30

9.4K 202 3
                                    

Gillian's POV

Bago pumasok sa opisina, pumunta muna ako sa bahay nila Yunard. Gusto ko siyang kausapin at gawing malinaw ang lahat. Nakangiti akong sinalubong ng mama niya. Pinapasok niya ako bago niya tinungo ang hagdan para tawagin sa taas si Yunard, siguradong wala itong alam.

May kalakihan ang bahay nila, may second floor. Naupo na lang muna ako sa sofa at hinintay ang pagbaba niya.

"Bababa na siya, Iha. Pakihintay na lang," tumango ako at nagpasalamat kay Tita Jev, ang mama ni Yunard.

Hindi nga nagtagal ay bumaba na siya. Seryoso ang kanyang mukha habang bumababa. Napabuntong hininga ako at hindi na rin ako nag-aksaya pa ng oras, tumayo ako agad at linapitan siya.

"Ano? May ginagawa ako," nabitin ang salitang nais kong sabihin nang maunahan niya ako sa pagsasalita. Tumukhim ako bago ituloy ang sasabihin kanina.

"Mag-usap tayo. 'Yung tungkol sa nakita mo kanina," nakayuko kong sambit sa kanya.

Hindi siya nagsalita kaya napaangat ang tingin ko sa mukha niya.Titig siya sa akin, nang tignan ko siya ay nag-iwas naman siya ng tingin.

Tumalikod siya at umakyat. Mabilis ko siyang sinundan hanggang sa veranda nila sa taas. Naiintindihan ko naman kung bakit ganito siya sa akin.

"Akala ko ba bakla ang boss mo? 'Yun ang alam ng lahat, na ang CEO ng malaking kompanyang iyon ay bakla. Bakit, Gillian? Anong nangyare? Kayo na?" hindi siya humaharap at nakatingin lang sa harap niya.

Napapikit ako.

"M-May dahilan siya. Kailangan niyang magpanggap na bakla kasi may dahilan siya-"

"Paano ka nakapasok sa kompanyang iyon?" seryosong tanong nito dahilan kung bakit hindi ko na tuloy ang nais ko pang sabihin.

Noong sinabi kong magtatrabaho ako sa kompanyang iyon, hindi siya nagtanong kung paano ako nakapasok.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang dahilan. Hindi ko inakala na isa iyon sa itatanong niya. Muli ay huminga ako ng malalim para magkalakas loob sa susunod na sasabihin sa kanya.

"Sasabihin ko. Sasabihin ko, pero mangako kang huwag mong sasabihin kahit kanino," wala akong narinig na salita niya kaya nagpatuloy ako. Kung sino man ang pwede kung pagkatiwalaan at nasasabihan ko ng problema, si Yunard iyon. He is my bestfriend, my only bestfriend.

Kung kailangan kong sabihin ang dahilan kung bakit ako napunta sa kompanyang iyon, gagawin ko dahil may tiwala ako sa kanya.

"Si madam Anastasia, ang ina ng boss ko ang nagpasok sa akin sa kompanya. She want me-" napatigil ako. Ayokong husgahan niya ako pag sinabi ko ang dahilan.

Kahit saan tignan, alam ko, alam ko na para na akong bayaran sa bar sa pagtanggap ko sa offer ni Madam Anastasia, pero alam kong kalaunan ay maiintindihan niya rin ako.

"Ano, Gillian?" hindi pa rin siya humaharap.

Humigpit ang kapit ko sa bag ko, saka muling nagsalita.

"Gusto niyang akitin ko ang anak niya. Gusto niyang gawin kong totoong lalake ang anak niya, kapalit ang halagang kailangan ko para maipaopera noon si Zaji. Galing sa kanya 'yung perang pinag-opera kay Zaji."

Humarap na siya at nakitaan ko ng sakit at gulat ang mata niya.

"Ano? Anong sabi mo? Pumayag ka sa ganoon, Gillian! King-ina, Gil!" Galit nitong sambit. Matapang ko siyang tinignan.

"Sa tingin mo pag hindi ko iyon tinanggap maooperahan ang kapatid ko? Hindi, Yunard. Gagawin ko lahat para sa kanila. Kailangan kong gawin lahat! Saka..." napapikit ako bago ituloy ang sasabihin. "Saka aalis rin naman ako roon."

"Kung ganoon bakit nasa kompanyang iyon ka pa rin? Pwedeng pwede ka ng umalis doon kasi hindi naman bakla ang king-inang lalakeng iyon!" ramdam na ramdam ko na ang galit niya ngayong alam na niya ang totoo.

"H-Hindi ko pa nasasabi kay Madam anastasia," mahinabg sambit ko.

"Edi sabihin mo. Hindi siya bakla, Gil. Bakit hindi mo pa rin sinasabi? Makakalaya ka na sa trabahong yan, pero bakit nandiyan ka pa rin?!"

"Kasi may dahilan siya, ayoko siyang pangunahan sa pagsasabi sa ina niya!"

Natigilan siya at napatitig sa akin, para bang may tinitignang sagot sa mukha ko.

"Please," rinig na rinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya. "Pease sabihin mo mali ang iniisip ko noong makita ko kayo. W-Walang namamagitan sa inyo diba?" umawang ang labi ko nang marinig ang pagkabasag ng boses niya.

Seducing The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon