate you, Kuya! Dapat sinigurado mo!" Inis na sambit ni Ma'am Nheya kay Zeyo habang inaayos ang buhok niya.

"Bakit? Anong nangyare?" mula sa likod ko ay nagsalita si Sir, gaya ko ay mukhang nagtataka rin ito sa pagmamadali ng magkapatid.

"Ghad! Amoy alak ako!" Tarantang sambit ni Nheya at kinuha ang tooth brush sa bag niya. Naayos na ni Zeyo ang gamit niya kaya siya ang sumagot sa tanong ni Sir.

"Papunta na si lolo sa bahay. Kailangan namin siyang maunahan," sambit ni Zeyo at kinuha ang isang mouthwash. 

Kinatok ni Zeyo si Nheya doon sa pinasukan niya kanina. Tanging pagnood lang sa kanila ang nagawa ko.

"Nheya, faster!" si Zeyo na patuloy sa pagkatok. Hindi ito tumigil sa pag katok hanggang sa sumagot si Ma'am Nheya sa loob.

"Binibilisan ko na nga! Can you shut up, Kuya! Mas lalo akong natataranta!" Sigaw ni Nheya mula sa loob.

Hindi nagtagal ay lumabas na si Nheya at pumasok sa kwartong linabasan nila kanina ni Sir. Pumasok din naman agad si Zeyo, sa tingin ko ay cr iyon. Nalipat ang tingin ko kay Sir nang maupo siya sa sofa, nagawa pa niyang kunin ang baso niya at ininom ang laman.

Napansin nito ang titig ko, kaya tumitig din siya sa akin. Hindi ko maiwasang mamula at mag-iwas ng tingin nang tignan niya ako na para bang tinatanong kung bakit ako nakatingin sa kanya.

"I'm sorry, Gillian. Pasensya ka na talaga. Sinabi mo kanina na ipagdadrive kita pa-uwi sa bahay niyo, pero hindi kita mahahatid sa inyo. I'm sorry. Kailangan namin maunahan si Lolo sa bahay dahil kung hindi, lagot kami. Hindi namin akalain na maaga siyang uuwi," tuloy-tuloy na sambit ni Zeyo sa'kin.

Ngumiti at umiling.

"Hindi mo naman kailangang mag sorry. Ayos lang, magpapasundo na lang ako. By the way, happy birthday," sambit ko naman agad sa kanya.

"Thank you, Gillian. Im sorry talaga," tugon pa nito.

"Bilisan niyo, mauunahan kayo ng lolo niyo kapag ganyan kayo kabagal," napasulyap kami kay Sir nang magsalita siya. Nakapikit na ito at nakasandal sa upuan.

Nang aalis na sila ay natigilan si Nheya. Parang bigla siyang nagdalawang isip na umalis, kita iyon sa mata niya. Tinignan niya ako ng seryoso, sunod ay kay Sir na nakaupo pa rin sa sofa, nakapikit pa rin ito tulad kanina.

"Nheya, Let's go," si Zeyo nang mapansing tumigil sa paglalakad si Nheya. Malalim itong bumuntong hininga bago tumalikod. Nang tuluyan silang umalis ay binuksan ko naman ang phone ko para matawagan na si Yunard para magpasundo.

"Excuse, Sir. 'Yung gamit ko, kukunin ko," mahinang sambit ko habang ang phone ay nasa tenga ko, hinihintay na sagutin ni Yunard ang tawag ko.

Magsasalita sana ulit ako, pero narinig ko na ang boses ni Yunard sa kabilang linya. 

"Gil? Bakit? Pagpapasundo ka na?" bungad ni Yunard.

"Oo sa----Ahh!" Isang hila ang nagpatigil sa akin sa pagsagot kay Yunard sa kabilang linya. Ang hilang iyon ang dahilan kung bakit nasa kandungan na ako ni Sir. 

Nanlalaki ang mara ko sa gulat, pero parang wala lang sa kanya ang ginagawa niya. Nakasandal pa rin ito sa sofa habang nakapikit, gaya pa rin ng posisyon niya kanina, ang pinagkaiba lang ay nakaupo na ako sa kandungan niya.

"Gil, anong nangyare? Ayos ka lang?" Sunod sunod na tanong ni Yunard sa kabilang linya, narinig ko na rin ang pagpanic sa boses niya dahil sa pag-aalala sa biglang pagsigaw ko.

"Huh? A-Ayos lang ako," wala sa sariling sambit ko. Sinubukan kung tanggalin ang kamay niya na nakahawak sa kamay ko, pero masyadong mahigpit iyon.

Napatitig ako sa taong nasa harap ko, lalo na sa adams apple niya. Biglang bumalik sa akin ang ginawa kong pagdila roon noon sa bar. Napapikit ako bago ko sinubukang tumayo, pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Mabilis niyang nilipat ang kamay sa bewang ko.

"Sir," mahinang sambit ko.

Dahil sa sinubukan ko ulit na tumayo ay napa-angat na ang ulo at tingin niya sa akin. Mapungay ang mata niyang nakatitig sa akin. Lumapit din agad ang tingin niya sa hawak kong phone na naibaba ko ng kaunti.

Masama ang titig niya rito na para bang may ginawang masama ang phone ko sa kanya. Kung nakakasira lang ang titig niya, kanina pa sira ang phone ko.

"Patayin mo ang tawag na 'yan," malalim na boses ang ginamit nito habang ang mata ay nasa phone ko pa rin.

"Gillian," pagtawag ni Yunard sa pangalan ko mula sa kabilang linya. Dahil sa lapit naming dalawa at hindi naman gaanong malayo ang phone ko sa kanya ay pareho naming narinig iyon.

Hindi ko sinunod ang gusto niya. Bakit ko naman siya susundin? Sinubukan ko pa ring tumayo, pero hindi ko maipaliwanag ang sarili. Gustong-gusto kong tumayo at umalis sa kandungan niya, pero hindi ko maibigay ang buong lakas ko para tumayo. Nakakapanghina ang paraan ng titig nito at lalong lalo na ang paraan ng paghawak nito sa bewang ko.

Seducing The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon