"Jessie! Bumaba ka na dyan at aalis na ako. Kung ayaw mong mag commute bumaba kana within five second." Si Kuya Ryll.
"Sandali lang kuya, mag lalagay lang ako ng lip tint." Sigaw kong tugon. Kanina pa sya paulit ulit, parang sirang plaka na kaka-remind sa akin. Masyado ba akong nagtatagal sa harap ng salamin? Kasalanan ko bang maganda tong bunso nya?
"Dalawang oras ka na dyan ha, may makeup kit ka namang dala diba? Sa sasakyan mo na lang yan tatapusin. Tara na at may emergency meeting pa kami sa football."
Panira talaga tong si Kuya, minsan tinatanong ko kung galit ba to sa akin dahil masyado akong maganda o sadyang ayaw lang nya akong makikitang tinitingnan ng kaibigan nyang si Harry. Ewan ko sa kanya, sobrang overprotective.
Wala na akong choice kundi ang sundin sya, hinila ko nalang ang bag ko sa ibabaw ng kama ko. "Dyan na po, Kuya." Padabog kong nilakad pababa ang hagdan, kumunot naman ang nuo nya sa kalatitig sa akin.
"Naku, ikaw ha. Wag mo kang ipakita sa akin yang kamalditahan mo. Makakaisa ka talaga sa akin." Parang wala akong narinig at nauna ng lumabas ng pintuan.
Pumasok ako sa kanyang kotse at binaba ang slaamin sa itaas. Dinala ko na rin ang makeup kit ko sa bag, actually meron din namab ako sa sasakyan nya pero mas bago to kasi kakabili lang kahapon.
Pumasok sya sa loob at pumuwesto sa manubela. "Mamaya doon ka sa likod lilipat." Wika nya.
Natigilan ako sa aking pag lagay ng lip tint at tiningnan sya. "Bakit naman ako lilipat?"
"Nasira ang kotse ni Harry, isasabay natin sya."
"Paano kung ayaw ko?"
"Pwes, gagawin mo. Kasi hindi ako nakikipagusap, utos yun kaya kung ayaw mong magalit ako sayo doon ka sa likod lilipat, do you understand?" Ginamit nya naman ang nakakatakot na tono ng boses nya.
"Ayaw."
"Talaga bang ginagalit mo ako."
"Sino bang importante sayo, yang kaibigan mong siraulo o akong maganda mong kapatid?"
"Basta lumipat ka, kung ayaw mo di bumaba kana lang at doon ka magantay ng bus sa tapat." Swerte parin nya dahil ikalawang bus na ang hihintayin ko dahil kanina pa ang alis ng isa, ma li-late na alo kapag ganon.
"Fine! Tangina naman oh."
"Wag ka ngang mag mura, sasampalin ko yang bibig mo." Panakot nya.
Hindi na ako nagsalita pa, nawalan narin ako ng ganang magayos ng sarili. Padabog kong binalik sa bag ko ang makeup kit, naglagay ng earphones sa tainga at hindi pa tiningnan pa ang kuya.
Ilang minuto na ang lumipas at oras na rin na ako ay lilipat sa likuran dahil narito na at nakatayo ang kinaiinisan ko pang tao sa mundo. Si Harry, ang kababata ni Kuya at kaaway ko.
"Lipat ka-"
"Heto na po." Mabilis akong lumabas sa pintuan at ganon narin na pumasok sa likuran. Hindi ko na pinansin ang lalaking sanhi ng pagaaway namin ngayon ni Kuya.
"May dalaw ba sya ngayon?" Narinig kong tanong nya kay kuya. Lalo lang akong nainis sa narinig, pinagloloko ba ako ng dalawang to.
"Hoy, unggoy. Anong dalaw ka dyan. Di mo ba alam na wala akong monay. Sabi ng iba ang talino mo pero hindi naman pala, utak mo siguro sa puwet." Pag bunganga ko sa kanya.
"Jessie, tigilan mo na nga yang bunganga mo. Nakakarindi kana ha. Hindi mo na nirerespeto tong si Harry, para mo naring kuya to. Respeto naman sa mga matatanda." Agad na kontra ni kuya.
Ang sarap nilang pag untugin.
"Ayos lang naman, Ryll. Alam kong nagbibiro lang tong bunso natin."
"Anong bunso ka dyan, hindi kita kuya kaya wag kang umatsa na close tayo. Itsura neto."
"Tama na nga to, ma li-late na tayo sa school. Ikaw, itigil mo na yang titig mo kay Harry, ang pangit mo na lalo."
"Kasalanan mo kasi to Kuya eh, nasira tuloy araw ko."
Dahil narin siguro sa irita ay tumahimik nalang si Kuya, imbes na tumugon ay nagmaneho sya habang naguusap ang dalawa ukol sa kanilang football.
Matapos na ma-park ang kotse ay mabilis akong lumabas ng pintuan, hindi na naghintay pa sa dalawa at tinungo ang building ng grade 10.
Sinalubong ako ni Jake, ang binansaggan nilang ka-fling ko kahit naman mahirap isipin dahil mas straight pa sa ruler tong lalaking to.
"Magandang umaga misa beautiful." Bati ni Jake.
Inismiran ko lang sya. "Oy, mukhang bad mode ngayon babe ko ha." Biro pa nya sabay sundot ng aking pisngi.
"Wag mo ngang dagdagan pa ang init ng ulo ko, sapat na yong gugong na iyon para masira ang araw ko." Anas ko.
Sinuko nya ang kamay sa ere. "Okay, hindi na ako papalag. Libre na lang kita mamaya sa canteen, nang lumamig naman ang ulo mo."
"Sabi mo yan ha, pag ikaw di sumunod isasama kita sa kaiinisan ko."
Tumango sya at pinagbuksan pa ako ng pintuan. Kung may crush lang ako sa lalaking to matagal ko na itong sinagot sa mga panliligaw nyang nakakamatay, kaso wala eh, kahit nga kunting pagtingin ay wala sya para sa akin. Sa una palang ay na klaro ko na sa kanya na wala akong balak na sagutin sya, pero ito syang laging nagpupumilit na hayaan syang pasayahin ako hanggang sa mamuo ang pagmamahal ko para sa kanya na kahit ilang taon pa ang it-tiyaga nya ay buong puso nyang gagawin.
Baka balang araw himala na mismo ang gagawa ng paraan na magustuhan ko sya, pero sa ngayon ay iba ang nagpapasaya ng puso ko. Wapang iba kundi ang kinaiinisan kong tao sa buong mundo.
Lagi ko tong tanong sa puso ko, sa dinami dami ng lalaking magugustuhan ko bakit pa sya?
BINABASA MO ANG
Brother's Best Friend
Short StoryHarry is your typical bully, a captain of football and literally a famous person of the campus, but one kiss of a dare ruined his secrets. Because kissing his best friend little brother is not a good idea. Rank achievements: 06|16|23: #1 Out of 639...