Natapos ang gabing iyon ng wala man ang akong paangamba na sesermonan ako ng pamilya ni Harry, sa halip ay lagi akong laman ng kanilang pagkukwento dahil daw sa akin kaya nabago ang matampuhin at hindi maayos na paguugali ng anak nila.Ako rin daw ang dahilan kaya nagiging masayahin ang anak at gaya ng pinagusapan ay inihatid ako ni Harry sa amin.
Kasalukuyan ako ngayon nasa saking kwarto nagbibihis pambahay at yung dalawa ay naguusap sa baba. Hindi narin ako nakialam pa, I'm sure naman na magbabati na yung dalawa pagkatapos ng gabing to.
Kanina sa sasakyan ay napagusapan namin ni Harry na itutuloy nya yung panliligaw sa akin kahit na gulat akong malaman iyon. Talaga daw na totoo ang nasabi nya sa video at talagang ipahlalaban daw nya ako upang makuha nya ang pagpapasya kung maging kasintahan nya.
Kaya daw nyang i-risk ang lahat para sa akin, kahit na hindi na sya tatanggapin sa football ay mas nanaisin nyang dumito sa tabi ko at planuhin ang kinabukasan. Oo, ang bilis nyang magdesisyon sa buhay, kung noon pa talaga namin ito nalaman na mahal namin ang isat-isa ay hindi na dito umabot pa ang problema, pero past is past kaya nagpapasalamat nalang kami na nababalik na sa kaayusan na ang lahat.
Hindi nya nalaman na pulang pula na yung mukha sa tagpong iyon, ang sweet talaga nya kapag ang tingin nya sa akin ay kasintahan hindi bilang binubully nya sa school.
Puro naman kahihiyan ang natatamo ko sa mga pambubully nya, wala syang ginawang physical na pananakit kaya it's fine. Tanggap ko na ang pag hingi nya ng tawad.
"Jessie, bumaba kana dyan at may sasabihin ako sayo." Si Kuya ang tumawag.
Mabilis naman akong bumaba ng hagdan. Nakita ko sila na naka-upo sa sofa. Lumapit ako at akmang uupo sa tabi ni Harry ng biglang hinila ako ni Kuya paupo sa tabi nya.
"Talaga bang gusto mo tong lalaking to?" Tinuro nya si Harry.
"Anong lalaki? Kaibigan mo yan kuya." Pagtatama ko. Akala mo hindi sila nagkakalilala, samantalang sabay sila lumaki.
"Sagutin mo nalang ang tanong ko, pwede."
Tiningnan ko si Harry na mataimtim na naghihintay ng isasagot ko sa tanong ng kuya. "Oo, matagal na." Mahina kong sinambit.
Lumipat ang tingin nya sa kaibigan. "Hoy, ikaw. Nangangako kabang wag mo tong sasaktan?" Bakit parang brutal naman sya kung makipagusap sa amin.
"Oo naman, paulit ulit nalang tayo dito, Ryll. Pangako, mamahalin ko yang kapatid mo, hindi ko sya sasaktan at lalong pasasayahin ko sya lagi." Parang natameme ako sa kanyang sinagot, ayan tuloy uminit ang pisngi ko.
I love you Harry ko.
"Kung gayon ay patunayan mo muna, tutal hindi naman kayo nagmamadali. Gusto kong makita na mahal mo sya, wag kang gagawa ng kung ano dahil hindi ko sya ibibigay sayo kung may nagawa kang isang pagkakamali man lang." Pagbabanta ni kuya kay Harry.
"Ryll naman oh, sige na nga basta hayaan mo akong sunduin sya at ihahatid sya sa pauwi galing school."
"Edi mas mainam kasi ayaw ko tong kasabay sa school eh, ikaw nadin ang bahalang mag antay sa kanya dahil lagi lang akong sa klase ko. At saka nang sa ganon ay maialis ko narin ang mga makeup nya sa sasakayan ko, ang kalat at lagi akong pinag hihinalaan na may mga babae ako sa sasakyan." Anas ni kuya.
"Hindi naman iyon ganon ka dami ha."
"Ang hindi, kahapon ay may isang kahon ng makeup ka namang inalagay doon. Harry, bukas ay agahan mong pumunta dito ililipat ko lang ang mga makeup nya sa koste mo."
Kahit naiinis ay sumaya naman ang puso ko, lalo na at bati na kaming lahat. Ang kulang nalang ay ang payagan nila kaming maging mahkasintahan, sa ngayon ay ligaw stage nalang muna kami.
Dahil sa hilig ko sa pag mi-makeup ay naisipan kong gumawa ng channel para sa mga makeup tutorial ko. Ang gagawin ko lang ang Mama ni Harry at BOOM! famous na lola nyo.
Bago paman ako gumawa ng sariling channel ay nanood muna ako ng mga ilang videos kung paano maka-gawa nito. Nahirapan ako kaya lumipas ang ilang sandali ay naka-gawa narin.
Ang kulang nalang ay ang unang magiging video ko.
Masyadong cliche na yung mga lagi kong napapabood na makeup tutorial kaya inigian ko talagang magisip kong anong magandang content habang nag mi-makeup.
"Jessie, uuwi na si Harry. Gusto ka daw nya kausapin bago umalis."
Iniwanan ko muna ang ginagawa kong pag bri-brainstorming at dali daling bumaba ng hagdan. Nasa pintuan si Harry nagaayos ng kanyang jacket.
"Hatid na lang kita sa labas." Sabi ko at sinundan sya hanggang sa makapasok na sya ng sasakyan.
"Uhmm... gusto ko lang sabihin na gagawin ko ang lahat para mapapayag natin sila at simula bukas ay ako na ang maghahatud sundo sayo. At saka-"
Mabilis kong nilapit ang mukha ko sa kanya at hinalikan sya mula sa nakabukas na bintana. Hinawakan nya ang pisngi ko at ginalaw ang mga labi.
"Jessie, Pasok!" Si kuya na nasa paanan ng pintuan, hawak ang magkabilang baywang.
Si Harry na mismo ang lumayo sa halik. "Panira talaga tong kuya mo, kahit kaylan talaga." Kamot batok nyang sinabi.
"Mahal kita, Jessie."
"Mahal din kita, Harry."
Bulong namin sa isat-isa.
Bago paman na sumigaw ulit si kuya ay nilisan na ni Harry ang bahay, pumasok nalang ako ng nawala na ang kotse nya sa paningin ko.
Hindi na ako makapaghintay pa ng umaga, nais ko ulit syang halikan. Nakaka adik talaga yung lalaking yun, kahit kaylan talaga lagi syang sanhi ng aking pagka-tanga sa pagibig.
BINABASA MO ANG
Brother's Best Friend
Short StoryHarry is your typical bully, a captain of football and literally a famous person of the campus, but one kiss of a dare ruined his secrets. Because kissing his best friend little brother is not a good idea. Rank achievements: 06|16|23: #1 Out of 639...