36

7.5K 160 0
                                    


Napangiti ako nang makita ko si Sir na lumabas sa kotse niya, may hawak itong phone at may kausap. Oo, napapayag niya ako na sa kanya sumabay.

Nagcommute pa ako papunta sa mall, hindi pwede na sa mismong bahay niya ako sunduin kaya naisip ko na sabihing may bibilhin pa ako sa mall kaya roon na lang niya ako sunduin.

Unti-unting bumagal ang paglakad ko nang matanaw si Ma'am Mandy na nasa loob ng sasakyan ni Sir.

Sasama siya?

Hindi ko alam kung tutuloy pa ako sa kotse niya, pero natanaw na niya ako kaya wala akong nagawa kundi maglakad ng mabagal papalapit sa kotse niya. Saka kapag hindi ako sumabay sa kanila, wala naman akong sasakyan, pwedeng commute, pero mamamahalan ako sa pamasahe.

Kung alam ko lang na kasama pala si Ma'am Mandy ay pumayag na ako kay Yunard nang sabihin niyang magsabay na kami.

Nasa front seat si Ma'am Mandy kaya sigurado na ako na sa likod ako. Bigla akong nainis nang makita ko ang ngiti niya habang lumalapit sa akin.

Anong nguningiti-ngiti niya!

"Sasama raw si Mandy, pati rin si Dexie," saka ko lang napansin si Ma'am Dexie na nasa likod nang binuksan na niya ang pinto.

"Hello, Secretary Gillian," sambit niya nang nakangiti sabay kaway.

"Ma'am Dexie, hello po," sambit ko nang makapasok na ako sa loob.

"Haist!!! How many times do I have to tell you na I'm not a teacher! Drop the Ma'am!" sabay irap nito sa akin.

Alanganin akong tumango at ngumuso, nagtama ang mata namin ni Sir nang pumasok siya, ngunit naputol iyon nang magsalita si Ma'am Mandy sa harap.

"Where's your boyfriend, Secretary Gillian? Nagtataka ako bakit kayo ang magsasabay. Hindi naman trabaho ang pupuntahan na'tin, so no need na magkasama kayong pumunta," sambit ni Ma'am Mindy habang nakatitig sa akin sa front mirror.

"Ako ang nagsabi na sumabay na siya sa'kin, and I already said to you that that man is not my secretary's boyfriend." Kunod noong sambit ni Sir habang pinapaandar ang kotse.

"Oh come on, Zachary, paano ka nakakasiguro na that guy is not her boyfriend? Did you already forget? We saw them kissing."

Hindi ko alam, pero parang narinig ko sa boses ni Ma'am Mandy and pagka-irita.

"Believe me, Mandy. He's not Gillian's boyfriend," napasulyap ako kay Sir nang sumeryoso ang tinig nito.

"Can you please shut up na lang, Mandy? They know each other very well. Sinabi na nga ni Kuya. Epal!" sabay irap ni Dexie.

"Dexie!" Si Sir na parang hindi nagustuhan ang huling sinabi ni Dexie.

"What? Ipagtatanggol mo nanaman? Napaka pakialamera naman kasi, ano bang pake niya kung sumabay si Secretary Gillian?"

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pipigilan ko ba siya sa pagsasalita o hahayaan na lang at baka mapangalanan ding pakialamera. Naramdaman ko ang inis sa boses ni Dexie.

"I'm just curious, Dexie," sagot naman ni Ma'am Mandy na ngayon ay nakaharap na sa pwesto namin.

"Then stop your curiosity, believe me that curiosity you have can kill you emotionally,"

Buti na lang at natahimik rin silang dalawa. Kaya lang kahit tahimik, ramdam ko ang tensyon sa loob ng kotse, hindi tuloy ako makagalaw ng maayos, parang nakakatakot na rin ang huminga at makagawa ng kaunting ingay.

Napasulyap ako sa hand bag ko nang mag vibrate ito. Gumalaw si Dexie na ngayon ay tulog na, naramdaman niya siguro ang pagvibrate kaya dahan dahan ko na lang binuksan ang bag ko at kinuha ang phone para hindi tuluyang magising si Dixie. Pagtingin ko ay pangalan ni Yunard ang nandoon.

"Yunard?" kahit mahina na ang tinig na ginamit ko, napasulyap pa rin si Sir sa akin gamit ang front mirror, kumunot ang noo nito at napasimangot.

"Asan na kayo? Nandito na kaming lahat, kayo na lang ang wala," sambit niya.

Si Yunard kasi ang sinundan ng company van papunta sa napiling lugar. Dalawang araw kami roon at buti na lang napakiusapan ni Yunard ang mama niya na tignan sila papa sa bahay kapag may extrang oras siya.

Hindi naman na kasi naiiba si Tita kila Papa kaya pumayag ito.

Seducing The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon