KMN 002

606 39 2
                                    


Nanalo ulit ang team ng football namin sa cluster championship, umingay ulit ang usapin sa magaganap na party sa bahay ng ka teammates nilang pinaka mayaman.

Saktong kapatid ni Jake ang mismong host ng party kaya nagyaya sya kanina sa canteen na kung pwede ay pumunta ako upang maenjoy ko naman ang friday night. Masyado na daw akong mailap kung umayaw na ako, sa kagustuhan ko narin ay pumayag ako.

Sasabay balang ako kay kuya mamaya at kung umayaw sya ay may bala akong ibabato sa kanya na siguradong ikaka-payag nya sa akin.

"Kuya, sabay ako sayo mamaya sa party." Walang ganang wika ko habang nanonood ng telebisyon, pinapanood ang paborito kong anime.

Tumingin sya mula sa kusina. "At anong mo doon? Iinom, kung yan lang ang rason mo di wag na."

"Bakit ba, hindi naman talaga ako iinom, ang gusto ko lang ay ang maranasan kung paano pumunta ng party, matanda na po ako para pagbawalan mo pa."

"Basta ayaw ko, dumito ka at manood ka nalang ng anime."

"Sasabihin ko kay Mama at Papa na bumili ka ng pinag babawala na droga kapag hindi mo ako pinayagan." Bigla syang natahimik, mukhang natamaan na ang ego nang lokong kuya ko.

Lagot talaga sya kay Papa kung nagkataon, isasama talaga sya sa america kung hindi pa nya ako pinayagan na isama nya sa party.

Binagsak nya ang ininumang baso sa counter ng kusina at matalim na mga titig ang pinukol sa akin. "Pagkakamali yung ginawa ko, inaamin ko. Pero wag mo namang isumbong to kina Mama at Papa, hindi ko naman talaga iyon nagalaw, naipit lang ako sa dati kong mga barkada." Pag rarason nya, ngunit hindi ko ito binili.

"Mangyayari yang sinasabi mo pag hindi mo pa ako pinayagan." Kung wais sya ay mas wais ako sa kanya. Mana manahan lang yan ng utak.

"Fine, basta ipangako mo na wag kang iinom ng alak at magpapakabait ka sa party. Wag gagawa ng gulo at lumayo sa mga di kiilala especially sa mga lalaking ka teammates ko."

"Ok, done. After all kasama ko si Jake."

"Sinong Jake?"

"Yung kapatid ng magpaparty. Hindi ko alam ang pangalan eh, basta alam mo na yun." Muli kong binalibgan ang telebisyon at ipapalipas ang ilang oras bago ang magpunta sa party.

Wala sina Mama at Papa ngayon for a week kaya malaya kaming gumala kahit saan man gustuhin, kaya nilubos ko narin na gamitin ang panakot ko sa kuya para hindi naman ako maiwan na hindi pa nakapagpunta ng party.

Matapos ang palabas ay naligo ako at bumihis. Ilang minuto rin ang nalipas sa kaka-makeup ko. Kulang pa ang kalahating oras sa pagpili ko ng susuotin.

Simpleng fitted jeans, puting sapatos na gucci at pink loose shirt na may katagang WET ME UP. Kita rin ang makinis kong kanang balikat dahil sa payat ko.

"Jessie, tara na at baka iiwanan kita dito." Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at bumaba ng hagdanan.

"Ano yang suot mo? Pupunta ka ba sa night club or sa beer house?"

"Kuya di ka ba nasusunod sa uso. Bagay kaya sa akin, nasabi mo lang yan dahil masyado akong maganda sa suot ko." May pa ikot ikot pa akong nalalaman para lang mapatunayan sa kuya ko na ang ganda kaya ng OOTD ko.

"Bahala ka nga nga, tara na. Lagi na lang akong late kakahintay sayo, kaylan ba ibibilis yang pag mi-makeup mo? Lagi nalang nahuhuli ako dahil sayo." Reklamo nya.

Hindi na ako tumugon pa. Unfairness, ang gwapo ngayon ng kuya ko, suot ang simpleng damitan at sikat na pula at puting jersey jacket lalong nadagdagan ang kagwapuhan nito.

Dumating kami sa bahay ng kaibigan makalipas ng ilang minuto, bumaba ako at tumambad sa akin ang modernong bahay.

"Oy, pre. Pasok na kayo at kanina ka pa hinahanap ni Vince, akala tuloy namin na hindi ka makapunta, tahal mo kasi." Isang lalaking may kaparehong jersey ang sumalubong sa amin sa parking are ng bahay.

Nada likod lang ako ni kuya, sunod sunuran. "Heto kasi tong kapatid ko. Nagpupumilit at matagal magayos ng sarili, ayan tuloy." Sinisi pa ako ng loko.

"Kasalanan ko bang maganda ako, kuya? Dapat lang na maayos ako kung ayaw mo ng kapatid na panget." Anas ko sa kanya.

Natawa naman ang kasama ni kuya. "Oo nga, Ryll. Hayaan mo na tong maganda mong kapatid, ganyan talaga ang mga magaganda, matagal mag ayos."

"Bahala ka na nga, tara na at baka naiinipnna silang mag umpisa." Pumasok na kami sa bahay at bago paman ako masarhan ng pintuan.

Nakita ko si Jake na nasa isang sulok ng living area kung saan kinakausap nya ang mga ilang kakilala.

Ng makita nya ako ay agad itong lumihis sa kanila at nilapitan ako saka mabilis na niyakap. "Dumating ka nga, akala ko ikakandado kana ng kuya mo."

"Sabi ko naman sayo diba, papayag sya sa ayaw at gusto nya."

Hindi naman masama ang ingay ng paligid sakto lang sa pakiramdam, tutal at nandito na ako ay iinom ako ng alak. Babaliwalain ko nalang ang sinabinni kuya, may magagawa ba sya kung nasa tiyan ko na yung alak.

Hindi kukumpleto ang teenage life kubg walang alak na malalaklak.

"Baka pagalitan ka nang kuya mo, ako ang malalgot nito pag nagkataon."

"Aaminin kong ako ang pumilit sayo, wag kang magalala." Hinila ko si Jake sa isang lamesa na may nakatayong waiter at agad na humingi ng dalawang baso ng alak.

"Cheers!' sigaw ko at diretsong ininom ang alak. Kahit na mapait at hindi ko nagustuhan ang lasa ay kumuha ulit ako ng usang shot.

Akmang kukuha ulit ako ng ikatatlong baso ng biglang may humila sa balikat ko. Umikot ang katawan ko at humarap sa taong humila.

Si Harry, bigla nyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at nabigla ako sa mabilis na paglapit ng kanyang mga labi sa akin. Ang first ko nawala na.

Tinulak ko sya papalayo. "Anong bang ginawa mo! Bakit mo ako hinalikan?" Sigaw ko sa kanya.

"Dare lang yun, kung inakala mong nagustuhan ko yun paghalik sayo at sinadya ko ay nagkakamali ka, paano ko naman sadyaing halikan ka, never akong papatol sa isang bak-" pinutol ko ang kawalanghiyaan nya sa isang sampal sa mukha.

Nakakahiya, maraming camera ang naka tutok sa amin.

Kung inakala nya na ganon ganonin ako, pwes nagkakamali dun sya. Oo, crush ko sya pero masakit din ang katagang binitawan nya. Hindi ko na ito kukunsintihin pa.

"Wag na wag mo akong sasabihan nyan pagkatapos mo akong halikan, ano akala mo sa sarili mo Gold? Sino kaba na kukuha lang ng halik iinsulto pa? Anak ka ba ng prisedente dahil kung Oo, wala parin akong paki."

Tumakbo ako palayo sa kanila, ang inakala kong masayang party ay napahiya lang ako. Lagi napang ang lalaking yun, lagi nalang nya sinisira ang magandang mode ko. Sawa na ako sa kanya.

Saktong may dumaang bus pauwi sa amin kaya sumakay na ako. Nakauwi ako ng bahay na umiiyak parin, may galit sa taong nagpaluha sa akin.

Masakit palang masabihan nang ganong kataga, lalo na at mahal mo yung tao.

Gaganti rin ako sayo Harry, ipapahiya takala kita sa lahat gaya ng ginaw mo sa akin.

Brother's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon