33

7.4K 149 3
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdamang parang lumututang ako at parang may bumubuhat sa akin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Napait akong napangiti nang nakita ang mukha ni Sir.


"Zachary," wala sa sarili kong sambit. Kunot noo siyang sumulyap sa akin. Itinaas ko ang kamay ko para hawakan ang mukha niya. "Nananaginip ako," natatawa kong sambit.


Hinawakan ko ang ilong niya at ibinaba sa labi. "Panaginip, panaginip, panaginip," tuloy tuloy na sambit ko at pilit na minumulat ang mata.


"I don't know where's your address, so dito ka muna sa condo ko," nagising ang diwa ko at nanlaki ang mata ko nang magsalita siya kasabay nang paglapag sa akin sa kama. 

Dahil sa gulat na mapagtantong siya nga talaga iyon at hindi ako nananaginip, pansamantalang nawala ang sakit ng ulo ko dulot ng pag-inom ng alak.

"S-Sir?" gulat na tanong ko. Inis niya lang akong tinignan at tumalikod. Mabilis akong bumangon, pero napaupo ulit nang makaramdam ng hilo.

"Sige, inom pa! Why are you with Dexie! She's a bad influence!" inis na sambit niya.

"A-Asan si Ma'am Dexie?" naguguluhang tanong ko saka tama bang sabihan niya ang kapatid niya ng bad influence?

"Nasa sala siya tulog na," nanlaki ang mata ko.

"Bakit siya sa sofa?" 

Muli ay inis siyang tumingin. "Can you please stop asking about that spoiled brat? Bakit ka sumama sa kanya!? You even have the guts to dance with another man! Really, Secretary Gillian?" Inis na sambit niya.

Dahil sa sinabi niya ay unti unting pumasok sa isip ko ang pinag-gagagawa ko kanina, lalo na sa huling pag-uusap namin ni Ma'am Dexie. Hindi ko alam ang gagawin ko kung maalala niya ang sinabi ko sa kanya. Siguro naman hindi niya iyon maaalala. Napapikit ako, sana nga.

"Paano mo nalaman?" tanong ko tungkol sa pagsayaw ko sa ibang lalake.

Hinagis niya sa kama ang cellphone nito na ngayon ay may nag paplay na video. Kinuha ko iyon at nakita kong 2 hour ago iyon na live sa social media at hindi nagtagal ay nahagip ako ng video.

Bumuntong hininga ako at ibinaba ang phone niya sa kama.

"Aalis na ako, asan ang gamit ko?" sambit ko at tumayo. Nahihilo pa ako ngunit hindi na tulad kanina.

"What? No!" nagulat ako nang unahan niya ako sa pinto. Kunot noo ko siyang tinignan. "I mean..." tumikhim ito bago magpatuloy. "Anong oras na magpalipas kana muna rito," napasulyap ako sa relo ko at nakitang ala una na.

"Hindi pwede," sambit ko. Paniguradong nag-aalala nanaman si Papa, pero napapikit ako nang maalalang nakainom ako. Napahawak ako sa ulo ko at inis na napapikit ulit. Baka maamoy niya ako at mas lumala nanaman ang tampo niya.

"Asan 'yung gamit ko, Sir?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kanya. Bumuntong hininga siya at sinabing nasa labas.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Ma'am Dexie na nakahiga sa sofa at tulog. Malaki naman ang sofa, pero alam kung hindi iyon kumportable.

Imbes na lumapit sa bag ko na nasa pang-isahang sofa ay lumapit ako kay Ma'am Dexie.

"Ma'am, sa kwarto na po kayo," sambit ko

"What? Secretary Gillian, sanay yan na diyan natutulog kapag pumupunta rito," inis ko siyang tinignan.

"Anong klase kang kapatid!" inis na bulyaw ko.

 Hindi ko alam kung magugustuhan ko ba ang impluwensya ng alak, tuwing nakakainom ako ay tumatapang ako at hindi ko matigil ang sarili na bulyawan siya.

Hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin. Umayos ako ng tayo at tinignan siya ng masama.

"Saka bakit ka nandito? Diba dapat kasama mo 'yung Mandy na 'yun! Bumalik ka na roon sa Mandy mo, baka bigla ka nanamang magmadali pag tumawag siya! Ako na bahala sa kapatid mo, huwag ka mag-alala walang mawawala dito, Sir," tuloy tuloy na sambit ko, kasunod nang pag-iinit ng mata ko.

Bago pa tumulo ang mata ko ay tumalikod na ako at humarap kay Ma'am Dexie. Pinunasan ko ang tumulong luha at huminga ng malalim para pigilan pa ang nagbabadyang tumulo.

Naalala ko nanaman 'yung kwento ni Ma'am Dexie. Siya 'yung dahilan kung bakit siya nagpanggap na bakla. Kung nakaya niyang gawin iyon, talaga ngang mahal niya nang subra ang babaeng nagngangalang Mandy.

"Gillian," tawag nito ngunit ang tono ay seryoso na. Hindi ko siya pinansin at ginising si Ma'am Dexie para lumipat sa kwarto.

"Gillian, lets talk," hinigit niya ang kamay ko at hinarap sa kanya. Seryoso ang titig niyang nakatingin sa akin, buti na lang at nacontrol ko pa ang luha para hindi tuluyang pumatak.

"Don't worry, Sir. Didistansya ako kasi 'yun yung dapat. Let's just forget what happen in tagaytay." sambit ko at tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa akin.

Magsasalita sana siya nang biglang maupo si Ma'am Dexie habang humihikab.

"Bakit ba ang ingay niyo!" inis na bulyaw ni Ma'am Dexie at tinignan kami ng masama, hindi nagtagal ay nanlaki ang mata niya. "K-Kuya?" gulat na sambit nita at mabilis na tumayo, ngunit mabilis ko siyang inaalalayan nang mahilo siya, dumaing ito habang hawak ang ulo.

"Sa kwarto na kayo," tipid na sambit ni Sir bago kami linipasan at pumunta sa kusina.

"Nangyare ro'n?" Takang tanong ni Ma'am Dexie at sinundan ng tingin si Sir. Halos mapatalon ako nang bigla siyang sumigaw. "Waahhh ang sakit ng ulo ko!" sinabunotan pa niya ang sarili habang dumadaing.

Bumuntong hininga ako bago lumapit na lang sa bag ko at kinuha ang phone. Tanging text message na lang ang ginawa ko para mag paalam na hindi ako uuwi, alam kung huli na ang pagpapaalam dahil anong oras na, pero ayokong umuwi na ganito.

Seducing The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon