Natutulala parin ako kapag naiisip ang nagyari kanina, parang panaginip lang iyon. Mukhang hindi lang basta pagpapatawad ang gagawin ko, nararamdaman kong may mali.
Dinner with family, anong ibig sabihin nun? Mukhang mamanhikan ako sa kanila kung magkaganon.
"Oh, saan ka naman pupunta ngayon? Diba pinagbawalan ka na ni Mama at Papa na lumabas sa ganitong oras, susuwayin mo narin ba sila?" Si kuya sa pintuan ng aking kwarto, hawak ang gaming controller nya.
"Hayaan mo na ako kuya, wag mong sabihin kina Mama at Papa na lumabas ako. Ang totoo nyan hihingi ako ng tawad sa pamilya ni Harry ngayon, alam kong mali ako sa puntong yun. Babalik din nan ako kaagad, nangako nan si Harry na ihahatid nya ako pauwi." Paliwanag ko.
"Hindi parin ako bati sa gagong yun ha, kaya magingat ka. Pero kapag gumawa ulit sya ng ikakagalit ko, hindi lang suntok yung matatamo nya. Kulang pa nga iyon eh, magpasalamat sya kasi magkaibigan kami. Pero ngayon, hindi na ako makakapagpigil pa."
Hindi ito yung unang away nila kuya at Harry, alam ko rin na sa tamang panahon ay magbabati din ang dalawa.
"Magingat ka, text mo ko kung may mali." Umalis sya kaagad.
Makalipas ng ilang sandali ay may narinig akong busina sa labas ng bahay. Kita ko sa mula sa bintana ang kotse ni Harry, naka tingin din sya sa bintana at nagtamaan kami ng tingin.
Mabilis akong bumaba ng bahay at lumabas ng pintuan. Nanatiling nasa loob sya, sininyasan lang nya akong pumasok sa kabila. Bihis na bihis din sya, simpleng sweater ang suot ko at pantalon habang sya ay naka itim na long sleeve na naka-tupi hanggang sa ibabaw ng kanyang siko at naka tuck-in, katerno di nito ang itim na pantalon at gucci belt.
Mukha syang mafia prince sa naka suklay paitaas na buhok. Nagmumukha tuloy akong basahan sa tabi nya. Nakakahiya.
"Sorry ha, mukhang panget ang suot ko." Yuko ang ulo ko sa sinabi.
"It's okay, cute nga eh.
"Ano?"
"Wala, sabi ko okay na. Pwede naman." Pinaandar na nya ang makina at walang abalang pinaandar. Mabilis kong kinalabit ang seatbelt at kinabit.
Mukhang nagmamadali sya, may lakad siguro mamamya pagkatapos mag dinner. Muli akong nakaramdam ng kaba, para akong girlfriend na haharap for the first time sa mga magulang ng boyfriend ko.
Tanga lang kasi mukha akong ewan. Lalo lang akong kinakabahan kapag naiisip ko iyon.
Wala akong nagawa kundi ang tumingin sa labas, para kasing isang segundo lang ang nakalipas ng dumating kami sa sinabing pagkakainan.
Isa itong five start restaurant, never pa akong nakapunta sa lugar na ito. Tanging mayayaman lang ang nakakapagkain sa loob, ang tulad namin ay bagay sa mumurahing kainan.
"Labas na at ayusin mo yung sasabihin mo. Wag bastos at sumangayon ka lang sa mga pinagsasabi nila."
"Paano kung ayaw ko sa pinagsasabi nila?"
"Gusto mo bang patawarin kita?" Tumango ako.
"Then do what I ask, walang angal at sunod ka lang sa mha pinagsasabi nila. Malinaw ba?" Tumango ulit ako.
BINABASA MO ANG
Brother's Best Friend
Short StoryHarry is your typical bully, a captain of football and literally a famous person of the campus, but one kiss of a dare ruined his secrets. Because kissing his best friend little brother is not a good idea. Rank achievements: 06|16|23: #1 Out of 639...