39

3.5K 89 6
                                    

 

"Ayos ka lang ba, Anak? Namumutla ka." Si Papa na nakaupo sa sofa.

 

"Ayos lang, Pa," sambit ko at dumeretso sa kusina upang uminom.

 

Alam ni Papa na natanggal na ako sa trabaho, pero hindi niya alam ang pinagbubuntis ko. Oo, sigurado na akong buntis ako dahil sa araw na rin na iyon ay sinamahan ako ni Dexie sa hospital. Gusto niya raw na mas masigurado ang pagbubuntis ko.

 

Ilang ulit na rin akong pumunta para kausapin si Sir, ngunit palagi akong bigo. Ilang ulit akong naghintay sa labas para hintayin ang pagbaba niya para makausap siya. Ngayon kahit na masama ang pakiramdam ko, gusto ko pa rin pumunta para subukang kausapin siya ulit.

 

"Ate, aalis ka?" Napasulyap ako kay Nika na pumasok sa kusina.

 

"Oo, eh. May kailangan lang akong gawin. Bantayan mo muna si Zaji," nanghihinang sambit ko. Napapikit ako at muli na lang uminom ng tubig.

 

Nakasimangot na lumapit sa akin Nika at niyakap ako. "Ate, magpahinga ka muna. Huwag ka munang lumabas ngayon. Namumutla ka, oh," sambit pa niya kaya napabuntong hininga ako.

 

Siguro kung wala sila ay sumuko na ako. Buntis ako at hindi ko alam kung kakayanin ko ba ang bagay na 'to, pero dahil sa pamilya ko kahit kaunti gumagaan ang pakiramdam ko.

 

"Nika, ayos lang ako. Saka wala akong trabaho ngayon kaya bakit ko kailangang magpahinga?" sambit ko.

 

"Pero, Ate--"

 

"Ayos lang ako," sambit ko sabay ngiti para ipakita sa kanya na ayos lang talaga ako.

 

Hindi rin alam ni Yunard na buntis ako. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin, saka gusto kong si Sir muna ang unang makaalam. Pero, Gillian, paano? Hindi ka na nga niya matignan sa subrang galit niya sayo, kaya paano pa kaya ang kausapin ka?

 

"Nasaan ka nanaman, Gil? Nandiyan ka nanaman para kausapin ang lalakeng iyon? Hindi ka ba napapagod?" naramdaman ko ang inis sa boses ni Yunard nang sagutin ko ang tawag niya.

 

Kanina pa ako sa labas ng kompanya, gustuhin ko mang pumasok, hindi na pwede. Sinabi ni Sir sa guard na huwag akong papapasukin kaya talagang hindi na ako makakapasok roon.

 

Bakit ba hindi niya ako kayang pakinggan? Kahit pakinggan na lang at huwag maniwala. Basta masabi ko lang sana ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya.

 

Napahawak ako sa tiyan ko na hindi pa halata. Hindi pa rin ako makapaniwala na totoo ngang buntis ako, na magkakaanak na ako, parang kailan lang ay ang pang-araw-araw naming pamumuhay ang iniisip ko.

 

Nangilid ang luha ko habang iniisip na ako lang ang magpapalaki sa kanya at ako lang ang kikilalanin niyang magulang.

 

Mabilis ang pagtayo ko nang makita si Sir na palabas na ngayon.

 

"Palabas na si Sir," sambit ko kay Yunard. Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya mabilis ko na lang pinatay ang tawag.

 

"Sir," tawag ko ngunit kahit sulyap ay hindi niya ginawa.

 

"Make it two, Secretary Cardo," rinig kong sambit niya

 

Hahawakan ko sana ang kamay niya nang humarang ang dati nitong secretary, na ngayon ay secretary niya ulit.

 

"Sorry, Miss Gillian, bawal kang lumapit," sambit ni Secretary Cardo.

 

Tinignan ko si Secretary Cardo bago sumulyap kay Sir. Papasok na sana si Sir nang tawagin ko siya.

 

"Zachary, please. Ang gusto ko lang naman ay pakinggan mo 'ko," sambit ko ngunit tuloy tuloy lang ito sa pagpasok sa kotse na animo'y walang narinig.

 

Muli ay hindi ko nanaman siya nakausap. Ang tanging nagawa ko ay sundan ng tingin ang sasakyan niya na ngayon ay paalis na. Minsan gusto ko na lang sumuko, pero dahil alam kung may karapatan siyang malaman na buntis ako at sabihin ang totoong dahilan kung bakit nakipagkasunduan ako sa ina niya, susubukan ko pa rin. Kahit ilang beses niya akong ipagtabuyan, gusto ko pa ring subukan.

 

"Look who's here, Tita," napapikit ako, pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko bago humarap sa taong iyon.

 

"What are you doing here?" Si Madam Anastasia habang ang noo ay nakakunot at kitang kita ko kung gaano siya ka irita habang nakatingin sa akin.

 

"Madam, gusto ko lang kausapin ang anak--"

 

"What's wrong with you? Bakit parang hindi ka na makaintindi? Hindi ba sinabihan na kita na layuan ang anak ko? Na lumayo ka na sa buhay niya? Your job was already done! Do you need money again? Ilan? Magkano?" Sabay tawa pa niya pagkatapos ng mga tanong na iyon.

 

Nanliliit na ako sa sarili ko. Tinanggap ko ang perang iyon, hindi dahil sa gusto ko, tinanggap ko iyon dahil kailangan namin para maoperahan ang kapatid ko. Bakit parang ang sama-sama ko at pinapalabas na nila na mukhang pera ako? Sa lahat ng tao, siya ang nakakaalam kung bakit ko tinanggap ang trabahong inalok niya.

 

"Relax, Tita. Hindi mo kailangan ma stress dahil sa babaeng bayaran na ito," lumapit sa akin si Mandy at tinignan ako mula ulo hanggang paa.

 

"Hindi po ako nandito para maghanap ng gulo. Aalis na po ako," mabilis na sambit ko at tatalikod na sana, pero bago pa ako makatalikod, hinila niya ang braso ko.

 

"Hindi ko alam kung anong pinakain mo kay Zachary kung bakit nagkaganon siya, pero wala naman na akong pakealam doon. Tinulak ka na ni Zachary kaya ko na iisipin ang tungkol doon. Ngayon, lumayas ka na sa buhay ni Zachary. And what the hell are you talking about? Hindi ka nandito para maghanap ng gulo? Sa pagpunta mo pa lang dito ay gulo na!" Mula sa mahina, naging malakas ang boses niya.

 

Napapikit ako nang bigla niya akong bitawan at itulak. Hindi ako nakapagbalance dahil sa gulat. Nahigit ko ang hininga ko at napahawak sa tiyan, mabuti na lang at may umalalay sakin mula sa likod.

 

Seducing The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon