KMN 007

317 38 7
                                    


Kagabi ay biglang pumasok sa isipan ko ang magiging unang video ko for my channel. Ilang minuto ko rin itong pinagisipan, gagawin ko ang unang makeup tutorial ko sa loob mismo ng kotse ni Harry at habang tinatahak namin ang daan papuntang school ay mag mi-makeup ako.

Siguradong maraming manonood nito lalo na at parang 5 minute challenge yung ginagawa ko. Lalabas ako ng bahay na walang makeup then doon na ako mag re-record for proof na wala talaga akong nilagay na makeup bago pumasok sa kotse and then doon ko lang ipapakita sa kanila ang unang simple makeup look ko habang nagmamaneho si Harry.

Mas exciting iyon dahil bukod sa naamadali ay mahihirapan akong malagay ng makeup habang umaandar yung kotse.

"Talaga bang binibigay mo sa akin tong camera mo? Pwede naman kasing cellphone ko lang ang gagamitin ko."

"Nakatingga lang yan sa kwarto ko, dati ko kasi yang ginagamit sa school noong sumasalinpa ako ng photography club, nasawa narin ako at yan nga hindi na nagagamit pa."

"Dahil sayo kaya lagi akong nagbabasa ng school newspaper pero simula ng nawala ka eh hindi na ako interesado pa. Galing mo kasing kumuha ng picture lalo na ng kinunahan mo ako habang naglalakad ng hallway." Nakilig talaga ako ng makita ko iyon, doon tuloy nagsimula tong malalim na paghanga sa kanya.

Nagkamot sya ng batok. "Ang totoo nyan sinadya ko talaga iyon, sakto at nagustuhan iyon ng editor kaya napasama ka sa mga litrato. Ang dami ko kayang picture mo, lagi kasi kitang kinukunan kapag nakikita kita."

So, parang stalker ko sya. Curios tuloy ako kung ilang litrato ko ang meron sya.

"Pero sa kasamaang palad kaunti nalang ang meron ako, lahat kasi ng memory card nasira."

"Anyway, ready kana ba? Nasalin ko na yung mga makeup mo sa kotse, at kanina pa umalis ang kuya mo. Maaga pa kasi ang unang klase nya."

"Well, magsisimula ako sa kwarto ko upang mag intro and then hintay ka nalang sa kotse. Susunod narin ako mayamaya."

Gaya ng pinag planohan ay bumakik ako sa kwarto upang mag-intro. Nag good-morning din lang ako at nagpakilala kasi hindi pa nila ako kilala. Pagkatapos ay pumasokna ako sa kotse ni Harry, nag set-up ng camera at sinimulan ko nang mag video ng sarili habang nag mi-makeup.

Natapos lang ako ng dumating na kami ng school. simpleng makeup lang ang ginawa ko sa aking mukha, konting foundation at kulay, hindi naman talaga ako naglalagay ng sobrang kapal na makeup sabi nga nila ay bagay sa akin ang light, natural na akong maganda. Charot, pero totoo.

Naligayahan naman ako sa pag live video ko. Sabi nga nila mas mainam na mag live videos muna ako at nang malaman kung may naka-interesado ba sa content ko. Sa mabuting palad umabot sa three thousand ang nanood sa loob ng limang minuto.

Bumaba ako ng kotse at ilang mga estudyante na ang sumalubong sa akin, mukhang instant fan ko sila.

"Oy, Jessie first subscribe mo ako."

"Ako din, idol kita. Ang ganda nyo po."

"Anong ganda dyan, eh ang pangit naman ng mukha." At seyempre hindi mawawala ang mga basher, rule number one: kapag may basher palusutin sa kabilang tainga.

Hindi ko tuloy napansin na naiwanan ko na pala si Harry na nakatayo sa paanan ng kanyang kotse. Nagmadali akong bumalik sa kanyang harapan.

"Harry ano bang ginagawa mo dyan, tara na." Hinila ko ang kanyang kamay na naging sanhi ng kanyang pag ngiti.

Parang normal na ang pagtrato sa amin ng mga tao sa campus, ang nangyari last week ay tila nagibg isang bula. Hindi narin nawala sa pagiging football co-captain si Harry at sa unang pagkakataon ay naging open sa lgbtq ang football team.

Kahit may kaunti ding hindi sumangayon ay hindi nan ito hadlang dahil ang mas nakakarami ang syang mananalo. Ang swerte namin dahil ang mahal namin sa buhay ay hindi nakami kino-kontra at iyon ang mas importante.

Hindi narin nagtagal ay humiwalay na kami sa kanya-kanyang subject, senior na kasi sya at hindi rin tatagal ay maiiwan ako dito ng magisa.

Kasalukuyan akong nag aayos ng mga kagamitan sa loob ng aking bag ng biglang may kumabig sa balikat ko.

"Kain tayo, libre kita." Pagyaya nya. Hindi naman ako makatanggi dahil bakit hindi, at saka kay gara din ng isang to maka libre narin ng mamahaling bilihin sa canteen.

Tumayo ako at Kasama syang tinungo ang canteen. Halos puno na ang loob ng mga tao pagdating namin, nahirapan narin kaming maka-singit sa pila kaya sa isang pag hakbang ko ay muntik na akong mahulog sa sahig mabuti nalang at nasalo ako agad ni Jake.

Natutulala ako dahil ngayon ay sobrang lapit na ng mukha ni Jake sa akin, isang pulgada nalang at didikit na yung ilong namin sa isat-isa.

"Anong nangyayari dito?" Malakas na pagsambit ng isang boses. Ng tiningnan ko kung sino ito ay natanto kong si Harry pala, kasama ang kuya kong nasa gilid nya nakatitig ito ng matalim kay Jake.

Dali dali akong tumayo at inayos ang sarili. "Harry, muntik na kasi akong madapa sa sahig, mabuti nalang at sinalo ako ni Jake." Pagpapaliwanag ko.

"Ganon ba, akala ko kasi iba na."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala, kumain kana ba?"

"Hindi pa."

Hinawakan nya ang kamay ko at akmang hihilahin patungo sa nakahilirang bilihin. "Harry, ililibre kasi ako ngayon ni Jake."

Binitawan nya ang kamay ko at kumuha ng sariling pagkain ng walang tingin sa akin. Parang nagiiwas na sya ng tingin dahil siguro sa pag hindi ko sa kanyang paghila kanina.

Umupo kami ni Jake sa di kalayuan, nakikita ko rin ang table nila ni Harry at Kuya. May pinaguusapan silang mag babarkada, pasukyap sulyap din si Harry sa gawi namin, lalo na kay Jake. Parang papatayin nya ang kaibigan ko sa mga titig nyang hindi nabibili.

"Sama ng tingin ng boyfriend mo ha, mukhang mapapahak ako nyan." Pabirong winika ni Jake.

"Wag mo nang pansinin, kakausapin ko na lang sya mamaya. Nagmumukha tuloy syang nagseselos."

"Obvious nga eh."

Si Harry nga naman. Kanina ang makeup tutorial channel ko, tapos ngayon si Jake naman.

Brother's Best FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon