32.1

8.9K 249 43
                                    

"Halika, samahan mo ko. Uminom tayo, bilis!" Sinubukan kong humindi, pero naisip ko na kapag hinayaan ko siya ay baka may masamang mangyare sa kanya. Wala akong nagawa nang hilahin niya ako papasok sa isang bar sa gilid. Pagpasok na pagpasok pa lang ay rinig na ang malakas na tugtog at nakakahilong ilaw.








"Ma'am, gabi na, kailangan mo nang umuwi," malakas na sambit ko para marinig niya.











"Don't call me ma'am nga! I'm not teacher! Call me by my name," sambit nito at naupo sa malapit sa bartender.








"What's yours, Miss?" tanong sa akin ng bartender, pero umiling lang ako.








"Don't be KJ! Give him a black label," sinunod ng bartender ang utos ni Ma'am Dexie. Wala akong nagawa kundi inumin iyon nang tignan ako ng masama ni Ma'am Dexie.








Ang isang basong iyon ay nasundan ng dalawa at tatlo. Dahil sa marami na rin akong nainom hindi ko na rin namalayan ang sarili na makisama kila ma'am Dexie sa pagsayaw. Parang may masamang espirito ang sumapi sa akin habang sumasabay sa pag-sayaw.











"Woah!" sigaw ni Ma'am Dexie sabay giling. "Come on, Secretary Gillian! Find a man!" sigaw sa akin ni Ma'am Dexie.








Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa kung saan. Hindi ko na nga rin napansin na may pinapakilala siya sa akin, saka ko lang napansin nang kamayan ako ng lalakeng ipinakilala niya.











We dance, nakipagsayaw ako kahit na alam kong pagsisihan ko iyon pagnaalala ko kinabukasan. Para akong nakawala sa kweba. Isinabay ko lang ang katawan sa malakas na tugtog.











Nang mapagod ay sabay rin kaming naupo. Naging malumanay na rin kasi ang tugtog, hindi tulad kanina na subrang hyper.








"Saan ba ako pupunta ngayon? Ayaw ko pang umuwi!" inis na sambit ni Ma'am Dexie habang inuuntog ang ulo sa lamesa.








"Bakit po ba ayaw mong umuwi?" namumungay ang matang tanong ko.











"'Yung ex-fiance ni Kuya na dahilan kung bakit kailangan niyang itago ang tunay na siya! Halika rito, may ibubulong ako, huwag mong sasabihin na ako nagsabi ah," sabay tawa nito. Lumapit ako at pinakinggan ang sasabihin, pero akala ko ibubulong niya, nanlaki ang mata ko at napalayo nang malakas na boses ang ginamit niya.











"My brother is not a gay. Ghad yung gwapong iyon, bakla? Aba ang tanga nilang lahat kasi naniwala sila!" biglang huminahon ang expression niya at tumitig sa baso sa harap niya. "Sa subrang pagmamahal niya sa babaeng iyon, nagpanggap siya na bakla. Dapat kasal na sila ngayon, eh, siguro may anak na rin," tipid siyang ngumiti at sumulyap sa akin.








"Pero 'yung bruhang Mandy na 'yun! Para hindi matuloy ang kasal niya at para matuloy ang pagpunta niya sa Paris para sa kasikatan na gusto niya, nakiusap siya kay Kuya na gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal, eh king ina siya! Mahal na mahal siya ni Kuya! Ayaw suwayin ni Mandy ang ama niya, kaya si kuya ang ipinasubo niya."











Napatitig na rin ako sa baso sa harapan ko. Lasing ako, pero naiintindihan ko ang sinasabi niya at nasasaktan ako. Anong laban ko ron?








"Hindi kayang sabihin ni Kuya sa pamilya na hindi niya mahal si Mandy, pero kailangan hindi matuloy ang kasal kasi iyon ang gusto ng bruhang iyon, kaya naisipan na lang ni Kuya na ipalabas na bakla siya, para maging malaya na si Mandy sa pagpunta sa Paris," mapait itong ngumiti at linagok ang alak sa baso niya.





"Saksi ako sa sakit na naradaman ni Kuya noong panahong iyon. Mandy is her girlfriend bago sila ipagkasundo ng parents namin, subrang mahal niya ang bruhang iyon. Kuya is very happy kasi magpapakasal na sila, pero makasarili ang babaeng iyon! I hate her to hurting my brother na walang ginawa kundi mahalin siya. Sunod-sunuran ang kuya ko sa kanya!"





Doon na tumulo ang luha ko. Maling mali ang mga ginawa ko. Ngayong bumalik na ang babaeng mahal niya, mukhang kailangan ko na talagang umalis, kasi kung hindi pa ako aalis, madudurog lang ako. Tinakpan ko ang mukha ko nang magpakawala ako ng hikbi.











"T-Teka! Are you crying?" Takang tanong niya. "Ako ang dapat umiyak kasi nasasaktan ako for Kuya, bakit bigla kang umiiyak jan!" tarantang sambit ni Ma'am Dexie.











Mapait akong ngumiti.








"May secret rin ako, Ma'am, gusto mo marinig?" nakangiti kong sambit, pero ang luha ay tumutulo pa rin.











"What is it? I told you, don't call me ma'am!" sabay irap nito.








"Binayaran ako ng mama mo to seduce your brother," nanlaki ang mata niya.











"W-What?" napatakip ako sa mata ko nang matuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko.











"Nakakatawa diba? Pero kasi kailangan ko ng pera noong mga sandaling iyon. Kailangang maopera ang kapatid ko kaya kahit kahibangan ay tinanggap ko. Oo at matatawag na akong bayaran, pero para sa kapatid ko yun!" napahagulgol ako at ipinatong ang ulo sa lamesa.











"Kakatapos lang akong kausapin ng mama mo, kanina lang iyon at alam mo po ang sinabi niya? Tumigil ka na. Tumigil na raw ako sa pang-aakit sa anak niya kasi dumarating na ang fiance niya, p-pero- " napapikit ako ang mabasag ang boses ko. "Paano ako titigil? Paano ako titigil kong mahal ko na siya? Kung mahal ko na ang Kuya mo? Ma'am, paano?"

Seducing The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon