30.1

10.2K 199 17
                                    

"Mahal na mahal kita at alam kong ramdam mo iyon. Alam kong hindi ka manhid. Hindi ko nagawang subukan na ligawan ka kasi alam ko na mas importante sa ngayon ang pamilya mo, na mas uunahin mo sila sa kahit anong bagay. Gillian, walang kayo hindi ba?" dugtong nito.

Matagal bago ako makasagot. Humigpit ang kapit ko sa bag ko at lihim na napapikit.

"W-Wala. Walang kami, Yunard," sunod na naramdaman ko ay ang yakap niya. "Please, huwag mong sasabihin sa iba, lalo na kay Papa. Please, Yunard," pagmamakaawa ko. 

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nalaman ni papa. Napatitig siya sakin at nakita ko ang pagdadalawang isip niya. Napapikit ito at pagod na sumulyap sa'kin.

"Susubukan ko, pero hindi ko ipapangako," nakahinga ako ng maluwag. Kuntento na ako sa sagot niya sa ngayon.

***

Dahil nag half day ako, mas inagahan ko ang pasok, nagulat ako nang makitang nakabukas lahat ang blind at kitang kita ko si Sir na nakaupo sa upuan niya. 

Wala pang isang segundo ay umangat na ang ulo niya at nagtama na ang mata namin, mabilis kong iniwas ang tingin at dumeretso sa mesa ko. Pagkaupo ko pa lang ay tumunog na ang Intercom. 

"Pasok ka," 'yun ang narinig ko galing sa intercom. Bumuntong hininga ako at tumayo.

"Ano 'yun, Sir?" tanong ko nang hindi tumitingin.

"Contact Mr. Selcedo. Mag-sorry ka dahil hindi natuloy ang meeting kaninang umaga and re-schedule it," tumango ako.

"Opo, Sir, tatawagan ko agad si Mr. Selcedo," sambit ko nang hindi tumitingin.

"Secretary Gillian," tawag niya ulit.

"Ano pa, Sir?" inabala ko ang sarili na tignan na lamang ang paa ko. Hindi ko siya magawang tignan, nahihiya ako lalo na sa ginawa kong paghalik kanina bago kami umalis.

Ngayon ka pa talaga nahiya, Gillian? Nahihiya ka kahit na binigay mo na ang buong sarili mo sa kanya?  Nakagat ko ang labi nang maalala ang naging usapan namin ni Yunard. Sinabi ko na walang namamagitan sa'min, totoo 'yun, pero may nangyare na sa'min ng boss ko.

"Is that how you talk to your boss? Eyes on me, Baby," sambit nito. Dahan dahan kong inangat ang ulo ko sa kanya. Napanguso ako nang makita ko ang titig nito sa akin habang nakasandal sa upuan niya. 

"Now, close the blind," sabay baling niya sa mga nakataas na blind. 

Huh?

"B-Bakit po?" lihim kong kinurot ang sarili ko. Anong klaseng tanong 'yan, Gillian! 

Hindi siya nagsalita, tumayo siya at siya na ang lumapit sa glass wall, isang hila lang ay naibaba na niya ang blind.

"T-Tatawagan ko na po si Mr. Selcedo, Sir," sambit ko habang nag-iiwas ng tingin.

Asan ang tapang mo, Gillian! Hindi pa ako nakakarating sa pinto ay nasa harap ko na siya. Nailagay ko kaagad ang kamay sa dibdib niya nang hinawakan niya at hinila niya ang bewang ko.

"Not so fast, baby," nakangiti nito tanong.

"S-Sir, nasa trabaho tayo," sinubukan ko siyang itulak, pero naging haplos iyon nang halikan niya ang gilid ng labi ko.

"Isa lang," bulong nito at hinalikan na ang ibabang labi ko. Napakapit ako sa damit niya nang kagatin niya iyon.

Ipipikit ko na sana ang mata ko, pero hindi natuloy, dahil bumukas ang pinto. Naitulak ko si Sir sa subrang gulat.

Nanlaki ang mata ko nang makitang si Ma'am Nheya iyon. Gulat at galit ang nakita ko sa mukha niya. Galit siyang tumingin sa akin, sunod ay kay Sir.

"M-Ma'am Nheya," utal na sambit ko dahil kumalabog na ang dibdib ko.

Hindi ako nakapag salita nang mabilis siyang lumapit at sinampal ako.

"Nheya!" sigaw ni Sir, pero huli na, natanggap ko na ang malakas na sampal ni Ma'am Nheya.

"You think he will love you? Paglalaruan ka rin niya katulad ko," pumatak ang luha ni Ma'am Nheya, saka bumaling kay Sir. "I'm going to prove to you that this girl," sabay turo sa akin. "This girl na pinagkatiwalaan mo ay pinadala ng Mommy mo," halos manlamig ako nang marinig iyon.

"Nheya, Shut up!" Galit na sambit ni Sir.

"I hate you! I hate you, Zachary. Binigay ko lahat!" umiiyak na sambit ni Nheya bago tumalikod. Wala akong masabi sa nangyare, lalo na sa huling sinabi ni Ma'am Nheya.

Naramdaman ko si Sir na hinawakan ang kamay ko. Nakitaan ko ang pag-aalala sa mata nito.

"I'm sorry," pimikit at bumuntong hininga. "Sorry sa ginawa niya. Masakit ba?" Hahawakan niya sana ang pisngi ko kung saan dumapo ang kamay ni Ma'am Nheya, pero iniwas ko iyon.

"Sundan mo siya, Sir. Nasasaktan siya," mahina kong sambit.

"Alam niyang walang kami. Bakit ko siya susundan?" nakakunot noo na tanong niya.

"Kasi may nararamdaman siya. Wala kayong relasyon gaya ng sabi mo, pero may nararamdaman siya. Sundan mo siya, Sir, mag-usap kayo, kausapin mo siya," seryosong sambit ko.

Nang itaas niya ang kamay at hawakan ang pisngi ko, hinayaan ko siya. Napapikit ako ng hinaplos niya iyon.

"Fine," akala ko tatalikod na siya, nagulat ako nang halikan niya na ang noo ko, bago tumalikod.

Nanghina ang tuhod ko. Bakit ganito? Nakaramdam ako ng takot sa magiging reaksyon ni Sir kapag nalaman na niya ang tungkol sa totoong dahilan kong bakit ako nandito? Naninikip ang dibdib ko.

Natatakot ako na baka kamuhian niya ako. Napapikit ako at pinunasan ang isang patak ng luhang pumatak sa mata ko. 

Natatakot ako sa nararamdaman ko. Natatakot ako kasi ramdam kong masasaktan ako sa huli.

____________________________

Author's Note
Support niyo rin yung isang story ko🥺
Kung minahal niyo at minamahal si Zachary, paniguradong malulunod kayo kay Leozardo.

Chase Me, Mr. Billionaire.

Blurb
Leozardo Luenco is a billionaire who gets everything he wants, but he has one thing he has been unable to get since then: the heart of the person he loves, Daryha Vuenavista.

Paano niya makukuha ang puso ng taong minamahal niya mula pa noon kung ang puso ng taong mahal niya ay nasa nakababatang kapatid nito.

Daryha Vuenavista is in love with Jericho Luenco, a younger brother of Leozardo Luenco. Leozardo Luenco tried to stop himself from pursuing Daryha when she left the country.

He dated too many girls to forget Daryha, pero hindi ito nagtagumpay. Sa pagbabalik ni Daryha Vuenavista sa pilipinas, Leozardo decides to try everything to get Daryha, even if Daryha is still in love with his brother Jericho.

Sapat na ba ang mga gagawin ni Leozardo upang tuluyang makuha si Daryha? O tuluyan siyang susuko?

Seducing The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon