25.1

10.9K 261 5
                                    

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit malamig ang tugon ni Mr. Solomon sa kanya. Parang may malaking kasalanang nagawa si Sir. 

Tinignan ko ang oras, gabi na at alam kung hinihintay na ako ni Papa. Pwede na akong umalis at umuwi, pero hindi ko alam kung bakit parang ayaw ko pang iwan siya, lalo na at ganito siya.

Umayos siya nang upo nang mapansin ang pagtingin ko sa relo ko.

"Hatid na kita," sambit nito.

"Huwag muna, Sir. Samahan mo na lang muna ako.... kung ayos lang," hindi ko siya kayang tignan kaya umiwas ako. 

Naramdam ko ang pagharap nito sa akin.

"Where?"
 

****

Nauna akong lumabas pagkapark ni Sir. Napangiti ako nang masulyapan ang isang burol, sa tagaytay. Dito nagkakilala si Mama at Papa, simula noong dinala ako noon dito ni Mama, dito na ako pumupunta kapag gusto kung mapag-isa at mag-isip.

Dahil gabi na, kitang kita ang liwanag ng mga ilaw sa mga bahay at buildings sa malayo. Hindi na ako gaanong nakakapunta dito dahil malayo, ngayon na lang ulit. Wala naman akong sariling sasakyan para pumunta nang madalas dito.

"This is a private property, Secretary Gillian," sumulyap ako sa kanya at nakita kong nakaturo siya sa isang karatula.

"Alam ko, huwag ka mag-aalala, Sir, hindi tayo mahuhuli," sambit ko at lumapit sa kanya.
 

Natigilan siya nang hinawakan ko ang kamay niya at hinila. Lumapit ako sa harap ng kotse.

"Sir, pwede maupo?" sabay turo ko sa harap ng kotse, wala kasi kaming mauupuang iba. Hindi siya nagsalita, nagulat na lang ako at napayakap sa batok niya nang buhatin niya ako para maiupo sa harap. 

Nanlalaki ang mata ko habang nakatitig sa kanya. Nang maiupo ako ay tumitig din siya sa akin, nanatili ang kamay niya sa likod ko, ganoon din ang kamay ko sa batok niya. Parang biglang tumigil ang oras, tanging ang malakas na pintig ng puso ko lang ang naririnig ko, baka nga naririnig na rin niya sa lakas.
 

Nang matauhan ay mabilis kung kinalas ang kamay sa batok niya, nag iwas agad ako ng tingin at tumingin sa harapan. Narinig ko ang tawa niya at naupo rin sa tabi ko.

Ilang minutong walang nagsalita sa amin, kaya napasulyap ako sa kanya. Nakatitig rin siya sa harap at pinapanood ang payapang bayan.

Napasulyap siya sa akin nang kunin ko ang phone. Binuksan ko iyon at humanap ng kanta. Napangiti ako nang tumugtog na ito.

"Sumigaw ka na, Sir," napasulyap siya sa akin at kumunot ang noo.

"What are you talking about?" takang tanong nito.

Tumingin ako sa harap bago magsalita. "Pumupunta ako rito pag gusto kung mag-isip at mapag-isa. Alam mo kung ano pang ginagawa ko dito, Sir?" muli akong sumulyap.
 

Nakatitig ito sa akin at hindi nagsalita, hinihintay lang ang sunod na sasabihin ko.

"Sumisigaw ako. Wala akong magpagsabihin kung gaano na ako nahihirapan kaya sumisigaw ako dito. Subukan mo, Sir," ngumiti ako bago magsalita ulit. "Hindi ako sanay na hindi ka okay. 'Yung kilala kong boss ko is masungit, 'yung kanina iba, hindi ikaw iyon," deretsong sambit ko.

Akala ko hindi niya gagawin ang sinabi ko, nagulat ako ng bumaba siya at inilagay ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ng labi niya at biglang sumigaw.

Mas lalo akong nagulat sa sinigaw niya.

 
"HINDI AKO BAKLA!!" hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya habang sumisigaw. Inulit pa niya iyon hanggang sa nakangiti na siya ngayong nakatingin sa akin.

"Hindi ako bakla," sambit niya ulit bago maupo ulit sa tabi ko.

Muling namayani ang katahimikan, ngunit sa sandaling iyon.... siya na ang bumasag sa katahimikan.

Gusto kong magtanong kung bakit kailangan niyang ilihim ang tunay na siya, pero hindi ko magawa.

"I want to tell everyone that I'm not gay, but I'm thinking of that person ...ang taong dahilan kung bakit ko iyon ginawa, the person who's important to me. Every time I try to tell everyone that I'm not gay, umuurong ang dila ko.... at dahil iyon sa kanya," sambit nito habang nakatitig sa harapan namin.

Nakatingin lang ako sa kanya. Para bang narinig niya ang tanong sa isip ko.

"Dahil sa isang taong mahalaga sayo?" wala sa sarili kong tanong. "Yung anak ni Mr. Solomon?:

Sumulyap siya sa akin bago humiga, inunan niya ang dalawang kamay habang nakatingin na ngayon sa langit.

"Let's not talk about it," tumango na lang ako sa sinabi niya, ayaw ko siyang pilitin na sabihin iyon.

Sinubukan kung mahiga rin, pero hindi ko magawa dahil baka masilipan ako. Napasimangot ako at naupo na lang. Napasulyap na lang ako kay Sir nang maupo siya. Pinanood ko ang pagtanggal nito ng suot na coat at walang sabi-sabing ipinatong sa hita ko.

"Humiga ka na," tipid na sambit niya at bumalik sa pagkakahiga.

Ginawa kung unan ang bag ko at nahiga sa tabi niya. Sabay naming pinagmasdan ang nagkikislapang bituwin. Itinaas ko ang kamay ko, na para bang abot ko ang langit, napangiti ako habang napakagat ako sa labi ko. 

Nakakagaan ng pakiramdam. Sa simpleng pagpunta dito nakakaramdam ako ng kaginhawaan.

Nawala ang ngiti ko nang abutin niya ang kamay ko, napasulyap ako sa kamay ko na hawak niya bago ako sumulyap sa kanya, pero sa pagsulyap ko sa kanya ay isang halik ang sumalubong sa akin.

Seducing The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon